Chapter 34

69 4 0
                                    




Tinanggal ni Nightwing ang malaking tinik na nakatusok sa mata ni Darkday at agad niyang sinuntok ang tiyan nito kaya tumilapon ito sa malayo. Lumilipad pa rin siya para sundan si Darkday at walang tigil niya itong pinag-susuntok mula sa tiyan at mukha.

Hanggang sa mas lumalakas ang suntok na pinapakawalan niya at sa pagkakataong ito ay sinusuntok na niya paitaas si Darkday na parang dadalhin niya sa ibabaw ng mundo.

Nang mapunta na sila sa mas mataas na himpapawid ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagsusuntok kay Darkday na wala ng kalaban-laban. Ilang sandali pa'y inilabas niya ang dalawa niyang espada at mabilis niyang pinagsasaksak ang tiyan ni Darkday kaya napapasigaw ito.

Halatang nabuhos na ang buong galit ni Nightwing dahil hindi niya tinatantanan si Darkday, hanggang sa inangat niya ang isa niyang paa at malakas na sinipa ang ulo ni Darkday, kaya tumilapon ito paibaba at bumagsak sa kalsada ng syudad, sa subrang lakas ay nagkaroon pa ng mga pagyanig sa lupa.

Nanghihina pa rin si Darkday habang nakahiga sa kalsadang nabutas dahil sa pagkabagsak niya. Habang si Nightwing nama'y lalapitan pa sana si Darkday pero napahinto siya nang makitang sinusugod siya ng mga alagad ni Darkday na mga Dark Servants.


Nang makalapit na ang mga Dark Servants ay pinalibutan nila sa itaas si Nightwing at nagtipon-tipon na nakahugis bilog. Ilang sandali pa'y sabay-sabay silang nagsuka ng mga malalagkit na tubig na kulay itim, ito'y para maging katulad na nila si Nightwing kapag mabasa.

Mabilis naman inilahad ni Nightwing ang kamay niya sa itaas at mula sa palad niya ay lumalabas ang mga kapangyarihan niyang asul na hangin upang hindi siya matamaan ng mga malalagkit na tubig at naging hugis bilog na rin ang mga hangin niya na parang panangga.

Mayamaya'y ikinilos niya ang kaniyang kamay kaya malakas na kumawala ang mga hangin na naging panangga at sumabog ang mga ito kaya tumilapon ang mga Dark Servants, ang ilan pa sa kanila'y natamaan ng mga hangin kaya namatay ang mga ito.


Ngunit meron pang mga bagong Dark Servants ang sumusugod, kaya agad na ibinuka ng maluwag ni Nightwing ang kaniyang pakpak at bigla nalang ang ilan sa mga balahibo ng pakpak niya ay naging tila matutulis na mga kutsilyo.

Nanlaki ang mga mata ng mga Dark Servants nang makitang ikinilos na ni Nightwing ang kaniyang pakpak kaya nahagis na papunta sa kanila ang mga matutulis na kutsilyo, lahat nga sila ay natamaan sa iba't ibang bahagi ng katawan kaya naglaho sila dahil sa pagkamatay.

Ang pakpak naman ni Nightwing ay kusang nagkaroon ng mga bagong balahibo bilang pumalit do'n sa mga naging sandatang tila kutsilyo.




Samantala, si Darkday nama'y unti-unti ng bumabalik ang lakas dahil sa tulong ng mga kapangyarihan niyang kayumangging usok na nakapalibot sa kaniya. Dahan-dahan na siya bumabangon at nang makatayo ay agad na siyang lumipad papunta sa himpapawid kung saan nakalutang si Nightwing.

Nang muli na silang nagkaharap ay agad na nag-atake ng suntok si Darkday, pero mabilis na nakaiwas si Nightwing at kasabay ng pag-iwas niya ay agad niya ginamit ang isang espada para saksakin ang kamao ni Darkday at dahan-dahan pinuputol.

"Aaarrrrhhhhhh!!!" Naging malakas ang sigaw ni Darkday habang nanlalaki ang mga mata niya dahil naputol na ang kamao niya sa kamay.


Ngunit dahil sa malakas na sigaw ni Darkday ay nagsilabasan ang mas maraming bilang ng mga kapangyarihan niyang usok at lumalakas ang mga ito habang kumakalat, kaya tumalon patalikod si Nightwing upang hindi matamaan.

Sa subrang galit ni Darkday habang nakipagtitigan kay Nightwing ay hinagis niya papunta kay Nightwing ang mga kapangyarihan niyang usok. Habang si Nightwing nama'y agad niya pinag sanib-pwersa ang dalawang espada kaya naging-iisa at mas lumaki ito.

Ginawang panangga ni Nightwing ang malaking espada kaya dito tumama ang kapangyarihan ni Darkday, pero habang tumatagal ay mas lumalakas ang kapangyarihan ni Darkday kaya kusang napapaatras ang katawan ni Nightwing dahil natutulak siya, hindi na kinaya ng espada niya ang bigat ng kapangyarihan ni Darkday kaya mas pinili nalang niya maglaho at lumipat sa ibang pwesto.



Nang makita ni Darkday na naglaho si Nightwing ay itinigil niya ang paghagis ng mga kapangyarihan at bakas ang gigil sa mukha niya habang lumilingon sa paligid, ngunit hindi pa niya nakikita si Nightwing.

Mayamaya'y sumulpot si Nightwing sa likod ni Darkday at haharap sana si Darkday pero huli na ang lahat dahil mabilis na sinaksak ni Nightwing ang braso niya gamit ang espada. Hindi pa natapos si Nightwing dahil sinunod niyang saksakin ang ulo ni Darkday.

"Aaarrrrrrrhhhhhhhh...hayop kaaaaaaa!!!" Muling napasigaw si Darkday at mas lalong lumalakas na parang naluluha na dahil ibinabaon lalo ni Nightwing ang espada sa loob ng ulo niya.

Nang tanggalin ni Nightwing ang espada sa ulo ni Darkday ay agad na siya naglaho at sumulpot sa harap ni Darkday pero sa may kalayoan at kalmado siyang ngumti na parang pinapakita niyang talo na si Darkday.









Nightwing Origins ContinueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon