Chapter 24

62 3 0
                                    




Nagdaan pa ang ilang oras ay nakasunod na nga si Robin sa kanila Zacob na ngayon ay umabot na dito sa kalsada ng syudad sa Gotham. Sinadya ni Robin na itong kotse ni Warrior X ang gamitin upang hindi malaman ni Zacob na siya pala ang nakasunod sa kanila.

Higit sa limang sasakyan ang ginamit nila Zacob papuntang Ancient Cave, ito'y dahil isinama niya ang ilan sa kaniyang bantay at hinahati-hati niya ang bilang ng mga ito sa bawat sasakyan. Magkatabi at hindi nalalayo ang mga sasakyan nila, kaya naman makikita ni Zacob kung nakasunod ba ang mga bantay niya.

Nilingon si Zacob ng bantay niyang nagmaniho. "Boss nakasunod na po ba sa atin si Warrior X?" Tanong nito.

Agad na lumingon si Zacob sa likod ng kotse at nakita nga niyang nasa dulo nila ang kotseng ipinagamit niya kay Warrior X. "Oo nakasunod siya..." nakangiting sagot niya.

Wala silang kaalam-alam na ang inakala nilang si Warrior X ay si Robin pala ang nasa loob ng kotse, ito'y dahil masyadong itim ang kulay ng kotse, maging ang mga salamin nito, kaya mahirap makita ang kung ano ang nasa loob.





Sa subrang layo ng Ancient Cave ay inabut na sila ng umaga bago narating ito. Magkasunod-sunod pa rin ang mga sasakyan nila habang pumasok dito sa napakatagong kagubatan at binabalot ng katahimikan. Walang ibang makikita dito kundi mga kalikasan na gaya ng mga matatangkad na kahoy, klase-klaseng mga tanim at bulaklak.

Mayamaya'y huminto na ang lahat ng mga sasakyan at agad silang nagsilabasan maliban lang kay Robin kaya nagtataka ang mga bantay, pero kalmado lang ngumiti si Zacob. "Hali na kayo, susunod lang 'yan sa atin si Warrior X..." nauna na siyang lumakad na halatang nasasabik na at sumunod naman ang lahat ng mga bantay niya.

Nakita ni Robin na nakalayo na sila Zacob kaya agad na siyang bumaba at maingat niya silang sinusundan, at upang hindi siya mahuli ng mga ito ay kinakailangan niyang magtago sa mga puno ng kahoy at makakapal na damohan.



Hindi nagtagal ay narating na nga nila Zacob ang matagal na niyang inaasam, ang Ancient Cave, na hanggang ngayon ay nanatili pa ring misteryoso. Habang nakangiti sa tuwa si Zacob ay nandidiri naman ang lahat ng mga bantay niya dahil sa dami ng mga bungo at bali-baling ibang bahagi ng buto na nakaharang sa Ancient Cave.

Ang daan-daan at hindi mabilang na mga buto't bungo na ito ay mula sa mga taong sumubok ngunit nabigong makapasok sa Ancient Cave dahil hindi sila ang itinakdang Chosen One, tila naging kabayaran sa kanilang pagsubok ang agad na kamatayan.

Napatakip sa ilong ang lahat ng mga bantay ni Zacob dahil sa umaalingasaw na baho na dala ng mga matagal ng kalansay . "Boss anong gagawin natin sa mga 'yan?" Tanong ng isang lalaki.

Nagsalubong ang mga kilay ni Zacob. "Ano pa ba, eh di alisin niyo ang mga harang na 'yan..." taas boses niyang pag-utos.


Nagulat ang mga bantay pero wala naman silang pagpipilian kundi sundin ang utos ni Zacob, kaya dahan-dahan nilang nilapitan ang subrang daming nagpatong-patong na mga buto at bungo na nakaharang sa isang malaking pader na gawa sa mga bato at nagsisilbing pintoan ng kweba.

Pinipilit na labanan ng mga lalaki ang nakakapanglumay at malakas na baho ng mga nilalamok na kalansay at ang ilan nga sa mga ito'y inuood na. Hindi kayang hawakan ng iba sa kanila ang mga bali-baling buto, tinatakpan nila ang kanilang ilong at baba gamit ang mga kamay, kaya mas pinili nalang nila sipain palayo dito ang mga buto at bungo.

Ang ilan naman sa kanila'y matapang na dahan-dahan hinawakan ang mga buto at bungo at dali-dali nilang itinapon sa malalayo. Sa dami ng mga buto at bungo ay umabot nga sila ng ilang oras bago matapos linisan ang labas ng Ancient Cave.



Mayamaya nang matapos nilang alisin ang lahat ng mga nakaharang buto at bungo ay naging maaliwalas na sa kanilang mga mata ang isang malaking pader na nagsisilbing pintoan ng Ancient Cave. "Sa wakas, ito na ang nakatakdang panahon para sa akin..." nakangiting sambit ni Zacob habang tinitigan ito.

Wala silang kamalay-malay na nasa malapit lang nakatanaw si Robin habang natatakpan ng mga makakapal at mahahabang damohan. "To-Totoo nga...ang Ancient Cave..." halos mahulog ang panga niya sa subrang gulat dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang totoo pala ito.

Dahan-dahan napangiti ang mga bantay ni Zacob na parang naalis ang pagod nila nang makita sa harapan ang pader na pintoan para sa Ancient Cave. May tatlong lalaki ang lumapit kay Zacob. "Boss siguradong mabubuksan namin ito...kami ang pinaka-astig mong bantay eh..." nakangiting sabi nila habang pinapakita pa ang mga malalaking braso.

Halatang napipilitang ngumiti si Zacob habang pinipigilan matawa. "Talagang kampanti kayo ah...o sige nga buksan niyo..." pagpayag niya.




Dali-daling lumapit ang tatlong lalaki at nang mahawakan na nila ang mabatong pader ay agad na nila itong sinimulang hilain at talagang binuhos nila ang buong lakas para lang mabuksan ito. Ngunit habang tumatagal ay laking pagtataka nilang tatlo nang bigla silang nakaramdam ng hindi matukoy na sakit mula sa loob at labas ng kanilang katawan.

Natigil sila at nilingon si Zacob. "Bo-Boss...pa-parang hindi na maganda ang pakiramdam namin dito...parang umiinit ang katawan namin at parang ang kati..." kunot-noong pagrereklamo nila.

Hanggang sa mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman nila kaya napapangiwi sila. "Ahhhhhhhh...boss ang sakittt...parang mula sa aming mga kamay ay kumakalat sa buo naming katawan ang init!!!" Malakas nilang pagsisigaw.

Nangyari na nga ang kinatakotan nila, nagkakaroon na ng mga malalalim na sugat ang katawan ng tatlong lalaki, kaya nakaramdam ng takot ang mga kasamahan nila na dahan-dahan pang napapahakbang paatras.


"Ahhhhhhhh...tulongan niyo kamiiiii!!!" Muli nilang pagsisigaw na halata ang takot sa mga mukha habang pinipilit pang hinihila ang sariling katawan upang maalis ang mga kamay sa pader, ngunit nahihirapan lang sila.

Natatakot man ang mga kasamahan nila ay may ilan pa rin ang nakahandang tumulong at lumapit sa kanila sabay hinawakan ang katawan nila. "Isa, dalawa, tatlo! Hilaaa!!" Tumulong na ang mga ito sa paghila ng kanilang katawan.

Halos napapakagat na sila sa mga labi habang kitang-kita pa ang mga ugat nila sa braso dahil sa pagbubuhos nila ng lakas at pinagpapawisan na rin sila. Ngunit kahit anong pilit nila ay walang nangyayari, hindi na matatanggal ang mga kamay ng tatlong lalaki sa pader at tuloy-tuloy naman ang pagkalat ng sakit sa katawan nila na parang kabayaran.









Nightwing Origins ContinueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon