Chapter 8

68 5 0
                                    





Makalipas ang ilang oras. Makikita ngayon si Dick dito sa pinakatuktok ng isa sa matataas na gusali sa syudad ng Gotham at palihim niyang pinagmamasdan ang mga kalalakihan na nasa ibaba ng kaharap na gusaling hotel, at ginagamitan din niya ng telescope upang kahit nasa itaas siya ay makikita niya ng malapitan ang kung anong gagawin ng mga kalalakihang ito.

Sa totoo'y kakarating palang nitong itim na malaking sasakyan dito sa harap ng gusaling Smith Hotel at sakay dito ang mga kalalakihang naka suot ng mga itim na damit at may makisig na pangangatawan. Nagsibabaan na rin sila sasakyang ito, ang iba sa kanila'y matayod na tumayo habang magkatabi-tabi na parang may napakahalagang tao ang sasalubongin nilang lumabas mula sa sasakyan kahit na nakasama lang nila ito.

Dalawa sa mga lalaki ang lumapit sa sasakan at dahan-dahan na nagbukas. Mayamaya'y bumungad ang isang lalaking kung titignan ay nasa kalagitnaan na ng tatlongpung taong gulang, siya ay nakasuot ng mga pormal na mapuputing damit, natatakpan pa ang mga mata niya ng suot niyang itim na salamin at higit sa lahat ay kalmado siyang nagsisigarilyo habang nagbubuga ng mga usok na kumakalat sa paligid.

Siya ay walang iba kundi si Zacob Smith, ang taong pakay ngayon ni Dick. Isa siya sa mga mayayamang tao dito sa Gotham, nagmamay-ari ng iba't ibang mga negosyo, isa na do'n ay itong nasa harap nilang Smith Hotel na ipinamahala na sa kaniya ng mga magulang niyang matagal ng pumanaw.




Sa pwesto ngayon ni Dick ay hindi niya magawang masulyapan ang mukha ni Zacob dahil pinapalibutan ito ng mga lalaking nagsisilbing bantay nito, lalo pa't ang iba kanila ay mas matangkad pa kay Zacob kaya sa madaling salita ay natatakpan nila si Zacob.

Pero hindi pa rin sumusuko si Dick, ginawa na niyang magpalipat-lipat ng pwesto dito sa itaas, hanggang sa nasusulyapan na nga niya ang ilang parte ng katawan ni Zacob, ngunit hindi pa rin ang mukha nito dahil nakatalikod ito mula sa kaniya.

Nakaharap si Zacob sa kaniyang mga bantay at may sinasabi siya sa mga ito. "Alam niyo na ang gagawin niyo...just make sure na walang makakita sa inyo na ibang mga naka check in dito...at bigyan niyo ng isa o dalawang karagdagang druga ang mga costumers natin, para naman matuwa sila at hindi mabibitin..." pa-utos na tugon ni Zacob sa mga bantay niya at sabay-sabay na tumango ang mga ito.

Ilang saglit pa'y dahan-dahan ng lumakad si Zacob papasok sa loob ng Smith Hotel at nakapalibot pa rin sa kaniya ang iba niyang mga bantay, habang ang iba naman sa kanila ay lumapit sa sasakyan at binuksan nila ang bandang likod nito na parang may kukunin sila, dahil dito'y mas naging mapag-masid si Dick.

Napapakunot-noo si Dick nang makitang ang mga kalalakihang ito ay may hawak ng itim na mga boxes na mula sa loob ng sasakyan. "Ano kaya ang mga laman niyan? Siguradong mga illegal na negosyo 'yan..." puno ng pagdududa niya.




Tama ang naging kutob ni Dick, dahil ang laman ng mga box na dala-dala ng mga lalaki na ngayon ay pumapasok na sa loob ng Smith Hotel ay mga druga. Dahil si Zacob ang kinikilalang may-ari nitong Smith Hotel ay respitado siya dito at maging ang mga tagabantay niyang kalalakihan, kahit na duda pa ang mga inosenting tao na nagtatrabaho dito na may illegal silang ginagawa sa loob, ngunit isinantabi nalang nila sa ngalan ng trabaho upang hindi sila sisibakin ni Zacob sa oras na sila'y mangingi-alam.

Matagal na itong gawain ni Zacob, ipinapasok niya ang druga sa kahit saang negosyo at kompanya niya, para nga naman mas marami siyang mahahawakang pera na mas lalong magpapayaman sa kaniya. Dahil para sa kaniya, isang patimpalak ang pagpapayaman, kaya hindi siya magpapatalo, lalo pa't alam niyang maraming mga mayayaman dito sa syudad ng Gotham.

Ibinaba na ni Dick ang telescope niya at tinitignan pa rin niya ang Smith Hotel. "Ito lang muna sa ngayon, ang mahalaga nakuha ko na ang sagot sa kung sino ang nasa likod sa pagpatay sa mga magulang ko. Babalikan kita Zacob, magtutuos tayo, at ipina-pangako kong ako ang tatapos sa 'yo..." nangangalit na sambit niya habang nakakuyom pa ang mga kamao.





Kinabukasan. Sa isang kalsada na nasa gitna ng magkadikit-dikit na mga bahay ay makikita ang isang lalaking hinihingal na tumatakbo habang may hawak ng kutsilyo. "Hoy! Bumalik ka dito! Ang aga-aga pinagnanakawan mo na ako! 'Yan na nga lang pagkain ko ngayon tapos nanakawain mo pa!" Nangangalit na pagsisigaw ng lalaking nasa kalagitnaan na ng tatlong pung taong gulang kaya mabilis na siyang napagod sa kakahabol sa lalaking nagnakaw ng bagong bili niyang lulutoin na pagkain.

Mayamaya'y napahinto ang lalaking nagnakaw at dahan-dahan siyang napaatras nang biglang nasa harapan niya si Robin. "Bigla-bigla ka nalang talagang sumusulpot hayop ka!" Pagkainis ng lalaki at agad siyang sumugod sabay susuntokin si Robin, ngunit mabilis na nahawakan ni Robin ang kamay niya at napasigaw nalang siya sa sakit nang mas naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya na parang puputulin na nito ang kamay niya.

Napapangiwi na ang lalaki dahil habang tumatagal ay mas lalo siyang nasasaktan. "Ahhhhh...ta-tama na, tama na pakiusap..." pagmamakaawa niya at dahan-dahan niyang ibinigay kay Robin ang ninakaw niya.

Mabilis ang pagbawi ni Robin sa ninakaw ng lalaki at kitang-kita na galit na galit siya dito, pinakawalan na niya ito at dali-dali naman itong tumakbo na halatang takot na takot. Mayamaya'y tanging si Robin nalang ang naabutan ng lalaking ninakawan, napahinto at hinihingal habang napapahawak pa sa tuhod.



Dahan-dahan na humarap si Robin at nakangiti siya habang lumalakad papalapit sa lalaki, napaangat naman ng tingin ang lalaki at nang makita nito si Robin ay tila naging maaliwalas ang kaniyang mukha at napangiti pa siya. "Di-Dick..." sa pagkasabi at ikinilos ng lalaki ay parang kilalang-kilala nito si Dick kahit na nag-anyong Robin pa ito.

Naging abot tenga naman ang ngiti ni Robin. "Uncle Jasper..." pagkatapos nitong sabihin ni Robin ay inakbayan niya ng pagkahigpit ang lalaking nagngangalang Jasper at naging matamis nga ang ngiti ni Jasper na parang agad nawala ang pagod niya dahil talagang malapit din silang magkaibigan.









Nightwing Origins ContinueTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang