Chapter 26

60 4 0
                                    



Nagdaan ang ilang oras ay nakaalis na dito sa kagubatan si Zacob kasama ng mga bantay niya. Naiwan naman dito si Dick at nakatanggal na ang maskara niya. Dahan-dahan niya nilapitan ang labas ng Ancient Cave at habang kaharap niya ito ay hindi niya naiwasang magtataka sa kung ano ang nasa loob ng Ancient Cave na ito.

"Hindi ko inasahang aabot ako sa ganito, wala ito sa plano ko, pero dahil sa kagustohan kong gumawa ng sariling landas, dinala ako dito ng mga paa ko..." mahinahong sambit niya habang tinitigan ang malaking pader na nagsisilbing pinto ng Ancient Cave.

Habang tumatagal ang pagtitig niya dito ay tila may nag tulak sa kaniya para dahan-dahan niya inilalapit ang kamay sa malaking pader, pero ilang sandali pa'y parang nagising siya at ikinagulat niya ito, kaya dali-dali niya inalis ang kaniyang kamay.

Napabuntong hininga siya. "Hindi ko pwedeng subukan dahil maaari kong ikamatay kapag hindi ako ang Chosen One. Hindi ko rin naman kailangan pang maging makapangyarihan, sapat na para sa akin ang tapang at kakayahan na ipagtanggol ang mga tao." Pagkatapos niya sabihin ito ay lumakad na siya paalis dito.



Ngunit napahinto siya nang parang may kung anong gumuguho mula sa likod niya, kaya dahan-dahan siya humarap at nanlaki nalang ang mga mata niya nang makitang nahati sa dalawang parte ang pader at sa gitna nito'y sapat na para makadaan ang isang tao.

Halos manginig ang labi niya sa subrang gulat. "Pa-Paano nangyari 'yon...? Ni hindi ko nga hinawakan ang pader...at tsaka imposibling maging Chosen One ako..." hindi siya makapaniwala kahit pa na nagbukas ang mahiwagang Ancient Cave at tila hinihintay siya nitong pumasok.

Nanatili siya dito sa labas at nagdadalawang isip pa rin siyang pumasok kaya pasilip-silip lang siya sa loob, napapakunot-noo siya dahil wala siyang nakikitang kakaiba dito kahit pa tinatawag itong Ancient Cave. Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang napakalakas na hangin mula sa loob ng Ancient Cave at parang papalapit ito sa kaniya.



Mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kakaibang mga hangin dahil imbis na maputi ay asul ang kulay ng mga ito. Agad siya pinalibutan ng mga asul na hangin at sa subrang bilis ng pangyayari ay wala siyang nagawa nang hilain siya ng mga ito, at kusang bumalik sa pagkabuo ang malaking pader na parang muling nagsara ang Ancient Cave.

"Ahhhhhhhhh..." hindi niya napigilang sumigaw dahil sa subrang bilis ng mga hanging humihili sa kaniya at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga ito.

Nang madala siya sa isang nakatagong sulok ng kweba ay napahanga siya sa mahiwagang ganda nito na parang kagubatan ang dating, dahil sa dami ng mga berdeng halaman at bulaklak, kapansin-pansin din ang isang maliit na bundok. Dinala siya ng mga asul na hangin dito sa tuktok ng buntok at naglaho na ang mga ito na parang iniwan na siya.

Habang nililingon niya ang paligid ay napaatras nalang siya sa gulat nang biglang hinarap siya ng isang napakalaking paniki na tila nagliliwanag dahil sa subrang puti nito at may kunting kulay ng asul, kapansin-pansin din ang kakaiba nitong dating na may mahahaba at malalaking pakpak na puro puti.



Naghahalo na ang nararamdaman ni Robin dahil napapahanga siya sa paniking ito ngunit may takot din dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin nito sa kaniya. "Si-Sino ka? Or ano ka? Anong kailangan mo sa akin?!" Pagtatanong niya habang nakipagtitigan dito.

Wala siyang kaalam-alam na ang natatanging God Bat pala ang nasa harapan niya. Ilang sandali pa'y pinapalibutan ng mga asul na hangin ang God Bat at dahan-dahan nitong nilapitan si Dick, nagkatitigan sila ng malapitan kaya kitang-kita na ang napakaasul na mga mata ng God Bat.

Napalingon si Robin sa kaniyang gilid nang bigla siyang iniikutan ng mga asul na hangin habang dahan-dahan na umatras ang God Bat at mabilis itong lumipad papunta sa kaniyang dibdib, kaya nanlaki ang mga mata niya at nanginginig pa ang labi dahil parang pumasok sa kaniyang katawan ang God Bat, ngunit wala naman siyang nararamdamang kahit anong sakit.

A-Anong nangyayari sa akin...? Ba-Bakit hindi ako makakilos...? Sa isip niya.



Mayamaya ay muling bumalik ang lahat sa dati kung saan binabalot na ng katahimikan ang buong Ancient Cave, ngunit si Dick ay napapalibutan pa rin ng mga asul na hangin. Dahan-dahan siya napatingin sa itaas at basang-basa ng mga nagbabadyang luha ang mga mata niya dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya mula sa loob at labas ng kaniyang katawan.

Habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman ni Dick na parang kinukuyom ang katawan niya. "Ahhhhhhhhhh..." habang sumisigaw siya ay mas lalong dumarami ang mga asul na hanging nakapalibot sa kaniya na ang iba ay nagmula pa sa loob ng katawan niya.

Kalauna'y unti-unting nawawala ang sakit sa katawan niya, ngunit nanghihina naman siya kaya dahan-dahan na bumagsak ang katawan niya sa lupa, hanggang sa tuloyan na nga siyang nawalan ng malay.



Pagsapit ng hapon ay tumama na dito sa labas ng Ancient Cave ang sikat ng araw na malapit ng magtago. Samantala, sa loob naman ng Ancient Cave ay makikita si Robin na dahan-dahan ng nagmulat ang mga mata at naigagalaw na rin niya ang mga kamay.

Dahan-dahan siyang bumabangon at nang makatayo ay napapakunot-noo siya habang nililingon ang buong paligid sa loob ng Ancient Cave, dahil hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang paniwalaan ang mga nangyari sa kaniya ngayong araw, kaya binaniwala niya ang lahat ng 'yon at nagsimulang dahan-dahan na lumakad palabas dito habang kalmado, na parang walang nangyari.









Nightwing Origins ContinueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon