At paano nya nalamang ako ang nagsalita? Diba nakatalikod sya. May mata ba sya sa likod?

Kumawala sa akin ang malalim na hininga bago ako umupo. Wala na akong magagawa. Pinagmasdan na lang namin sya. At ng maitiklop na nya ang huling folder na sinisiyasat nya ay humarap na sya amin.

My jaw almost dropped when I saw her face. Maraming magagandang babae ang nakita ko na. It’s pretty normal, ang mapalibutan kami ng mga ganoon. Cause girls adore us.

But there’s something in her that is different from the women I’ve met before. Yung aura nya, pang boss. Di ko alam kung mamamangha ba ako o matatakot.

“To begin with… I am May Ramis. 22. Parisian, I came from France. I am a vocal coach, Song writer, Compose, a musical directress. And a certified glutton.”

“Glutton? Pati ba naman yun sasabihin mo pa? Haha. Timawa.” natatawang komento ni Tao(Chen).

Bahagyang tumaas ang isang kilay nya na tumingin kay Chen. “Eh ano ngayon? Gusto ko lang i-declare. Proud ako eh.” Napatikhim na lang si Chen. Tiklop sya.

Nagpabalik-balik sya sa paglalakad na parang nagdedeclamation lang. Lahat kami ay focus sa kanya. Hanggang sa ilahad nya sa amin ang folder.

“Itong hawak kong folder ay naglalaman ng mga kanta ninyo and with your designated lines or parts sa kanta. Pero bago ko muna ito ipakita o ituro ito sa inyo, kailangan muna nating i-overcome ang conflicts sa inyo. Hanggat may problema pa sa inyo, walang recording na magaganap.”

She stood in front of us with confidence. “Napagaralan ko na kayong lahat. Mula sa boses, range, pitch, genre, everything. But since medyo may conflict daw kayo sa vocals at sa pagcontrol, aayusin muna natin yan. Sa devices ko lang narinig ang mga boses nyo. So now, gusto ko naman marinig ang boses nyo, live. Kailangan ko iyon para malaman kung kailangan ko pa bang i-adjust ang mga binigay kong part ng kanta sa bawat isa sa inyo.”

Bahagyang huminto sya sa gitna ng matapos ang sinasabi nya. Nagtama ang mga mata namin, mariin syang nakatingin sa akin na para bang may kasalanan ako sa kanya. This is not good. “At since ikaw naman ang kanina pa naiinip. Bakit hindi ikaw ang magsimulang kumanta, Xiumin.”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. I did not see that coming. Geez, di ako prepared. Ng tumingin ako sa kanya ay naka-smirk na sya. Gustong gusto nya ang nakikita nyang pagkabigla sa mukha ko. Minamaliit nya ako.

Tumayo ako ng tuwid at nagpunta sa gitna. Watch me. Ipapakita ko sayong mali ka ng akala.

~

Harriet POV

Halos isang linggo akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa pagiisip sa mga sinabi ni Chanyeol sa akin. Bukod pa duon ay napaka-showy nya. Hatid sundo nya ako sa training room ko. Libre na rin ang merienda at lunch under his courtesy. Gosh! Everything feels so unreal. Di ko tuloy maiwasan ang mailing. Lalo na sa tuwing pinagtitinginan kami ng mga staffs. Niyayanig nya ang mundo ko!

Ang lakas nyang mambakod.

Pero magrereklamo pa ba ako? Eh si Yeol yun eh. Bias ko yun. Minus the body. Ang hirap kasing i-feel. Si Lay yung nakikita ng mata ko eh!

Paano na lang kung bumalik na sila sa dati. Hindi kaya malito ang mga tao dahil si Lay ang lagi kong kasama tapos suddenly si Chanyeol na? Eer… that would be awkward.

Anyway, JuskoLord! Next week na ang recording session ko. Hindi pa perfect ang mga kanta ko. Ni hindi ko nga alam kung magugustuhan ba yun ng mga tao, baka naman ma-antique ang album ko sa mga music store. Pero sabi naman ni Dreya, yung vocal instructor ko. okay na daw ang performance ko.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now