Chapter 20

63 3 0
                                    





Kahit na nahihirapan si Robin ay pinipilit pa rin niyang bumangon. "Hi-Hindi maaari 'to...lalaban ako..." nahihirapang tuno ng boses niya.

Pagkatayo niya ay agad niya kinuha ang sandata niyang nakalagay sa kaniyang likod, mahaba at may kalakihan ang sandatang ito, higit sa lahat ay gawa ito sa mga metal na bagay kaya matigas ito.

Matapang niyang dahan-dahan na nilapitan si Warrior X at mas lalo pang humaba ang sandatang hawak niya. Sa kalagayan niya ngayon ay unti-unti na siyang nanghihina ngunit makikita pa rin ang tapang niya at nakahandang lumaban.

Agad din kinuha ni Warrior X ang dalawa niyang mahaba't matulis na espadang nakalagay sa likod niya. Mayamaya'y magkasabay na tumakbo sila Robin at Warrior X upang sugurin ang isa't isa at maglaban gamit ang mga hawak nilang sandata.

Pagkalapit nila dito sa gitna ng sahig ay isang matinding laban at iwasan ng atake ang naganap habang napapanood sila ng mga taong nandito sa loob ng gusali.

Habang nag-aatake ng espada si Warrior X ay isinasalubong naman ni Robin ang mala-metal niyang sandata para maging panangga niya, ngunit habang tumatagal ang laban nila ay nagawa ng matamaan ni Warrior X ang bisig ni Robin kaya napangiwi siya sa hapdi at sakit na nadama dahil sa subrang tulis ng espada.




Dahil sa natamo ni Robin ay napaatras siya ng isang hakbang habang nakahawak siya sa sugatan niyang bisig, ngunit hindi siya sumuko at muling lumaban, tiniis niya ang sakit habang gumagawa siya ng atake gamit ang sandatang metal, pinipilit niyang matamaan ang mga kamay ni Warrior X nang sa ganun ay mabitawan nito ang hawak na espada.

Ngunit nahihirapan siya dahil tuloy-tuloy din sa pag-atake ng espada si Warrior X, kaya tumigil siya at mabilis niyang inihampas ang sandatang metal upang matamaan ang tiyan ni Warrior X, pero nagulat siya nang biglang naglaho si Warrior X at namalayan pa niya ang paglipat nito sa likod niya.

Agad na hinawakan ni Warrior X ang braso at bewang ni Robin at wala itong nagawa upang pigilan siya dahil sa mabilis na pangyayari. Walang kahirap-hirap niya inangat sa itaas ang katawan ni Robin, pagkatapos ay mabilis niyang ibinaba ang katawan nito at agad niyang itinama sa likod nito ang tuhod niya.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Malakas na napasigaw si Robin habang nanlalaki pa ang mga mata niya dulot ng nararamdaman niyang halos maputol na ang kaniyang mga buto sa katawan dahil parang isang malaking higante ang lakas ni Warrior X.



Nagsimulang pumatak ang mga luha ng mga taong narito sa loob dahil sa nakikita nilang kaawa-awang sinapit ni Robin. Halos hindi na kayang lumaban ni Robin at dahan-dahan ng nagsasara ang mga mata niya dahil parang unti-unti ng bumibitaw ang katawan niya. Hanggang sa tuloyan na nga siyang nawalan ng malay.

Ipinapakita ni Warrior X sa mga tao dito ang wala ng malay na si Robin,   habang hawak-hawak niya ang kamay nito ay ginawa pa niya itong parang laroan na iniwagay-way ang katawan. "Ito ba, ito ba ang sinasabi niyong tagapagligtas?! Ni hindi nga niya kayang iligtas ang sarili niya! Wala na, ito na siya ngayon, pinatay ko na!" Pagsisigaw niya habang nakangiti pa.

"HAHAHAHAHA!!!" Malakas na tumawa si Zacob kasama ng mga bantay niyang kalalakihan na halatang labis ang tuwa.


Sa labas ng gusaling ito ay makikita ang mga tao na pinapanood ang kaguluhang naganap sa loob, at meron ding mga reporter ang nandito't nagbabalita. "Maraming katanongan ang gumugulo ngayon sa mga tao...kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila Robin at Zacob? At kung bakit hindi kasama ni Robin si Batman? Totoo nga kayang hinayaan nalang niyang mapahamak si Robin...?" Sambit ng babaeng reporter.



Hawak-hawak ni Warrior X ang kamay ni Robin at pinaikot-ikot niya ang katawan nito at habang tumatagal ay mas bumibilis pa, hanggang sa malakas niya itong itinapon papunta sa itaas. Napatingin sa itaas ang lahat ng mga tao at nakita nilang sa subrang lakas ng pagtapon ni Warrior X ay nabutas nga ang ilang bahagi ng bubong sa gusaling ito nang tumama ang walang malay na katawan ni Robin.

Malakas na bumagsak at tumama ang likod ni Robin sa itaas ng bubong, kaya nagising nalang siya at napasuka ng mga dugo. Mabuti nalang ay malawak na hugis kwardado itong bubong kaya hindi siya mahihirapan dito umupo at ibalanse ang katawan.

Dahan-dahan siyang tumayo at naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya sa itaas ng himpapawid, kaya dahan-dahan siya nag-angat ng tingin at nagsalubong ang mga kilay niya nang makita si Zacob na nakasakay sa sarili nitong airplane. "Paalam talunan..." tinawanan siya nito at nakisabay pa ang mga bantay nito sa pagtawa at tsaka sila umalis.

Napakuyom ng kamao si Robin. "Nanalo nga kayo ngayon, ngunit hindi habang buhay kayong nasa itaas, hihilahin ko kayo paibaba hanggang sa kamatayan niyo..." nangingibabaw ang galit niya.






Sa syudad ng Gotham ay makikita ang isang kilalang pasilidad na Ace Chemical. Ang Ace Chemical ay isang pasilidad sa paggawa ng mga kemikal sa gitna ng pang-industriyang distrito ng Gotham City. Nakilala din ito bilang lugar kung saan nalikha ang kilalang pinaka kriminal na tao sa Gotham, si Joker.

Sa itaas ngayon ng Ace Chemical ay makikita si Joker na hinahawakan ng pagkahigpit ang isang lalaking walang kalaban-laban. Ang lalaking ito ay ang kaibigan ni Robin na si Jasper. Bakas sa mukha ni Jasper ang takot at kapansin-pansin din ang mga sugat at paso niya sa katawan, halatang pinagtulongan siya ni Joker at ng mga alalay nito.

"Pa-papakawalan niyo na ako...maawa ka..." nagsimula ng umiiyak si Jasper habang nagmamakaawa.

Ngunit tumawa lang si Joker. "Sa tingin mo maaawa ako sa 'yo?! Hindi! Para ka lang si Batman, pakialimiro! Makukuha na sana namin 'yong mga pera kung hindi ka nakikialam!" Pinapakita niya kay Jasper ang galit na galit niyang mukha.



Habang nasa likod si Joker kay Happy ay sinakal niya ang leeg nito. "Alam mo papatayin sana kita, pero may mas maganda akong naisip...nakita kong may potential ka, maaari kang maging katulad ko, katulad naming mga kriminal ng Gotham...kaya welcome to the club brother, or should I say, Creepy...mula sa araw na ito, ikaw na si Creepy, samahan mo akong magkalat ng dilim dito sa Gotham...BWAHAHAHAHAAAA!!!" Tumatawa siya habang ipinapakita kay Jasper ang mga kumukulo na kulay berdeng kemikal na nasa ibaba.

Mas lalong binabalot ng takot si Jasper na halos nanginginig na ang mga labi niya at nahihirapan na siyang magsalita, ngunit pinipilit niya ang sarili upang makahingi ng tulong. "Ro-Robinnnn...Robin tulongan mo akooooo..." pagsisigaw niya sa pag-asang darating ang kaibigan niyang si Robin.


Tumigil sa pagtawa si Joker at nagbibilang pa siya sa kaniyang daliri na parang hinihintay kung kailan darating si Robin. Ngunit nagdaan lang ang ilang oras ay hindi sumipot si Robin, kaya dahan-dahan na pumapatak ang mga luha ni Jasper dahil laging sinasabi sa kaniya ni Robin na darating ito kapag kailangan niya, ngunit wala ito ngayon.

Muling tumawa si Joker at sumabay ang mga alalay niya na kasama niya dito sa itaas at ang ilan ay nasa ibaba ng kalsada. "HAHAHA...hindi ka niya ililigtas, hindi ka kasi mahalagang tao para sa kaniya...pero huwag kang mag-alala kaibigan, hindi ka na masasaktan kapag lumangoy ka diyan sa Ace Chemical, tatawa ka na lang ng tatawa HAHAHAHAAAA!!!" Walang tigil sa kakatawa ng malakas si Joker na halos marinig na ng malalayong lugar.









Nightwing Origins ContinueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon