Chapter 14

66 4 0
                                    





Natahimik ang lahat sa sinabi ni Robin lalong-lalo na si Zacob na hindi maiwasang magtaka dahil kitang-kita sa binata na talagang may galit ito sa kaniya kahit pa na hindi niya ito kilala. Pero ilang saglit pa'y bigla nalang siyang natawa.

"Hahaha...mali ka ng napuntahan bata, hindi ito comedy bar para magpatawa ka...kasi hindi pa naipapanganak ang papatay sa akin!" Malakas na pagtatawa niya.

Ikinainis ni Robin ang mga sinabi ni Zacob. "Ang dami mong satsat!" Taas boses niya tsaka agad na siyang lumakad at sinimulan ng sumugod.

Umatake na si Robin ngunit agad na tinakpan si Zacob ng kaniyang mga lalaking bantay upang ma-protektahan siya. Ang iba naman sa mga lalaking ito ay nakikipaglaban kay Robin sa pamamagitan ng hand to hand combat kung saan malakas na mga suntokan at mabilis na iwasan ang nagaganap sa laban nila.

Maraming beses na nakakatama at nakapagpatumba ng mga kalaban si Robin, pero minsan din ay nakakaiwas sila at nasusuntokan nila ang ilang parte ng katawan niya.

Hanggang sa gumamit na ng baril ang isa sa mga lalaki at pinapaputukan niya ng baril si Robin, pero agad naman siyang nakaiwas kaya ang natamaan ng bala ay ang isang lalaking costumer na nasa gilid nanunuod.

Nakita ni Robin na may dalawang bote ng alak ang nakalapag mula sa malapit sa kaniyang lamisa kaya lumapit siya dito sabay kinuha ang dalawang bote at binasag niya muna ang mga ito sa lamisa upang magamit niya sa pakipaglaban ang mga matutulis nitong basag-basag na mga salalim.

Isang bantay ni Zacob ang agad na tumakbo papunta kay Robin at susuntokin na niya ito, pero habang papalapit palang ang kamao niya ay agad na isinalubong ni Robin ang hawak niyang basag na bote at tumama ito sa kamao ng lalaki.

"Arrrgghhhh..." napasigaw sa subrang sakit ang lalaki habang dugoan ang kamao niya at napapaatras pa siya.




Sunod-sunod ng umatake kay Robin ang ilan sa mga bantay ni Zacob, ngunit napapasigaw nalang sila sa sakit dahil nagawang matamaan ni Robin ang kanilang mga kamaong isisusuntok at paang isinisipa sa pamamagitan ng dalawang basag na bote na nagsisilbing sandata niya.

Kaya ang ilan sa mga lalaki ay naging maingat sa pagkilos ng atake sa kaniya dahil sa takot nilang matulad sa mga kasamahan na dugoan ngayon ang ilang parte ng katawan dahil sa saksak ng mga basag na bote.

Hanggang sa tila mas naging agresibo si Robin na umabot na siya sa pagsaksak sa mga masisilang bahagi ng katawan sa mga lalaki at maging sa mga mukha nila, kaya marami sa mga costumers na nandito ay napapapikit pa ng mga mata dahil hindi nila kayang tignan ang nakakapanglumay na pangyayari na halos binalot na ng mga dugo ang buong stage, pero meron namang ibang mga costumers na natutuwang nanunuod at nakuha pang pumalakpak.

May isang lalaki ang agad na tinutukan si Robin ng malaking baril, ngunit lumapit lang si Robin at mabilis na sinipa ang hawak nitong baril kaya tumilapon ito, at ang baril ay tumama sa ulo ng isa pa sa mga bantay ni Zacob, dahil sa laki ng baril ay natumba nga ito at tumama pa ang ulo sa lamisa, naulit pa sa sahig, kaya dugoan na ang ulo nito hanggang sa nawalan na ng buhay.

Gamit ang matulis na parte ng basag sa bote ay sinaksak ni Robin ang tiyan ng lalaking nasa harapan niya na babarilin siya sana. Habang tumatagal ang laban niya sa mga lalaki ay mas lalo na siyang nanggigil dahil gustong-gusto na niya makalapit kay Zacob.

"Tumabi kayo mga putang-ina kayooo!" Sigaw niya at agad niyang pinagsasaksak ang tiyan ng mga lalaking umatake at mas lalo pa niyang ibinaon ang basag ng bote kaya pumapasok na ito sa loob ng mga tiyan nila.




Tumigil muna siya saglit at nakita niyang subrang dami na pala niyang napatumba at dugoan nalang na humandusay sa mga sahig, pansin din niya na nagtamo siya ng mga sugat mula sa pakipaglaban.

Nagsalubong ang mga kilay niya habang nililingon ang mga bantay na nakapalibot kay Zacob dito sa stage. "Binubuhis niyo ang inyong mga buhay para lang maprotektahan ang kriminal na 'yan!" Sigaw niya habang itinitunuro si Zacob.

Ikinagalit ni Zacob ang mga sinabi ni Robin kaya itinuro din niya ito. "Taposin niyo na nga ang bwesit na 'yan! Mag-isa lang 'yan eh hindi niyo pa matapos-tapos!" Pasigaw niyang pag-uutos sa mga bantay niya at agad naman siyang sinunod ng mga ito.

May dalawang lalaki ang agad na nagpaputok ng baril kay Robin pero mabilis na kumilos si Robin upang makaiwas at nilapitan niya ang mga basag-basag na salalim mula sa dalawang bote na binasag niya kanina sa lamisa.

Mabilis niyang itinapon ang mga piraso-pirasong basag na salamin papunta sa mga mata ng dalawang lalaki. "Aaarrrghhhh...ang mga mata koooo..." sigaw ng mga ito sa subrang hapdi at sakit na kanilang nararamdaman mula sa mga mata nilang dugoan at may saksak ng basag na salamin.

Nanlaki ang mga mata ng mga taong narito at tila nahulog pa ang kanilang mga panga sa subrang gulat nang makita ang ginawa ni Robin at ang ilan pa'y napangiwi at hindi kayang tignan ang mga dugoang mata ng dalawang lalaki na ngayon ay bumagsak na sa sahig at unti-unting binawian ng buhay.

"Na-Napakabrutal ng binatang 'yan..." sambit ng mga babae na nanginginig pa ang mga labi.




Nilingon si Zacob ng kaniyang mga bantay. "Hali ka na Boss umalis na tayo dito, sa likod tayo dadaan..." mahinang sabi ng lalaking nasa tabi ni Zacob.

Tumango si Zacob bilang pagpayag at dali-dali na siyang tumakbo habang nakasunod naman sa kaniya ang mga bantay niya upang maprotektahan pa rin siya, pumasok sila sa pintoan na nasa likod nila at agad itong isinirado.

Napalingon si Robin at nanlaki ang mga mata niya nang makitang tumatakas si Zacob. "Zacooobbbb!!" Malakas na pagsigaw niya.

Agad na tumakbo si Robin upang sundan si Zacob ngunit hinarangan siya ng ilan sa mga bantay ni Zacob at may isa sa mga lalaki ang may hawak ng lamisa na parang gagamitin niya laban kay Robin.

Pinagtulongan na ipapalo ng mga lalaki ang lamisa sa katawan ni Robin, pero hindi pa nakalapit ang lamisa ay agad na itong sinipa ng pagkalakas ni Robin kaya tumilapon ito pabalik sa mga lalaki at tumama nga sa mga ulo nila, kaya bumagsak sila habang nakapatong pa sa kanila ang lamisa.

Muling tumakbo si Robin papunta sa pintoan kung saan dumaan sila Zacob, pero hindi niya namalayan ang isa pa sa mga lalaki na may hawak ng lamisa at mabilis itong lumapit sa gilid niya sabay inihampas nito ang lamisa sa katawan niya, kaya tumilapon siya papunta sa may mga kababaehang sumisigaw.

Dahil sa pagkatapon niya at tumama pa sa mga sumintong dingding ang likuran niya ay napapangiwi nga siya sa sakit, ngunit pinipilit naman niya ang kaniyang sarili na dahan-dahan tumayo. "Mas lalo niyo akong ginagalit!" Sigaw niya habang galit na galit na tinitigan ang mga lalaking bantay ni Zacob na naiwan dito.



Kinuha niya ang isang lamisa na nasa tabi niya at ginamit niya ito upang makaganti, dali-dali siyang lumapit sa mga lalaki at agad niyang pinaghahampas ang ilang mga parte ng katawan nila lalo na sa ulo at naging masama nga ang epekto nito sa kanila kaya nawalan sila ng malay habang nakadapa dito sa stage.

Napahinto si Robin at napansin niyang wala ng natirang mga lalaking lalabanan siya dahil wala ng malay ang mga ito. Mayamaya'y dahan-dahan na tumayo ang ilan sa mga costumers na nandito at kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkahanga na halos natulala pa sila habang dahan-dahan na pumalakpak.

"Woahhhh...galing!" Sigaw nila.

Nang makita ito ni Robin ay kahit nagmamadali siyang sundan sila Zacob ay nakuha pa rin niyang mabilis na iniyuko ang ulo habang nakatayo dito sa gitna ng stage at parang ipinahiwatig niyang tapos na ang palabas.

Pagkatapos nito'y kumuha siya ng isang baril na pagmamay-ari ng isa sa mga lalaking wala ng malay sa sahig, isinigurado na niya ito dahil baka maubosan ng bala ang sarili niyang mga baril, habang ang lahat ng mga taong narito ay nakatingin pa rin sa kaniya at namamangha sa galing niya.









Nightwing Origins ContinueWhere stories live. Discover now