Chapter 11

71 5 0
                                    




Nag-aalala man si Batman sa nangyari kay Robin pero alam naman niyang matalino ito at makakahanap ito ng paraan, hindi nga siya nagkakamali dahil nagawa nga nitong makatayo sa gitna ng kalsada. Kaya itinuloy lang niya ang pagsunod sa sasakyan nila Joker at pagkalapit niya dito ay sinasadya na naman niyang ibangga ang sariling sasakyan sa kotse nila.

Dahil sa ginagawang pagbabangga ni Batman sa kotse nila Joker ay halos muntik na ngang mahulog si Joker, pero agad itong umupo upang maging balanse ang katawan at para mananatili dito sa itaas ng kotse kahit na medyo nahihilo na. Mayamaya'y nakita ni Batman na dadaan sila sa isang mahabang tulay na sa ibaba nito'y merong karagatan at agad siyang nakaisip ng paraan.

Agad na inatras ni Batman ang sasakyan at lumipat siya sa likod ng kotse nila Joker, nang malapit na sila sa kaharap na tulay ay mabilis niya silang binanggaan kaya napangiti siya nang makitang nanlaki ang mga mata ni Joker habang ang lalaki namang kasama nito ay napapasigaw sa takot.



Hindi na magawang imaniho ng lalaki ang kotse, ang nagagawala nalang niya'y sumigaw dahil sa labis na takot nang nahuhulog na sila sa tulay at naghihintay sa kanila sa ibaba ang dalampasigang may karagatang malalim. Habang hindi pa nahuhulog sa dalampasigan ang kotse ay dali-daling ipinasok ni Joker ang mga kamay niya sa nabutas na mga salamin sa itaas ng kotse na kanina'y sinuntok ni Robin.

Pagkapasok ng mga kamay ni Joker sa loob ng kotse ay agad niyang kinuha ang mga bag na naglalaman ng mga alahas at perang ninakaw niya. Pagkatapos makuha ang mga bag ay agad na siyang tumalon at iniwan niya ng mag-isa ang lalaking kasama niya. Hanggang sa tuloyan na ngang nalunod sa dagat ang kotse at mas pumapailalaim pa ito habang nasa loob ang lalaking wala ng buhay.

Samantala si Joker nama'y nakaligtas mula sa kamatayan at nakahiga siya ngayon sa mga buhangin ng dalampasigan, dahan-dahan naging abot tenga ang ngiti niya at niyakap niya ng pagkahigpit ang dalawang bag na naglalaman ng mga pera at alahas. "HAHAHAHAHAHAHA!!!" Tumawa siya ng pagkalakas sa labis na tuwa nang magtagumpay na naman siya at wala pang kaalam-alam si Batman na buhay pa rin siya.




Lumipas ang ilang oras, nakauwi na ngayon dito sa Wayne Palace sina Bruce Wayne at Dick Grayson. Makikitang nasa loob ng sariling kwarto si Dick at nagpapahinga, ilang saglit pa'y namulat ang mga mata niya nang marinig ang tunog ng pintong isinirado.

Ito'y dahil sinilip siya saglit ni Alfred Pennyworth, ang matagal ng alalay at bantay ni Bruce mula nong ito'y bata pa. Nong pumanaw naman ang mga magulang ni Bruce ay si Alfred na ang nagsilbing mga magulang at gabay nito.

Nong gabing natapos manuod ng sine ang pamilyang Wayne ay naganap ang kasuklam-suklam na pagkamatay nila Thomas Wayne at Martha Wayne sa gitna ng kalsada nang barilin sila ng hindi kilalang lalaki at nangyari pa ito mismo sa harap ng inosenting bata na si Bruce.

Sa gabing 'yon nagsimula ang bagong buhay ni Bruce na puno ng galit, puot at sakit. At ang misyon niya'y sugpuin ang krimin at ipagtanggol ang lahat ng mga taong walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Isa na rin si Alfred sa mga nagsasanay kay Bruce upang makipag-laban. Bata palang ay nakatuon na ang buong oras ni Bruce sa iba't ibang klaseng training, tulad ng martial arts, hand to hand combat, taekwando, at kung ano-ano pa. Isa lang sa dahilan nito ay talagang itinatak niya sa kaniyang isip ang mga sinabi ng kaniyang ama.

Ang mundong ginagalawan natin ay puno ng mga taong may kanya-kanyang hangarin, ang iba nga'y gagawa nalang ng masama para sa hinahangad. Kaya kailangan mong matutong lumaban upang kaya mong ipagtanggol ang iyong sarili at ang mga mahal mo sa buhay, sabi ng ama niya nong siya'y bata pa.




Pagkatapos mag timpla ni Alfred ng kape ay agad niyang nilapitan si Bruce na nasa lamisa at mukhang may malalim na iniisip. "Master Wayne..." sambit ni Alfred at ibinigay na niya ang basong naglalaman ng kape at tinanggap naman ito ni Bruce.

Habang hawak ni Bruce ang baso ay nilingon niya si Alfred na nasa likod niya. "Ano, natutulog na ba siya?" Tanong niya.

"Parang ganun na nga Master Wayne, mahimbing na ang tulog niya. Bakit nga pala maaga mong ipinatulog ngayon si Dick?" Nagbalik din ng tanong si Alfred.

Napabuntong hininga si Bruce. "Kahit na hindi niya sabihin, alam kong may gumagabal sa kaniya kaya nagsagawa siya ng palihim at sariling misyon...at dahil do'n ay nawawalan na siya ng focus sa misyon, tulad nong kanina na may biglang dumaang sasakyan at hindi ko alam anong nasa isip niya..." napapakunot-noo siya habang nakatitig sa hawak niyang kape.

Dahan-dahan umupo si Alfred sa upuang nasa tabi ni Bruce at nilingon niya ito. "Gumagawa na ng sekretong mission si Dick? Hmmm, ibig sabihin lang niyan, unti-unti na siyang tumatahak sa sarili niyang landas..." sa sinabi ni Alfred ay mas lalong sumeryoso ang mukha ni Bruce habang dahan-dahan iniinom ang kape.




Habang nag-uusap dito sa lamisa sina Bruce at Alfred ay wala silang kaalam-alam na nagpalit na ng panglabas na damit si Dick habang natatakpan na ng itim na maskara ang bibig at ilong niya. Nakahanda na siyang muling balikan ang Smith Hotel at sa bintana ng kaniyang kwarto siya dumaan.

Pagkalabas niya sa loob ng Wayne Mansion ay agad niyang pinuntahan ang sarili niyang motor na nakatago sa kung saan nakapaloob ang mga magagarang nilang sasakyan dito sa Wayne Territory, ginamit niya ang sariling motor at mabilis ang pagmaniho niya paalis dito.

Hindi nagtagal ay nandito na muli si Dick sa pinakatuktok na parte ng gusaling ang kaharap ay ang Smith Hotel na sinusubayan niya. Sa totoo'y naiisip niya na hindi madali ang nais niyang pagpatay kay Zacob, lalo pa't bantay-sirado ito ng mga lalaking bantay na may kaalaman din sa pakipaglaban.

May gamit siya ng telescope upang makapagmasid siya ng malapitan sa Smith Hotel kahit na nandito siya sa itaas ng kaharap na gusali. Mayamaya'y dumating sa labas ng Smith Hotel ang dalawang puting  van at nang maging maayos na ang parking nito ay nauna ng lumabas ang nagmamay-aring si Zacob Smith at dahan-dahan siyang lumakad papasok sa Smith Hotel.

Ngunit bigla nalang napahinto si Zacob nang may kakaiba siyang naramdaman na parang may kanina pa nakamasid sa kanila, kaya dinadahan-dahan niya ang paglilingon sa paligid, hanggang sa tinignan niya ang itaas ng kaharap na gusali kung saan nagtatago si Dick, ngunit napakunot-noo siya nang wala naman siyang nakitang kakaiba dito.

Ito'y dahil namalayan ni Dick na lilingon si Zacob kaya dali-dali siyang yumuko at umupo sa sahig upang maitago ang buo niyang katawan. "Mukhang nakakahalata na siya..." sambit niya.









Nightwing Origins ContinueWhere stories live. Discover now