Chapter twenty five

59 8 0
                                    

"happy birthday to you! Happy birthday! happy birthday! Happy birthday to you!"

"Wish ka, nak." Binuhat ko ang cake at bahagyang inilapit upang maabot n'ya. Sandali s'yang pumikit at pagmulat ay saka hinipan ang kandila. "One more."

Binuhat ko naman ang isa pang cake na para sa kambal n'ya at pinaihip din 'yon sa kanya.

"Happy birthday, baby ko!" Dasha said out loud.

"Thank you, tita ganda," my daughter replied, making everyone disgusted. Tanging si Dasha lang ang natuwa.

"Opinion lang ni Malia ang kailangan ko! Hindi sa inyo!" pang-aaway n'ya. "Halika na rito, baby! Buksan natin gift ko para sa 'yo!"

"Hoy, kumain muna!"

Hindi man lang nila ako pinakinggan at dumiretso lang sa sala. Malia just turned five and my friends threw a party for her.

Iilan lang din naman kami. Sina Dramos lang, si Pam saka si Janna pati si Ferial at ilan sa mga naging kaibigan ko sa tuwing may raket ako. I don't have that much friends and it's okay. Kinuhaan ko ng pagkain si Malia dahil hindi pa s'ya kumakain. Paano kasi, maya't mayang hinihila ng mga tito't tita para magpapicture dahil binihisan ba naman nila ng fairy costume. Palibhasa maganda ang anak ko, eh.

"Wow, dress!"

When I went to the sala where they gathered, gift wrappers were already on the floor. Parang mas excited pa 'tong mga babaeng 'to na magbukas ng regalo kaysa kay Malia.

"Halika, isukat natin."

"Dashana, maganda na ang suot ni Malia!" Janna fired back. Ayaw ring magpatalo no'ng isa. Palibhasa kasi s'ya ang bumili ng suot ni Malia.

"Mas maganda 'tong bigay ko! Ito dapat ang isuot n'ya!"

"Pinakamaganda ang akin," sabat ni Pam. S'ya na mismo ang nagbukas sa sarili n'yang regalo para ipakita ang laman no'n. Dress din naman, mas sexy nga lang. I rolled my eyes.

"Huwag na nga kayong mag-away," I said. "Saka Dashana, akin na ang anak ko. Huwag kang nakikiagaw, wala ka namang inambag diyan."

Pareho lang sila ni Keere na parang ayaw nang ibalik sa akin si Malia. Bakit ba kasi hindi na lang sila gumawa ng kanila?

"Magkakaroon din ako n'yan maghintay ka lang. Magkakaroon din ako ng ka-twinning."

"Sinong magbibigay sayo, Dasha? Si attorney?" Tanong ni Pamela dahilan para matawa nang malakas si Janna. Sumama naman ang mukha ni Dasha at nagsimula nang mapikon.

"Attorney who?"

"Kunwari hindi kilala," Janna teased. "Pero kapag mag-isa, hinahanap-hanap."

"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo riyan." She walked out and just sat on the couch beside Faber who's watching a series. Sa sahig na lang din ako umupo at nag-indian sit. Malia sat on my crossed legs so I could feed her.

"Mommy, barbecue."

"Here. What else?" Umiling s'ya. Just like her dad, she also loves eating barbecue. Hindi ko alam na pati hilig sa pagkain ay namamana rin.

"Faber, paabot ng phone ko," rinig kong saad ni Dashana. Pinanood ko ang anak kong tuwang-tuwa sa pag-kain n'ya na parang ngayon lang nakatikim ng barbecue.

"Water?"

"Coke!"

"No," I said. "Uminom ka na ng soft drinks kanina. That's enough."

"Mommy." She pouted but I just arched my brow. Kahit pa ang cute cute n'yang tignan, hindi pa rin ako nagpatalo. Ako dapat ang susundin ng anak ko at hindi s'ya ang magpapasunod sa akin. Hindi naman na s'ya nangulit at kahit labag sa loob ay nagtubig na lang.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now