Chapter 35

57 2 0
                                    




Dahil sa natamong sakit at pagsisigaw ni Darkday ay mas lalong dumadami ang nailalabas niyang mga kapangyarihan, kaya maging ang mga malalaking tinik sa katawan niya ay natatanggal at agad na nagsiliparan papunta kay Nightwing.

Walang kung ano-ano ay agad na tumakbo si Nightwing at makikita ang tapang sa mukha niya habang tinitigan ang mga tinik na papalapit sa kaniya. Mayamaya'y biglang pumasok sa kaniyang isip ang mga kahanga-hangang ginawa niya bilang isang acrobat performer mula nong siya'y bata pa.

Tandang-tanda pa niya ang lahat ng 'yon, mula sa pagsasayaw sa itaas habang nakahawak sa tali, pag-iikot at maging ang pag backflip sa, buong tapang at tiwala niyang ginawa ang lahat ng 'yon.

Napangiti siya nang makita sa kaniyang isip ang mga nagsitayoan at nagpalakpakan na mga manunuod at mas naging matamis pa ang ngiti niya dahil sa paghanga sa kaniya ng mga magulang niya.


Kalmadong-kalmado siya at alam na alam na niya ang gagawin para taposin ang labang ito. Nang naging malapit na siya sa mga tinik na sasalubong sa kaniya ay agad siya tumalon at nag back flip ng mataas kaya nakaiwas nga siya.

Sa subrang taas ng nagawa niyang back flip ay mas nakalapit nga siya kay Darkday sabay hinagis niya papunta kay Darkday ang isa niyang espada at natamaan ang dibdib nito. "Aaarrrrrrhhhhhhhh!!!" Sigaw ni Darkday sa subrang sakit na kaniyang naramdaman.

Nilapitan ni Nightwing si Darkday at muli niyang sinaksak ang dibdib nito gamit ang isa pang espada. "Aaarrrrrhhhhhhhh!!!" Malakas na sigaw ni Darkday habang ang nag-iisa niyang mata basang-basa ng mga luha.


Nagsalubong ang mga kilay ni Nightwing. "Paalam, at huwag ka ng bumalik pa!" Pagkatapos niyang sabihin ito ay agad niya mas ibinaon pa sa dibdib ni Darkday ang dalawang espada.

Dahil dito ay natamaan na nga ang puso ni Darkday at tumalsik ang buong laman nito sa loob. "AAARRRRRHHHHHHHHHH!!!" Lumabas na ang lahat ng kapangyarihang bumabalot sa katawan ni Darkday, at sa subrang lakas ng sigaw niya ay umabot pa ito sa ibang mga bansa.

Lahat ng tao sa syudad ng Gotham lalong-lalo na sila Batman at Robin ay nakatingala sa mga ulap at umaasang matatapos na ang kadilimang ito. Hanggang sa nagkaroon ng malakas na pagsabog mula sa himpapawid at sa pagitan nila Nightwing at Darkday.



Lumipas ang ilang oras. Wala ng dilim, dahan-dahan ng sumisikat ang araw, at bumalik na sa mapayapa ang buong mundo. Lahat ng tao ay dahan-dahan napangiti, ang ilan pa'y naluluha dahil sa tuwa na ligtas na sila at wala ng mga Dark Servants.

Naging maayos na rin ang kalagayan ng mga taong nawala sa tino ng pag-iisip. Marami sa mga tao ang nasaktan at naghinagpis nang makitang marami ang nasawi mula sa natapos na kagulohan.

Naging abot tenga ang ngiti ng mga tao nang makitang mula sa itaas ay dahan-dahan bumababa si Nightwing habang nakatingala sa mga ulap at pakiramdam niya'y binabati siya ng araw.





Lumipas ang ilang araw ay ramdam na ramdam ni Dick ang kaniyang tagumpay, dahil naibigay na niya sa kaniyang mga magulang ang matagal na niyang inaasam-asam na hustisya para sa kanila.

Nag-ibang anyo man si Dick at maayos na ginagampanan ang pagiging Nightwing, ay nanatili pa rin ang matibay na relasyon niya sa kanila Batmat at Robin.

Kinikilala na ng lahat si Nightwing bilang isang bayani sa buong panig ng mundo. Lahat nagbayanihan, nagtulongan, dahil gaya ng paulit-ulit na sinasabi sa kanila ni Nightwing.

Mag silbi tayong liwanag sa isa't isa.

Wala na ang dilim, nakakulong na sa dating kinalalagyan ang Dark Bat. Ngunit kapag ito'y muling maghari, laging nakahanda si Nightwing upang taposin ito at ibalik ang liwanag.



Sa mundong ginagalawan natin, minsan ang buhay ay madilim. Nakakaranas tayo ng sakit, kabigoan at nawawalan ng pag-asa. Pero magtiwala ka, matatapos ang lahat ng sakit at sisikat ang araw, hindi ka nag-iisa, dahil may mga taong nakahanda kang tulongan.

Isa na ako do'n. Ako si Nightwing.

Sa oras ng dilim, mag-silbi tayong mga pakpak sa lahat, ilipad natin ang isa't isa papunta sa masaya't maliwanag na buhay.

THE END









Nightwing Origins ContinueOnde histórias criam vida. Descubra agora