Chapter 30

59 3 1
                                    




Sa tuktok ng isang gusali kung saan merong kwadradong espasyo ay makikita si Batman kasama ng anak niyang si Damian na naging Robin. Nakatingala sila sa mga ulap at nakikita ang napakaraming mga Dark Servants na nagsusulpotan at lumilipad.

May dalawang Dark Servants ang nakakita sa kanila Batman at Robin kaya lumipad ang mga ito palapit sa kanila, dali-dali naman nilang binaril ang mga ito kaya naglaho dahil sa pagkamatay.

Sunod-sunod na silang inatake ng mga Dark Servants kaya mas naging alerto sila habang walang tigil na pinagbabaril ang mga ito at sinisiguro nilang dibdib ang matamaan.

Tigdadalawang baril sina Batman at Robin, kaya naubos nga nila ang lahat ng mga Dark Servants na lumilipad papalapit sa kanila. Nang wala ng mga Dark Servants na sinusugod sila ay napabuntong hininga si Robin.

"Anong klaseng nilalang ang mga 'yon?!" Napataas boses siya sa pagtanong.

Seryosong nilingon ni Batman si Robin. "Dark Servants. Sa pagkakaalam ko, tsaka lang nagpapakita ang mga ito kapag nakakalaya na ang sinasamba nilang diyos, ang Dark Bat. Kaya nasa kapahamakan ang mundo, dahil nahanap na ng Dark Bat ang kaniyang Chosen One na magkalat ng dilim." Sagot niya habang nakatingin sa mga ulap.

Sa mga sinabi ni Batman ay napalunok si Robin na halatang kinabahan. "Matagal ko na rin narinig ang tungkol niyan, ang Ancient Cave. Nangyari na nga, hinarap na nga nila ang mundo natin..." mababang tuno ng boses niya.

"Sana'y nahanap na ng God Bat ang kaniyang Chosen One, dahil ito lang ang tanging makakapigil nito." Kalmadong sambit ni Batman.



Nagsalubong ang mga kilay ni Robin habang nakayuko ang ulo. "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa 'yo 'to...pero dapat mo 'tong malaman Batman..." saad niya.

"Ano 'yon?" Agad na tanong ni Batman.

Dahan-dahan napalingon si Robin. "Tungkol kay Dick...pa-parang hindi ko na siya kilala, kakaiba na siya...kanina nong tinulongan niya ako ay may nararamdaman akong kakaibang lakas mula sa kaniya at ang kilos niya ay kasing bilis ng mga hangin...hindi ko alam paano ko ipaliwanag...pero parang hindi na siya isang ordinaryong tao..." halos natataranta niya itong ipinaalam kay Bruce.

Napanganga si Batman na halatang nagulat, at natahimik siya habang napalingon sa malayo.

Dick, matutuwa ako kung ikaw nga ang Chosen One ng God Bat, dahil kaya mong iligtas ang mundo, malaki ang tiwala ko sa 'yo, sa isip niya.





Samantala, tuloy pa rin ang pakipaglaban ni Nightwing sa mga Dark Servants dito sa himpapawid. Mabilis siyang lumilipad at agad na pinagsaksak ang mga nalalapitang Dark Servants gamit ang hawak niyang dalawang espada na mahahaba at matulis.

Napahinto siya at nagsalubong ang mga kilay niya nang makita sa paligid ang hiwalay-hiwalay na itim na mga bilog at tila sinakop na ng mga ito ang buong Gotham, ang mga itim na bilog na ito ay tila mga portal na nagsisilbing daanan ng mga Dark Servants.

Sa pamamagitan ng itim na mga portal na kumakalat sa buong bansa ay mas lalo ngang dumarami ang mga Dark Servants na halos pinaghaharian na nila ang buong mundo.

Mas lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Nightwing, kaya agad niya itinaas ang isang kamay at mula sa kaniyang palad ay lumabas ang napakaraming mga asul na hangin na ngayon ay nakapalibot sa kaniya.



Agad na niyang pinakawalan ang napakaraming mga asul na hangin kaya tumilapon ang lahat ng mga Dark Servants na papalapit sa kaniya at kumalat na sa buong lugar ng Gotham ang mga asul na hangin at tanging mga Dark Servants lamang ang sinasaktan nito.

Sa tuwing dadapo ang mga asul na hangin sa mga Dark Servants ay hinihigop ng mga ito ang mga natitira nilang lakas kaya unti-unti silang nahihirapan huminga at nanghihina, kaya namamatay sila at naglalaho.

Hindi rin nakakalapit ang mga Dark Servants kay Nightwing dahil sa mga asul na hanging nakapalibot sa kaniya kaya nililipad sila sa mga malalayo.

Mayamaya'y inalis na niya ang mga asul na hanging nakapalibot sa kaniya at agad siyang lumipad papunta mas itaas at nakita nga niya gulong sinapit ng buong Gotham sa kamay ng mga Dark Servants, maraming mga gusali at bahay ang nasusunog, napupuno na rin ang ilang bahagi ng lugar ng mga namamatay na tao dahil sa pagpatayan nila na wala na sa mga sarili.

Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ni Nightwing nang biglang may isang napakalaking itim na portal ang sumulpot sa harap niya at nagsilabasan ang napakaraming mga Dark Servants na lumilipad papalapit sa kaniya.




Sasalubongin na niya sana ang mga Dark Servants pero napahinto siya nang biglang binabaril ang mga ito, kaya napalingon siya sa gilid at nakita niyang sina Batman at Robin ito na nakasakay sa isang sasakyan na nagagawang lumutang sa hangin at nagpapaulan ng mga bala papunta sa mga Dark Servants.

May pinindot ng isang beses si Batman sa loob ng sasakyan kaya may isang bomba ang tumapon papunta sa mga Dark Servants at nang sumabog ito ay ubos ang lahat ng mga Dark Servants na sumusugod kay Nightwing at tuloyang nasirado ang itim na portal.

Dahan-dahan na lumapit ang sasakyan nila Batman at Robin kay Nightwing. "Lagi mong tatandaan, hindi ka nag-iisa!" Nakangiting sambit ni Batman at dahan-dahan naman napangiti si Nightwing.

Nag-angat ng tingin si Robin. "So anong plano mo, Dick? Hindi ko alam kung ano ang itawag ko sa 'yo, pero hindi ka naman nakamaskara kaya ikaw si Dick, ang unang Robin..." tugon niya habang nakipagtitigan kay Nightwing.

Pinipigilan ni Nightwing ang matawa dahil kumikilos na naman si Robin na parang mas matanda pa kaysa sa kaniya. "Nightwing, call me Nightwing." Sagot niya at dahan-dahan naman tumango si Robin.



Lumingon sa gilid si Nightwing at may itinuro siyang lugar na malayo mula dito. "Pupunta tayo do'n, malakas ang kutob kong doon natin makikita ang dapat na harapin para matapos na ito..." sambit niya at nauna na siyang lumipad papunta do'n habang nakasunod naman sa kaniya sina Batman at Robin na nasa sasakyan.

Mayamaya'y may mga Dark Servants ang papalapit sa kanila kaya ginamit ni Batman ang sasakyan niya para magpapaulan ng mga bala mula sa malaking baril nito na nasa harapan ng sasakyan, habang si Robin nama'y nagtatapon ng mga bomba.

Hindi naman natatamaan si Nightwing dahil nasa itaas siya lumilipad at nakikipaglaban din sa mga sumusulpot na Dark Servants gamit ang dalawa niyang espada. Tuloy-tuloy nilang nilalabanan ang mga Dark Servants na humaharang sa kanilang dadaanan para makapunta sa isang lugar na pinanggagalingan nito.









Nightwing Origins ContinueDonde viven las historias. Descúbrelo ahora