Chapter 22

65 3 0
                                    




Nagdaan ang ilang oras, makikitang magkasama ngayon dito sa loob ng malawak na kwarto sila Dick, Bruce, Damian at Alfred. "Ano nang nangyayari sa misyon mo?" Kalmadong tanong ni Bruce kay Dick.

"Kanina napuntahan ko ang isang tagong bodega ni Zacob at bumungad sa akin ang napakaraming mga sinakong druga, kaya sinira ko ang mga ito at pinasabog ang bodega, dahil do'n mas naging matindi ang galit niya sa akin dahil sa dami ng nawala sa kaniya sa loob lang ng isang araw..." nakangiting tumawa si Dick.

Mas naging seryoso si Bruce. "Malamang pinagplanohan na rin nila ang pagpatay sa 'yo...kaya huwag kang makapanti Dick, dapat lagi kang handa, hindi mo alam kung kailan sila aatake..." pagputol niya sa kasayahan ni Dick at napatango naman ang katabi niyang si Alfred.

Nag-angat naman ng tingin si Dick. "Sila ang dapat humanda sa akin, dahil uunahan ko sila..." bakas ang tapang sa mukha niya.

Nilingon ni Damian si Dick. "So ano ng plano niyo ngayon?" Diretso siyang nagtanong.

Napangiti naman si Dick dahil hindi niya inasahang tatanongin siya ng batang si Damian. "Kailangan kong balikan si Zacob mamaya, dahil nasisiguro kong may gagawin silang malaking hakbang..." sagot niya at napatango naman sina Damian at Alfred.




Samantala, sa nasirang bodega na kanina'y sinugod ni Robin ay makikita ang paghahanda ni Zacob at ng mga hukbo niyang kalalakihan na parang may gagawin silang malaking misyon. Lahat ng mga hukbo ni Zacob ay nagtipon-tipon dito sa malawak na espasyo sa labas ng bodega.

Nasa kanilang harapan naman ang pinuno nilang si Zacob at katabi nito ang matagal ng katiwala na si Warrior X. "Simula ngayong gabi, tatahakin na natin ang landas patungo sa ating hinahangad! Tayo ngayon ay nagtipon-tipon at sama-sama nating pupuntahan, ang Ancient Cave!" Sigaw ni Zacob habang inilibot niya ang tingin sa kaniyang mga hukbo.

Ikinagulat ng mga hukbo ni Zacob ang naging anonsyo niya. "Ancient Cave? Boss sigurado ka ba? Baka nakalimutan niyo pong doon namatay ang iyong mga magulang..." sambit ng isa.

Nagsalubong ang mga kilay ni Zacob nang marinig 'yon dahil parang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya nong namatay ang mga magulang niya, pero bumuntong hininga lang siya at sinusubukang pigilan ang galit. "Susubukan natin,  wala namang mawawala..." seryoso niyang sagot.


Naglingonan sa isa't isa ang lahat ng mga hukbo niya at bakas sa mga mukha nila ang takot. "Boss buhay po natin ang mawawala..." muling pagkontra ng lalaking nagsalita kanina.

Dahil dito ay sumabog na nga sa galit si Zacob at agad niya itinuro ang lalaki. "Ikaw kanina ka pa! Huwag na huwag mo akong kokontrahin! At tsaka anong ikinatakot niyo, eh ako naman ang magsusugal ng buhay! Malakas ang pakiramdamn kong ako ang Chosen One!" Pagtaas boses niya kaya natahimik ang lahat mga hukbo niya at unti-unti silang kumalma.

Ang mga sinabi ni Zacob ay ikinagulat ni Robin na nakaupo dito sa sanga ng kahoy na napakaraming makakapal na dahon kaya hindi siya madaling makita. "Ancient Cave...? Kung hindi ako nagkakamali, 'yan 'yong ikiniwento sa akin ni Bruce...talaga ngang totoo 'yon, at hanggang ngayon meron pa rin palang mga taong interesado do'n katulad ni Zacob..." napanganga siya habang sinasabi ito.


Bumuntong hininga si Zacob at nagsalita siya ng mahinahon. "Maging ako ay nalito kung ano nga ba ang meron Ancient Cave, bakit ang daming mga taong nag-aagawan at umabot pa sa patayan...ngunit napagtanto kong kapangyarihan pala ang naghihintay do'n! Kaya gagawin natin ang lahat upang makuha ang mga kapangyarihang na 'yon! Para sa pagbabago ng mundo!" Sigaw niya at itinaas niya ang nakakuyom niyang kamao.

Agad din itinaas ni Warrior X ang hawak niyang espada. "Para sa pagbabago!" Sigaw niya kaya nakisabay na rin sa pagsigaw ang mga hukbo nilang kalalakihan habang itinataas nila ang kanilang mga baril.



Kalauna'y makikita na ngayon ang iba't ibang klase ng sasakyan kung saan nakasakay si Zacob kasama ang lahat ng mga hukbo niya, nakahanda na sila sa pag-alis papuntang Ancient Cave, tanging si Warrior X nalang ang hinintay nilang sumakay. "Warrior X ano pang hinihintay mo? Sumukay ka na..." tugon ni Zacob na nasa front seat nakaupo.

Nanatili lang dito nakatayo sa labas ng sasakyan si Warrior X. "Mauna na kayo, may tataposin lang ako..." seryosong sagot niya.

Napatango naman si Zacob. "O tsa sige, may isa pang bakanting kotse do'n, gamitin mo 'yong..." sabay turo niya ng isang kotseng nakaparada sa malayo.

Kalmadong ngumiti si Warrior X at nagsi-maniho na ang mga sasakyan tsaka umalis na sila Zacob at tanging siya nalang ang naiwan dito sa bodega.



Agad ng bumaba si Robin sa sanga ng kahoy para puntahan ang kaniyang motor at masundan sila Zacob. Pero pagkababa niya ay bigla nalang sumulpot sa kaniyang harapan si Warrior X na hindi na nagsuot ng maskara sa mukha.

"Tama nga ang kutob kong nasa paligid lang ang mahina at talonang Robin..." tumawa na halatang nang-iinsulto si Warrior X.

Puno ng tapang na nag-angat ng tingin at nakipagtitigan si Robin kay Warrior X. "Lumakas ka lang dahil sa kemikal, ngunit huwag mong kalimutang napatay na kita dati, at magagawa ko pa rin ulit 'yon sa 'yo..." pagkatapos niya itong sabihin ay agad niya kinuha mula sa likod niya ang sandata niyang mahaba at metal na arnis.

Ngumi-ngiti lang si Warrior X. "Magbabago na ngayon, dahil ikaw na ang patay na ililibing ko sa hukay..." sabay mabilis niya kinuha mula sa likod niya ang dalawa niyang matulis na espada.









Nightwing Origins ContinueOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz