Chapter twenty two

42 7 0
                                    

"You are gaining weight."

Napaubo ako sa narinig at saglit na bumaling sa babaeng tinititigan ako nang mariin. I rolled my eyes before slicing the indian mango. Pangatlo ko na 'to pero hindi ako mabusog-busog sa hindi ko malamang dahilan.

"You should go to gym too." She shook her head, disliking the changes in my body. "That's not good for you. You have a good body, keep it that way."

Yeah right, as if you care.

Hindi ko s'ya pinansin. Halos isang buwan na rin magmula nang lumipat kami rito. Unti-unti na rin akong nasasanay na ito na talaga ang bahay namin. Wala naman na akong magagawa kundi ang tanggapin, hindi ba? Kasi kung hindi, ako lang din naman ang mahihirapan.

After I ate mangoes, I walked back in my room and locked myself there. Kinuha ko ang phone ko at nakitang tumatawag si Pamela. Sinagot ko naman 'yon kaagad.

"AVEEN!" 

Kinailangan kong ilayo ang cellphone sa mukha ko nang sumigaw s'ya dahilan para mapangiwi ako.

"Shut up," I said. Nang muli kong itinapat pabalik sa akin ang cellphone ay nakita ko s'yang ngiting-ngiti sa camera. She looks fine with those familiar annoying grin. Kumaway s'ya na tinanguan ko naman bilang pagbati pabalik. "What's up?"

"Grabe namiss kita!" sagot n'ya. "Nakakamiss din pala 'yang kamalditahan mo. Balik ka na."

"Plastik mo, hindi bagay."

"Ay, pansin mo rin?" I laughed. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard.

"Anong ginagawa mo?" Tanong n'ya. I could see her writing something on her notes, obviously studying.

"Nothing," I replied shortly.

"Ha? Bakit wala? Hindi ka na nagpo-photography?"

"No." I shook my head. "Dito lang ako sa bahay. Isa pa, hindi naman kagaya riyan na pwede akong gumala kahit saan. It depends on the mood."

"Bumalik ka na kasi rito!" pangungulit n'ya pa. "Kahit nakakairita ka, titiisin na lang kita!"

"No thanks," I replied, smirking. "Sawa na ako sa mukha mo. This new environment will help me get rid of you."

"Sama mo!"

Napangiti lang ako habang nagsisimula na s'yang magkwento. I miss her too. I miss them all.

"Kumusta ka na?" Tanong n'ya nang manatili akong tahimik na nakikinig ka sa kanya. "Nakikita ko mga kaibigan mo minsan kapag dumaraan ako sa school n'yo. Si Dramos na lang at si Dasha ang palaging magkasama. Grabe, parang kailan lang kumpleto pa kayong pumapasok." She chuckled.

"Namimiss mo rin ba sila?"

"Of course." I rolled my eyes with her stupid question. "Ano bang akala mo sa akin? Walang nararamdaman?"

"Sabi ko nga."

The call lasted for almost an hour. Kung anu-ano ang tinatanong ni Pamela na parang ewan. She was asking if I already found someone else or if I already replaced Finn in my heart. For goodness sake, hindi pa nga ako nangangalahati sa pagmomove on. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na magmomove on na ako pero kinabukasan, nauuwi na naman ako sa pangi-stalk sa profile n'yang puro shared post ng kagaguhan.

Dahil wala naman akong magawa, I just took a bath, did my make up and took some selfies. Iba't ibang anggulo ang kinuhanan ko. I want to look fine. I want to appear okay kahit hindi naman talaga. Medyo naging conscious ako sa sarili ko sa hindi ko malamang dahilan at napatingin sa salamin. Tama si mama, medyo lumalaki nga ako. I sighed.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now