Chapter twenty nine

36 5 0
                                    

"Let's have our dinner tomorrow night at seven."

My lips parted while listening to the only voicemail that I've received. It's been years since the last time I've received a voice message from him but it still feels the same. Tapos 'yong conversation namin, inamag na. Last five years ago pa at ngayon lang nasundan. Nababasa ko pa nga 'yong huling I love you n'ya na sineen ko lang. Hindi ko tuloy mapigilang hindi isipin. Nagba-back read din kaya s'ya tulad ng madalas kong ginagawa? Or maybe no. Maybe he deleted our conversation the day he left.

Binulsa ko ulit ang phone ko at nagtungo sa sala na may dalang plato ng ginawa kong apple chips at dalawang chuckie. For this afternoon, we'll be watching Trolls holiday. I turned all the lights off, grab our comforter since it's rainy and cold and wrapped it around our body. Malia snuggled closer to me as the movie started. Ipinatong namin ang mga paa namin sa center table habang kumakain.

"Mommy, trolls," manghang saad n'ya sabay lingon sa akin habang umiinom ng chuckie.

"Which one do you like?" I asked, munching the crunchy chip.

"The pink one!"

"Oh." I chuckled. While Malia was busy watching, I took the chance to capture her. Mostly, puro stolen. May kumakain, may tumatawa at may namamangha. Sinend ko 'yon sa gc namin nina Dashana, Pamela at Janna. I don't know how but I just woke up that we already have our group chat. Hindi ko namalayan na close na close na rin sila.

Aveen sent two photo.

Aveen: Mainggit kayo please.

Janna: Kung makapag-flex 'tong babaeng 'to, akala mo may nakuha sa kanya. By the way, ang ganda mo, Maliaaa!

Dashana: Baby koooo

Aveen: @Janna, makukuha n'ya ang boobs ko na wala kayo, paglaki n'ya. Sorry.

Janna: Pake namin sa boobs mo? Mayroon din kami, duh.

Aveen: Ows? Paanong nangyari?

Dashana: Hindi ka na talaga nagbago, Aveen. Kahit sa chat, mapanakit ka.

Aveen: Ako lang 'to, Dasha. Ako lang 'tong binreast feed si Malia nang hindi nahihirapan. ᕙ( ͡◉ ͜ ʖ ͡◉)ᕗ

Dashana: The fuck?! So?! Anong pake namin? Kapag ako nagkababy, ipapakita ko sa harapan mo mismo kung paano ko s'ya ibebreast feed. 'tong babaeng 'to!

I laughed.

Janna: Yabang na n'yan palibhasa sikat sa facebook. Akala mo di s'ya kumakain ng kalapati no'n.

Pamela: HAHAHAHAHAHA. Hoy, tama na 'yan umiiyak na si Aveen!

Dashana: Wla kming pke khit umiyak sia ng dugo. Feyk u, Aveen, eight, nine.

Janna: Dasha, Krazy. Need loving ni Attorney.

Dashana: Gago mo, Ja. Wala akong ginagawang masama sayo. Huwag mo akong anuhin.

Aveen: I'll be having a dinner with Finn tomorrow night.

I sent the message to stop them from fighting. Seriously, I could hear their voices in my head and it's annoying. Sandaling natahimik ang gc, pero nakita kong naka-seen na silang lahat.

"Mommy, no more chips," Malia said, poking my shoulder. "I want more."

"Okay, I'll get some more again." I kissed her before standing up. Saktong habang naglalagay ako ng panibagong chips sa plato ay tumunog ang cellphone ko.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin