chapter 62

59 5 0
                                    

Nagising nalang ako dahil sa gutom. Sa oras na pagmulat ko sa mga mata ko ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Savienna, Psalm, Brenda, Maureen at Tom. Nakapalibot silang lahat sa hospital bed na hinihigaan ko.

"You're awake! Hindi ko akalain na ganun katagal ang epekto ng pampatulog na itinurok sayo." Sabi naman ni Savienna habang hinahanda ang pagakain sa gilid ko.

"Oh my god! Reian, akala ko ay hindi kana magigising." Sabi naman ni Maureen. What are they saying? Ano bang nangyari?

"Ilang oras akong tulog?" Tanong ko sakanila, napatigil sa pag aayos ng pagkain si Savienna at natahimik rin sina Brenda at Maureen sa harapan ko.

"You've been asleep for three days...at tsaka wala kang naaalala sa mga nangyari?" Sabi naman ni Savienna. Umayos ako ng upo sa kama at umiling sakanya. Bakit? Anong nangyari?

Magsasalita na sana si Maureen ng pinigilan siya ni Savienna. Okay? Close naba sila ngayon? Bakit hindi ako na inform? And plus, what happened to my level 2 training? Did I make it? And did Saint saw what did I just did?

"Uhm, maybe hindi pa oras para sabihin para sayo yun. After you recover." Nakangiting sabi ni Savienna, tumango nalang ako sakanya at naglandas ang tingin ko sa braso nilang dalawa ni Psalm.

"What happened to that?" Tanong ko sakanilang dalawa. Psalm's face is still calm habang nakatingin lang sakin.

"Oh, it's just simple scratch." Simpleng saad ni Psalm, hindi na ako nagtanong pa at hinintay nalang si Savienna na matapos sa paghahanda niya sa pagkain.

Tinulungan ni Brenda si Savienna habang si Maureen ay busy sa pakikipag-usap kay Tom. While Psalm is on his laptop again. Kung three days akong natulog, that means Saturday na ngayon. And I think this is the greatest opportunity to talk to Saint.

Hindi ko alam kung magugustuhan niyang makita ako, pero kailangan ko siyang kausapin. We need to discuss about something, I need to clear something. Marami akong katananungan na alam kong siya lang makakasagot.

This might sound ridiculous but I badly want to see him too. Ilang weeks ko siyang hindi nakasama and now that he's here, hindi ako pwedeng mag sayang ng oras na hindi man lang siya makausap.

"Here's your food, eat now." Sabi ni Savienna at inilapag sa harapan ko ang pagkaing hinanda niya.

Lumabas na sa kwarto si Brenda, Maureen at Tom dahil pupunta daw sila sa bookstore. Which is andito lang rin sa loob ng campus. Nag umpisa na akong kumain at maya-maya ay nakarinig kami ng mga katok mula sa pinto.

Savienna opened the door at nakita ko si Deus, Saint and other three guys na pumasok sa loob. May dala-dala silang syringe, at mga files. Napatingin ako kay Savienna with a questioning look.

"Anong ginagawa nila dito?"

"They are here to know what's the cause of your bloodlust." Sabi naman ni Psalm. In short, they are going to examine me?

Lumabas ng kwarto si Savienna at Psalm. Umupo naman ang limang lalake sa harapan ko. Tumikhim si Deus kaya napatingin ako sakanya.

"So, Reian. What do you think is the cause of your bloodlust? As far as I know, nangyari narin to sa una mong training." Deus said. Hindi ako sumagot. Hindi ko naman alam kung ano ang rason ng bloodlust ko. And it's not that easy to know kung ano yon.

Deus sighed ng wala siyang nakuhang sagot saakin. "You need to cooperate with us, Reian. Ang bloodlust na meron ka ay rare, at malapit na itong matulad kay Saint."

"Anong ibig mong sabihin?" I spoke.

"As you can see there are types of bloodlusts, your sister has a psychotic bloodlust, which leads to a massive killings. Pero hindi yon masyadong malakas para ikabahala." Psychotic bloodlust? First of all, wala naman akong alam dito. At malay ko ba na may iba't-ibang uri pala nito?

"As for Saint he has a fatal bloodlust, which happens to kill everyone without hesitation. And which I mean about everyone, is lahat talaga. Walang matitira." That's....scary. Napatingin ako kay Saint at ganun parin siya, he is like a walking zombie. Parang wala siya sa sarili niya.

"And you? Kailangan naming malaman anong klaseng bloodlust na meron ka. Para malaman namin kung pano ka iha-handle." Deus said. Pumunta ang isang lalake sa gilid ko na may dalang syringe.

Wala siyang sinabi at agad itong tinusok sa braso ko. Napakunot ang noo ko dahil sa hapdi, they are getting some blood of me. Anong gagawin nila dun?

"Anong gagawin nyo sa dugo ko?" I asked.

"Some blood tests na pwedeng makatulong sa pagtukoy kung anong bloodlust meron ka."

"Tsaka andito rin kami to inform you na iba na ang magtuturo sayo. You're special like your sister, kaya nararapat kang ilipat sa ibang trainor." Deus said.

"Your ability is unique. Your sister, Reina was once trained by me." Saad ni Deus. Ah, kaya pala medyo close sila ni Savienna. Savienna was once his student.

"At nakapag desisyon na lahat ng head masters, and our 1st Mafia Boss will be the one to train you." First Mafia Boss? That means...

"Hellion is going to be the one who will guide you until you graduate." Oh my god. Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi ni Deus, nanliit naman ang mga mata niya at tumawa lang ako.

"I'm just so happy Deus, I can't let myself be one of those weaklings though." Pagtukoy ko kina Brenda, hindi ko naman pwedeng sabihin na masaya ako na si Saint ang magtuturo saakin. Baka maghinala siya.

"Siya ang tutulong rin sayo para ma-control mo ang bloodlust mo." Dagdag pa ni Deus, napatango ako sa sinabi ni Deus. Ngayon lang ako nakaramdam ng excitement sa upcoming trainings ko.

"And we will move your dorm room, doon ka sa vault ni Hellion." Napatango ulit ako, I missed this! This is like living again with him!

Napatayo na si Deus pati ang kasama niyang mga lalake at napatingin saakin.

"I am expecting a lot from you, Reian. Hope you are going to be worth my time." Sabi ni Deus at lumabas na ng kwarto kasama ng tatlong lalakeng bantay niya.

Napatingin ako kay Saint at nakita kong nakaupo na siya sa couch at kaharap ang laptop niya. Ayokong mag tamang hinala, but if tama akong nagka amnesia nga si Saint ay kailangan ko siyang tulungan para maibalik ko ang mga ala-ala niya.

I mean? Alam ko namang pag maging close ako sakanya ay may mat-trigger na memory sa utak niya at maibabalik yon lahat. Nabasa ko na to sa lahat ng novels na dapat may makakapag trigger sa memory ni Saint, para bumalik yon. And  I know, I am the big part of his memory..

"Pst! Uy, Santillana." Tawag ko sakanya kasi seryosong-seryoso siya sa ginagawa niya sa laptop niya. Nag-angat siya ng tingin saakin kaya napalunok ako.

"What?" He responded. Coldly.

"Why don't you take off your eyepatch? Alam ko na naman ang nakatago sa eyepatch mo. Your red eye, right?" Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya dahil sa sinabi ko.

"You don't have the rights to command me things." Matigas niyang sabi. This attitude of him is what I missed the most. Ang pagiging masungit niya.

Mukhang babalik kami mula sa una ah? Yung pagiging masungit niya saakin noon.

"Yes I have the rights, I am your baby afterall." Napagtagpi ko ang labi ko dahil sa sinabi ko. What the hell Sabrina? Bakit mo yun sinabi?

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa hospital bed na inuupuan ko.

"Listen, you stupid brat. I don't have time to play some joke to you, I can even kill you right here, right now. But be thankful dahil importante ka kay Deus." Matigas niyang sabi habang nakatayo siya sa gilid ko. Hindi na ako tumingin pa sa mukha niya dahil ayokong makits kung gaano ka nakakatakot ang aura niya.

"Between us two, I am stronger. Hindi ibig sabihin na may bloodlust ka ay t-tratuhin kita like a porcelain doll. Because you aren't. Better say and act the right thing before I crush your bones." Napalunok ako.

This isn't Saint. I know he's harsh and all, but he never said those things to me. Kahit na magalit siya saakin ay alam kong hindi niya yun kayang sabihin...

What did they do to you, Saint?!
---

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now