"Okay lang ako, mas may taba naman kasi ako kumpara sa iyo kaya huwag kang mag-alala at siyempre para din feel na feel ko yung movie na pinapanood natin. Gusto kong makarelate kay Elsa" sagot naman ni Hailey na pabiro.


"Sira ka talaga" hinampas naman ni Faith si Hailey ng mahina at nagtawanan silang dalawa.


"Shhh...Psssttt.." saway naman ng mga taong nakapaligid sa kanila na matamang nanonood sa movie na yun. Tumahimik naman sila at pinigilan ang pagtawa ulit na gustong kumawala sa mga bibig nila.


Pagkatapos manood ng  movie, dumiretso na din silang magdinner sa isang restaurant. Nagkwentuhan lang sila at nagtawanan ng kahit na anong bagay na napapansin nila.


Dahil past 8pm na, nag-aya ng umuwi si Faith at hinatid naman siya ni Hailey sa bahay nito.


"Hindi ka ba papasok" tanong ni Faith kay Hailey paghinto nito sa tapat ng bahay nito.


"Hindi na, late na masyado. Pakisabi nalang kay Tita na dumaan ako."


"Sige, ingat ka at salamat sa gabing ito. Nag-enjoy talaga ako ng sobra!" masayang sabi naman ni Faith.


"Ako d-" hindi na natapos ni Hailey ang sasabihin niya dahil paglingon niya dito ay nagdampi  na ang kanilang labi na dapat sana sa pisngi ang intensyon ng halik na iyon. Pareho silang nagulat at parehong nanlaki ang mga mata nila, habang magkadampi parin ang kanilang labi. Pero imbes na humiwalay sa halik na iyon, unti-unti silang pumikit at dinama ang halik na iyon. Nang pareho na silang kinapos ng hininga, humiwalay sila sa labi ng isa't-isa at parehong tahimik lang  na nagpapakiramdaman.



"Hindi dapat nangyari yung halik H, kalimutan natin na nangyari ito. Mag-ingat ka sa daan, Goodnight" yun lang ang nasabi ni Faith at dali-daling pumasok sa bahay nito. Naiwan naman si Hailey na nakatulala at sinusubukang intindihin ang nangyari at ang huling sinabi nito.



Iniwasan nga ni Faith na pag-usapan ang nangyari sa kanila ni Hailey na nirespeto naman nito. Pero hindi lingid sa kaalaman ni Faith na nasaktan niya ang bestfriend niya. Napapansin din niya ang mga tinging pinupukol nito sa kanya pero pinag-sawalang bahala lang niya. May hinala na siyang may gusto ito sa kanya kaya wala na siyang ibang maisip kundi paki-usapan ang kakilala niyang si Patrick na magkunwaring ligawan siya nito. Hindi naman ito nakatanggi sa pakiusap niya dahil may utang na loob din naman ito sa kanya, nang minsang nagkunwari siya na gf nito para tigilan na ito ng ex-gf na naghahabol dito.



Natatawa naman si Faith sa expression ng mukha ni Yuri noong unang araw na nagpakilala si Patrick at nanligaw ito. Kitang-kita din niya ang pagsimangot ni H sa lalaki. Ayaw naman niyang saktan ang kaibigan sa ganoong paraan pero wala na talaga siyang maisip na iba pang paraan. Siguro in time, naisip niya na mawawala din pareho ang nararamdaman nila para sa isa't-isa at eventually mare-realize nila na tamang pinigilan nila ang nararamdaman nila sa isa't -isa dahil mas mahalaga ang friendship nila.



Sinadya talaga ni Faith na mas bigyan ng oras si Patrick kaysa sa dalawang bestfriend niya. Alam niyang nagtatampo na ang dalawa sa kanya dahil palagi siyang nagca-cancel ng lakad nila at last minute na niya pinapaalam ito. Pati rin naman siya nasasaktan sa pinag-gagawa niya pero wala na talaga siyang maisip na ibang paraan. She need to stop the attraction she feel for her bestfrriend bago pa siya ma-inlove at ganoon din ito sa kanya. She think that she's just doing both of them a favor.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Where stories live. Discover now