Epilogue

98 7 1
                                    

"I'm okay. Just please leave me alone."

Napabuntong hininga ako. Iyon na lang ang tangi kong naisasagot sa tuwing ganito si Aveen. Hindi ko na rin alam kung pang ilang beses na n'ya akong ginustong umalis. At para ano? Para solohing mag-isa ang lahat? Na naman?

"Ilang beses ko rin bang kailangang ulitin na ayaw ko, Aveen? Hindi mo ako mapapaalis."

Narito kami ngayon sa maliit na dorm nina Aveen. Alam kong may roommate s'ya dahil may mga gamit sa itaas ng double deck. Ngayon lang ako nakatapak dito at alam kong hindi rin ito alam ng mga kaibigan namin. Nagtataka na ako noon kung bakit hindi na s'ya umuuwi pa. Gustuhin ko mang pabalikin s'ya ngunit iyon na rin siguro ang magandang solusyon para hindi na s'ya mahirapan at masaktan.

"I don't need your help. Alam kong pinagtatawanan mo lang ako dahil sa nangyari. Nick broke up with me. That's the thing that you all have been wanting, di ba?" Pumatak ang luha mula sa isa n'yang mata. Doon pa lang ay para nang niyayanig ang mundo ko sa katotohanang baka minahal n'ya ngang talaga si Nick. Baka talagang totoo ang nararamdaman n'ya. "Okay na ba? Masaya na ba kayo?"

Hindi naman namin intensyong pagmukhaing mali ang mga desisyon n'ya. Alam lang naming hindi talaga makakabuti para sa kanya si Nick. Hindi s'ya maganda para kay Aveen. Alam naming mangyayari ito. Hindi s'ya pahahalagahan ng mga taong tinuturing n'yang mundo. At doon ako sobrang nagagalit.

Matapos kumain ay naghuhugas ako ng pinggan nang pumasok si Aveen sa banyo. Hinayaan ko s'ya dahil baka maliligo kaya naglinis na lang muna ako pagtapos. Nag-silent ako ng cellphone kasi si Douglass, 'yong katrabaho kong mukhang aso ay pinupuno masyado ang inbox ko. 

Asongsalamin: Shutanginers, Finn David Vernon! Kinukulit na nga ako ng fangirls mo pati ni manager, inuuna pa talaga ang ibang bagay! Nayayanig ang kagwapuhan ko!

Finnthepogi: Pre naman. Sabi ko naman sa 'yo, mas importante to kaysa sa ibang tao.

Asongsalamin: matatanggalan ka ng trabaho, Finn!

Finnthepogi: hayaan mo na, pre. Maraming trabaho riyan pero itong babaeng 'to, nag-iisa lang.

Asongsalamin: e 'di inamin mo ring babae nga ang pinagkakaabalahan mo! Ang gulo mo talagang hayop ka!

Napabuntong hininga na lang ako at inilapag ang cellphone ko sa mesa. Napatingin ako sa orasan at nakitang kanina pa si Aveen sa banyo. Bigla akong kinutuban. Lumapit ako roon para kumatok ngunit walang sumasagot.

"Veen?" Nanatiling tahimik sa loob, walang sumasagot. "Aveen? Papasok ako kapag hindi ka sumagot."

I heard no response again. Tila nagdalawang-isip pa ako ngunit mas nangibabaw sa akin ang kagustuhan masiguradong maayos s'ya. Pagpasok ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may umagos na dugo mula sa pulsuhan n'ya. Paulit-ulit akong napamura at niyakap s'ya nang mahigpit habang wala s'yang humpay sa pag-iyak.

Parang walang buhay si Aveen noong mga sumunod na araw. Nakatulala at hindi pumapasok. Umiiyak at palaging hinahanap si Nick. At habang tumatangis s'ya para sa iba, tumatangis naman ako para sa pagmamahal na hindi n'ya mapansin-pansin.

"Tama na, pre. Tigilan mo na," minsan pang saad ng Liro nang makasabay kami sa cafeteria. Madalang lang 'yon dahil pareho na kaming busy. Pinaglaruan ko ang ballpen sa kamay ko habang nagbabasa ng libro. Bumuntong hininga ako.

"Kung pwede lang pero wala, eh. Kasi kahit hindi n'ya ako kailangan, palagi akong ilalapit at ipipilit ang sarili ko."

Sino ba naman kasing pahihirapan pa ang sarili kung paulit-ulit na ipamumukha sa 'yong hindi ka n'ya gusto, 'di ba? Pero paulit-ulit kong papatunayan na hindi ako katulad nila. I will make a difference. Siguraduhin kong hindi ko uulitin ang ginawa nila sa kanya.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now