Chapter thirty eight

28 5 0
                                    

"Hindi ko inaasahang makakarating ka, Aveen. Sabi ng anak ko'y hindi ka raw makakasama at may trabaho ka."

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago humarap sa kanya at sumagot.

"I realized that work can wait. And I also want to see if my daughter's doing great." I glanced at Malia who was enjoying her scrumptious dinner.

"Your daughter, huh?" Aya commented. Nalipat tuloy ang tingin ko sa kanya. "So kapag anak mo ay anak din ni kuya, gano'n ba?"

"Aya," saway ni Finn na nasa tabi ni Malia. "Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"I don't understand the logic. Pag-uwi mo rito, biglang magpapakilala ka na may anak ka na? Ang bilis naman yata?"

"Tumahimik ka, Aya."

"What, kuya? Nagtatanong lang naman ako. Ano bang masama?"

"Intindihin mo na lang si Aya, Finn," sabat naman ni Beatriz. "Naguguluhan s'ya sa sitwasyon. Let her absorb things first."

"Hindi ko lang gusto kung ano ang lumalabas sa bibig mo."

"Tama na, anak," tita Yuna said calmly. Tahimik lang naman na kumakain si tito at si Aidan. "Aya, huwag kang ganyan. Nasa harapan tayo ng pagkain. Mahiya ka naman."

Aya just scoffed. When our gaze met, she looked at me with daggers. Napaiwas ako ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi ko na naabutan kung paanong ipinakilala ni Finn ang bata sa kanila. I wasn't able to take a glimpse of their faces the moment they saw Malia standing in front of them. Pero sa hitsura naman ng anak ko ay mukhang naging okay naman ang pagtanggap sa kanya. Hindi na s'ya mukhang natatakot.

"Mommy." Hinila n'ya ang laylayan ng damit ko kaya napalingon ako sa kanya. Sinenyasan n'ya akong may sasabihin s'ya kaya bahagya akong yumuko para maabot n'ya ang tainga ko. "Mommy, I don't like carrots. Can you eat them for me?"

"Eat that, Malia. Daddy's family were watching."

"But mommy... I really don't like carrots," bulong n'ya pa.  "Please, mommy..."

"Ano raw ang gusto?" Finn also leaned his head to join in our conversation. Sabay kaming napalingon sa kanya ni Malia. Our daughter hesitated to speak. Tumingin s'ya ulit sa akin na wari'y nanghihingi ng tulong.

"Tell daddy," I said. Nag-aalinlangan naman s'yang lumapit kay Finn at may binulong. Maya-maya pa ay tumawa ito.

"Pero sabi ng mommy mo ay kailangan mo 'yang ubusin," nakangiting sagot ni Finn. He looks like he's enjoying the look on Malia's face. "Masustansya 'yan, anak. Sige na, iilan lang naman 'yan."

"Daddy..." Malia's eyes began to well up. Ayan na naman s'ya at sinusubukang magpaawa.

"Hala, mukha kayong happy family," Aidan commented out of the blue, making my eyes widened. The three of us turned to him who was busy eating. Doon ko lang din napansin na pinapanood na rin pala kami nina tita Yuna. Even Beatriz looks like she wasn't pleased with what she was seeing. Humigpit ang hawak n'ya sa kubyertos.

"Ano bang gusto ng magandang apo kong 'yan?" Just by hearing that from Finn's mom made my heart melted. That means... She's accepting Malia. She's accepting my daughter.

"Ayaw raw ng carrots." Finn chuckled.

"Oh, is that it?" Beatriz asked. She then touched Finn's hand. "Huwag pilitin ang bata kung ayaw. What do you want, Malia? Do you want some cupcake instead?"

"Cupcakes...?"

"Yes. Here, some chocolate with strawberry icing cupcake." Tututol pa lang sana ako nang abutan na ni Beatriz ng matamis na cupcake si Malia. Nagningning naman ang mga mata ng anak ko habang nakatitig sa hawak n'yang pagkain.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now