Chapter 31

58 3 0
                                    




Narating na ni Nightwing kasama sina Batman at Robin ang lugar kung saan nararamdaman niyang pinagmulan ng lahat ng kagulohang ito sa buong mundo. Nanatili silang nandito sa himpapawid, nakalutang si Nightwing dahil sa kaniyang kakayahan, habang sina Batman at Robin nama'y nakasakay sa magara nilang sasakyan na nakakalipad.

Tanaw nila sa ibaba ang isang napakalawak at malaking mansion, sa loob nito'y may mga nakakasilaw na liwanag na habang tumatagal ay unti-unting nagbabago ang kulay, nagiging maitim ang mga ito na tila na mga makakapal na usok na bumabalot sa buong mansion.

Binalak nilang lapitan ito ngunit napahinto sila nang biglang marinig ang isang napakalakas na boses mula dito. "AAARRRRRGGGHHHHHHHH!!!" Nanlaki ang mga mata nila dahil sa laki ng boses nito na parang isang higanteng halimaw na nagising.

Kasunod ng mala-halimaw na sigaw ay sumabog ng paglalakas ang buong mansion at sa subrang lakas nito'y tumilapon nga sila Nightwing, Batman at Robin.

Nagkaroon ng mga malakas na pagyanig, maging ang mga kahoy na nakapaligid sa mansion ay naputol, mga bahay, gusali at ilan pang mga nasa malapit ay gumuho.


Nagdaan ang ilang oras mula nong sumabog ay dahan-dahan nagmulat ang mga mata ni Nightwing at wala siyang nararamdamang kahit anong sakit kaya agad siyang tumayo at nililingon niya dito sa mapayapang kalsada kung nasaan sina Batman at Robin.

Nang makita niya sina Batman at Robin ay bakas ang pag-aalala sa mukha niya dahil sugatan ang mga ito habang nakasanding sa sumintong dingding ng gusali. Nagising si Batman at tinulongan niyang maging maayos ang pagsandig ni Robin na walang malay.



Samantala, mula sa mansion ay may isang pambihirang nilalang ang tumalon paitaas at nakalutang ito ngayon sa himpapawid. Lahat ng mga tao sa Gotham ay napa-angat ng tingin at nanlaki ang mga mata nila nang makitang isa itong higanting halimaw, kaya mas lalo silang nakaramdam ng takot.

Lubhang natakot ang mga tao dahil sa wangis ng halimaw na ito, itim ang buo nitong katawan, may mahahaba't matulis na mga ngipin at subrang pula ang buong mga mata. Higit sa lahat ay marami itong mga malalaking tusok-tusok sa iba't ibang bahagi ng katawan, meron sa mga braso, balikat, paa at lalo na sa likod.

Dahan-dahan nitong binuka ng maluwag ang dalawang malalaking kamay at malaki ang ngiti nito habang pinagmamasdan ang syudad ng Gotham, sa ikinikilos ng higanting halimaw na ito ay tila inaangkin na niya ang buong mundo.

"Sa wakasss! Malaya na ako! Wala ng makakapigil sa akin! Mapapa-sa akin na ang mundong ito! Ako! Ako ang kataposan niyong lahat! Kailan ma'y hindi na sisikat ang araw, dahil kadiliman na ang maghahari! Ako ang dilim! Ako, si Darkdayyy!!!" Sigaw niya at sa subrang lakas at laki ng boses niya ay maririnig nga ito sa iba't ibang panig ng lugar.




Nagsasalubong ang mga kilay ni Nightwing habang tinitigan ng maigi si Darkday dahil halimaw man ito ngunit namumukhaan niya ang mukha nito na parang isang tao na kilalang-kilala niya. Mayamaya'y dahan-dahan nalang siya napanganga nang matukoy na kung sino si Darkday.

"Za-Zacobbb...halos hindi ko na siya nakilala, dahil ganyan pala kahalimaw ang wangis niya kapag naging Darkday..." seryoso niyang sambit habang tinitigan ng masama si Darkday.

"Nightwing, ito na ang oras para iligtas mo ang mundo...alam kong kaya mo..." tugon ni Batman.

Dahil sa narinig ni Nightwing mula kay Batman ay mas lalo siya nagkaroon ng lakas na loob, kaya napakuyom siya ng kamao at agad na lumipad papunta kay Darkday. "Zacooobbb..." malakas niyang sigaw.

Bakas ang galit sa mukha ni Darkday nang makitang sinugod siya ni Nightwing na nakahanda ang kamao para suntokin siya, kaya nang makalapit si Nightwing ay nag-atake din siya ng kamao kaya nagkabanggaan ang mga kamao nila.



Nararamdaman ni Nightwing na mas doble ang lakas ni Darkday kaysa sa kaniya at habang tumatagal ay nahihirapan na rin siya sa bigat ng kamao ni Darkday lalo pa't napakalaki nito. Hanggang sa nanlaki nalang ang mga mata niya nang suntokin siya ni Darkday gamit ang kabilang kamao kaya tumilapon siya.

Sa kabila ng pagkatapon ni Nightwing ay dali-dali pa rin niyang binalanse ang katawan at agad na tumayo sabay muling lumipad papunta kay Darkday, hindi pa siya nakalapit ay bigla siyang naglaho at pagkasulpot niya sa harapan ni Darkday ay laking gulat niya nang sumalubong sa kaniya ang malaking palad ni Darkday at agad siyang sinakal nito.

Sa kabila nito ay naghahanap pa rin siya ng paraan para makawala kay Darkday at labanan ito. Naglabas siya ng mga asul na hangin sa kaniyang kamay at inilahad sa mukha ni Darkday kaya nahihirapan ito dahil parang sinasaktan ito ng mga hangin. Nang mabitawan siya ni Darkday ay agad niya itong sinuntok sa mukha kaya tumilapon ito.



Habang tumilapon si Darkday ay nagawa pa rin niyang ngumiti at mabilis na muling bumalik kay Nightwing, pagkalapit niya'y nakipagsuntokan siya kay Nightwing, habang nag-aatake siya ng suntok ay umiiwas naman paatras si Nightwing.

Hanggang sa mas lalo siyang nagalit kaya mabilis niya hinawakan ang mga kamay ni Nightwing at ipinauntog niya ang ulo niya kay Nightwing kaya nahihilo ito.

Pagkatapos nito'y agad niya sinuntok ang mukha ni Nightwing at tuloy-tuloy na niya itong ginagawa hanggang sa malayo na nga ang inabot nila dito sa himpapawid at dahil sa laki ng kamao niya ay napuno na ng sugat ang katawan ni Nightwing at wala itong kalaban-laban.

Dahil sa walang kataposang atake ni Darkday ay nadamay na ang ilang mga gusali kung saan tumilapon si Nightwing at kahit sa loob ng gusali ay hindi pa rin tumitigil si Darkday kaya maraming mga bagay ang nasira, hanggang sa nakalabas na sila sa gusaling ito at lumipat ulit sa katabing gusali.



Laging sinusubukan lumaban ni Nightwing pero nauunahan siya ni Darkday at walang tigil na siyang pinagsusuntok nito. Hanggang sa tumigil si Darkday at mahigpit niyang sinakal si Nightwing at agad na itinapon paitaas.

Natawa si Darkday. "Nakakatawang isipin na isang mahina ang napili mo God Bat!" Pang-iinsultong tawa niya at muli na siyang lumipad upang lapitan sa itaas si Nightwing at sinuntok niya ito ng pagkalakas paibaba dito sa himpapawid.

Habang nahuhulog ang walang kalaban-labang si Nightwing ay nilalapitan pa rin siya ni Darkday at isang mas malakas na suntok ang pinakawalan nito sa tiyan niya, kaya tuloyan na ngang bumagsak at tumama ang katawan niya sa mga sumintong kalsada na nasira pa.









Nightwing Origins ContinueWhere stories live. Discover now