chapter 11

110 7 1
                                    

Napuno ng tawanan namin ang buong pool side, halos mag-gagabi narin at halos sila lahat ay ayaw nilang umuwi. Odette even insisted on having a sleep over, pero agad kong sinabi ni baka uuwi ang parents ko ngayon at wala silang alam na may bisita ako. Mabuti nalang at naintindihan nila at hindi na sila namilit.

"After nyong kumain ng dinner umuwi na kayo ah?" Sabi ko sakanila, napatango sila.

"Papasok kaba ngayong monday?" Tanong ni Psalm at tumango naman ako. I really appreciated their care for me. Kahit one week palang kaming magkakilala ay nag-aalala na talaga sila para sakin.

Ngumiti si Eren ng pilyo saming dalawa. "Alam mo ba Danica kanina pa excited si Psalm pumunta dito, kulang na nga lang mag ditch siya ng klase para pumunta agad dito. Diba Rence?" Panunukso niya.

"Oo nga!" And Rence agreed. Napayuko ako at napangiti ng lihim. He really cares for me like that?

"Yiieee, kayo ha." Panunukso naman ni Cassidy.

"Oh, Psalm hinay-hinay lang at baka may magbunga ha." Pahabol na sabi ni Eren, mas lalong namula ang mukha ko.

Si Pierce naman ay tahimik lang na nakikinig saamin at kumakain ng chips. Napatingin ako kay Psalm na ngayon ay hawak niya na ang kanyang batok at tumatawa ng mahina habang iniiling ang ulo niya.

"Sabihin mo samin, Danica ah? Kung may progress na!" Nakangiting sabi ni Odette na nakisali narin sa panunukso.

"Ha? Eh wala namang namamagitan saamin ni Psalm." Nahihiya kong sabi.

"Boom! Friendzone." Natatawang saad ni Stan habang tinapik-tapik pa ang balikat ni Psalm.

"Wala talaga Danica? Kahit crush?" Crush? Sino ba crush ko? Si Psalm? Masaya kausap si Psalm, masaya rin ako kapag kasama ko siya. At minsan kinikilig ako sakanya.

Pero, hindi naman ako sigurado kung crush ko talaga siya. Tsaka kung sasabihin kong oo, ayokong magpaasa kay Psalm kung meron man siyang nararamdaman sakin.

"Wala. Papagalitan ako ng kuya ko kapag magkakagusto ako sa isang lalake." I am referring to Saint, alam ko namang magagalit siya kahit makipag-kaibigan lang ako sa isang babae o lalake.

"Ay? Talaga? Super protective naman pala 'yang kuya mo." Sabi naman ni Cassidy. Ngumiti nalang ako sakanya.

"Ililigpit ko muna ang pinagkainan natin." Sabi ko, nag thumbs-up silang lahat saakin. Kinuha ko ang tray na may mga basong walang laman.

Dumiretso ako sa kusina at halos mabitawan ko ang dala-dala kong tray ng makita ko kung sino ang nakasandal sa may ref at nakatitig saakin na parang inaasahan niya talaga na pupunta ako dito.

"S-Saint.." nauutal kong sabi.

"Sino sila?" Agad niyang tanong, maingat kong inilagay ang tray sa sink at hinarap siya. May katangkaran si Saint kaya mahirap siyang tingnan sa mata kaya napayuko nalang ako.

"M-mga k-kaibigan ko..." i didn't like about kung sino sila dahil wala naman akong takas kay Saint kung magsisinungaling pa ako sakanya.

He tsked. "May lakad ka bukas with Psalm...and then kasama mo mga kaibigan mo ngayon. Ano pa ba? May kailangan kapa bang sabihin sakin na hindi ko alam?"

It's unusual for me to hear Saint na magsalita ng issng sentence na walang halong english. "Hindi ko naman alam na pupunta sila ngayon...bigla lang silang nag doorbell sa labas kanina, at nakakahiya naman kung hindi ko sila papapasukin."

"Oh, really? So you gave them our address?" He asked habang naka-krus ang kanyang mga braso. Agad akong umiling.

"Nasa form kasi yun ng club na sinalihan ko, si Odette ang club leader namin at nag-alala sila sakin kung bakit hindi ako pumasok kaya pinuntahan nila ang address na nakalagay sa form.." I explained. Napatingin ako sakanya at kitang-kita ko ang pagkislap ng mata niya pero agad iyong nawala.

"Huwag mo naman silang paalisin, Saint..." mahina kong sabi. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya at kinuha ang coat niyang nakalapag sa kitchen counter.

"Do what you want, I won't interfere pero bukas huwag mong kalimutan ang sinabi kong hindi kita susunduin and plus, be home before 7pm." Agad lumabas ang ngiti ko.

"Yes! Of course." Nakangiting sabi ko. That's the first time na ngumiti ako kay Saint, genuinely walang halong ka-plastikan.

"And lastly, don't smile like that in front of me. I don't like it." Agad nalaglag ang ngiti ko and felt a small pinch in my heart. Can he just appreciate it?

Can he be soft just once? I never saw him smile again since his parents died. Kahit si Ate Mary hindi siya magawang pangitiin at patawanin.

Right, he's a heartless man afterall.

Pagkaalis na pagkaalis ni Saint ay biglang pumasok si Psalm sa kusina.

"Natagalan ka yata? Hinahanap ka na ng iba." Sabi niya. "Ah, papunta na nga ako dun." Tugon ko.

"Tara na?" Tumango ako at sinundan siya sa paglalakad pero ayaw parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Saint.

'Don't smile like that in front of me, I don't like it.'

I sighed. Maybe my smile is too annoying for him..

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now