"Otis, bakit nararamdaman ko, parang may mali?" pag-amin ko habang patuloy kami sa paglalakad.

Siya mismo ang tumigil kaya huminto din ako sa paglalakad. Nagkaharap kaming dalawa. "Anong mali ito, my rose? Sabihin mo lang sa akin at papakinggan ko." masuyo niyang sambit.

"Hindi kaya, totoong may... Kakambal nga ako?" dumapo ang tingin ko sa daaan. "Hindi ko man lang nasilip ang nakaraan ng ginoo kung tama ba ang hinala ko dahil mas nangingibabaw ang galit at inis na aking nararamdaman kanina. Nawala ang pagiging kalmado ko na madalas kong ginagawa kapag may nangyayaring ganito." kumawala ako ng mallaim na buntong-hininga. Pumikit ako ng mariin. "Hindi ko lang lubos maisip, kahit sa isang balintataw ay masasaktan ka, ang malala pa ay magtatamo ka ng sugat."

Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Ramdam ko ang pagsandal ng kaniyang noo sa akin. "Pero mas gusto ko na ako ang nasasaktan kaysa sa ikaw, my rose." namamaos niyang sambit. "Salamat sa pag-aalala mo sa akin, Rini."

"Walang anuman, ayoko lang talaga na masaktan ka."

Pareho namin napagpasyahan na dumaan muna kami sa Opisina kung nasaan sina Caldwell at Houstin. Tulad ng ipinangako ko sa kanila, kikitain ko sila pagkatapos kong kausapin si Vencel kanina. At saka, sasabihin ko sa kanila ang isa sa mga plano na binuo namin ng mga prinsipe na tagapagmana at ng magkapatid na Yu. Sana lang ay hindi pa sila abala o tambak ang ginagawa nila ngayon.

Tumigil kaming dalawa sa harap mismo ng pinto ng Opisina. Ako na ang kumatok. Hindi rin nagtagal ay kusa 'yon nagbukas. Unang tumambad sa akin ay si Houstin. Medyo nawindang pa siya nang makita niya kami sa harap niya. Mas nilakihan pa niya ang awang ng pinto at humakbang paatras para magbigay-pugay sa aming pagdating.

"Mga kamahalan," pormal na tawag sa amin ni Houstin. Naroon din ang kasiglahan sa boses niya.

"Hindi ba kami nakakaabala, Houstin?" nakangiting tanong ko nang nasa loob na kami ng naturang Opisina.

Tumayo siya ng tuwid. "Naku, hindi po, mga kamahalan. Pasok po kayo. Ipaghahanda ko po kayo ng maiinom." aligaga siyang tumalikod sa amin para puntahan ang isang mesa kung nasaan nakapatong ang teapot at mga teacup. Dumiretso kami ni Otis sa sofa at umupo doon.

"Nasaan pala si Caldwell?" puna ko habang iginagala ko ang aking paningin sa loob ng Opisina.

"Ah, dumaan po muna siya sa kanilang tahanan at may mga aasikasuhin daw po siyang mga dokyumento ukol sa kanilang negosyo, kamahalan." sagot niya habang naghahanda pa rin siya ng maiinom.

Tumango lang ako bilang sagot. Ibinalik ko paggagala ng aking paningin sa paligid. Lihim ako napangiti dahil halos walang nagbabago sa lugar na 'to. Noong huling pag-uusap naming tatlo tungkol sa organisasyon noong nasa Azmar pa kami, nasabi nila sa akin na naging maganda daw ang takbo nito at mas dumami daw ang organisasyon na kanilang nahahawak ng mga panahon na nasa Thilawiel na ako. Nasabi din nila sa akin na nadagdagan daw ang mga myembro kaya mas bumibilis ang kanilang trabaho. Kung hindi ako nagkakamali, mismo si Caldwell ang personal na pumili na sa tingin niya na mas kapaki-pakinabang. Tulad ng inaasahan, hindi talaga mawala sa ugali niya na maging mapili pagdating sa mga tauhan na nais na magtrabaho sa kanila. Maganda rin na siya ang pinili ko na patakbuhin ito. Bukod sa anak siya ng isa sa mga duke ng Cyan, marami din siyang koneksyon sa aristokrata at maharlika.

Hindi rin nagtagal ay lumapit na sa amin si Houstin, dala na niya ang tray ng mga tsaa. Yumuko siya para ilipat ang mga tasa ng tsaa. Isa-isa niyang ipinatong 'yon sa harap namin.

"Maraming salamat, Houstin." sabay namin kinuha ni Otis ang mga tsaa at uminom ng kaunti. Si Houstin naman ay umupo sa tapat namin. Pagkatapos kong humigop ay ibinalik ko muna ang tasa sa mababang mesa. "Siya nga pala, naparito kami upang magbigyan kayo ng misyon."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora