chapter 17

106 5 1
                                    


Buong araw sa school para akong zombie, ayoko naring umuwi ng bahay kasi makikita ko nanaman ang mukha ni Saint. Mas gusto ko pa yung ugali niya noon, kesa ngayon. Naiinis ako, maypa ngiti ngiti pa siyang nalalaman, hindi niya naman ginagawa yun noon ah? Ano ba nangyayari sa lalakeng yun?

Nung nag lunch ay sumabay ako sa pagkain kina Odette at as usual ay nang-aasar nanaman sila sakin at kay Psalm. Psalm is very nice guy, ewan ko lang netong kay Saint at ano ba ang kinain niya at umakto siya ng ganun. Naiinis ako kay Saint, hindi ko gusto ang mga pinapakita niyang galaw sakin.

"Danica? Chill lang. Parang ina-assassinate mo na yung pork belly sa plato mo." Narinig kong sabi ni Cassidy kaya agad akong napa-angat ng tingin sakanila.

Kanina pa pala sila huminto sa kaka-asar sakin kay Psalm. Napahinga ako ng malalim at napatingin naman sa plato ko. Hindi na mahitsura ang pork belly na nasa plato ko. My god, dahil lang sa pag-iisip ko kay Saint nangyari nayun!

"Kanina pa namin napapansin na parang wala ka sa mood? May nangyari ba?" Tanong naman ni Eren sakin.

I smiled. "Huwag 'nyo na akong aalahanin, may nangyari lang kasi sa bahay na hindi ko nagustuhan."

"Share mo naman, handa naman kaming makinig. Kaibigan ka namin eh. " nakangising saad ni Rence, habang ang iba naman ay patango-tango na, while Pierce is just silent. As usual.

"Ah, family problems lang tsaka hindi ko kayang i-share sainyo eh, masyadong personal." I lied. Ugh. Ilang beses ba kailangan kong magsinungaling sakanila, para lang hindi nila malaman ang tunay na estado ng buhay ko?

"Aww, sige. Maayos nyo rin 'yan, pray kalang palagi." Stan said and winked. Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Alam mo hindi parin talaga ako makapaniwala na ganun kayo kayaman..." nakangiting sabi ni Odette, ngumiti nalang rin ako sakanya ar umiling. Hindi ko naman bahay yon.

"Ako rin, akala ko nung sinabi niya na home schooled siya eh mayaman talaga pero nung nakita ko kung gaano kalaki ang mansion nila, namangha ako sobrang yaman nyo pala talaga." Rence said. I just smiled them as a response, hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi yun amin kasi kay Saint yun.

"Tsaka may is-ahare ako.." napalingon naman ako kay Stan. Pati sina Odette ay napatingin rin kay Stan.

"Naremember mo yung tinanong ko sayo kung san cr niyo?" Sabi niya, napatango naman ako sakanya. Naiihi kasi siya at tinanong niya sakin kung saan ang cr sa mansyon at sinabi ko naman yung direksyon sakanya.

"Oo, bakit?" I asked.

"Hindi ako sure ah kung tama ba nakita ko, pero habang naglalakad kasi ako sa hall ay may nakita akong picture frame na sobrang laki. Parang family picture..." Oh no. Ang family picture nila Saint na kasama ako! Oh my god, dapat pala sa cr nalang sa kusina ang sinabi ko!

"Nakita ko kasi si Rozen, kasama parents niya ata. Tapos andun karin, kapatid mo ba siya?" Tanong ni Stan na agad nakapag-alerto sa lahat. Even Pierce looked at me and waited for my answer.

"No. Kung kapatid ko siya dapat pareho kami ng surname diba?" Natatawa kong sabi. Right, act natural Sab. Hindi nila pwedeng malaman kung sino ka, at kung sino si Saint.

"Yun nga eh, kung hindi mo siya kapatid bakit ka andun sa family picture na yun? Tsaka siya ba yung tinutukoy mong strikto mong kuya?" Oo siya ang tinutukoy kong strikto pero hindi ko siya kuya!

"Hindi. Ang totoo niyan childhood friends kami ni Rozen, close na close kami at parang pamilya narin ang turing nila sakin..." i tried to explain. They all sighed at pinilit na ngumiti sakin

"Bakit dun ka nakatira sa bahay nila? Asan ang totoo mong parents?" Tanong naman ni Cassidy, agad akong kinabahan sa mga tanong nila. Sasabihin ko ba sakanila ang totoo? Kung sino talaga ako? But. Saint would be super mad at me.

"Ah, namatay na kasi yung totoo kong parents at dahil close naman ako sakanila kinupkop ako ng parents ni Rozen sila na nag-alaga sakin pero hindi naman nila ako inampon pero parang sila narin ang tinuring kong ikalawang magulang."

Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ko ng nakita kong mukhang nakumbinsi ko sila sa mga sinabi ko. Nabalik na man sa dati ang atmospera ng table namin nabalik sila sa pagtatawanan kaya napangiti nalang ako.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa school garden napahinga ako ng malalim. Alam kong malalaman rin nila ang totoo, kahit hindi ngayon pero alam kong dadating ang oras na malalaman nila ang totoo.

"Thinking something?" Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko ang nakangiting si Psalm saakin.

Psalm...tama. "Should I still call you Sab? Or Danica?" Tanong ni Psalm saakin, napangiti ako sakanya.

"Sab, call me Sab." Psalm nodded at umupo sa tabi ko may sapat na distansya sa pagitan namin para hindi magtagpo ang balat namin.

"Is there something wrong? Ngayon lang kita nakitang pumunta sa garden." Nakangiting sabi ni Psalm, napangiti nalang rin ako sakanya at bahagyang umiling.

"Nope. Gusto ko lang pumunta dito para makapagisip-isip ng mga bagay bagay." Napatango siya saakin at nagulat naman ako ng may kinuha siya sa likuran niya at binigay saakin.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya ng hindi makapaniwala. Ang pink na baboy sa carnival! Kinuha niya talaga yun? Agad kong kinuha yun sa kamay niya at agad niyakap iyon.

He smiled. "Akalain mo yun nakuha ko yan. Sobrang hirap nga lang." Natatawa niyang sabi habang hawak-hawak ang batok niya, ang cute niya talaga kapag nahihiya siya.

"Thank you, Psalm." I thanked him and smiled.

"Anything for you, Sabrina." Mas napangiti ako ng marinig ko ang pangalan ko na lumabas mula sa labi niya.

Magsasalita na sana ako ng may nahagip akong taong nakatitig na ng nasama saakin. Agad nanlaki ang mga mata ko, and gulped. Bakit siya andito?

Napansin kong napatingin rin si Psalm doon pero agad ko namang binalik ang direksyon ng ulo niya. "Huwag. Huwag kang tumingin."

He smiled and nodded gently at me. Napahinga ako ng maluwag sa pagsang-ayon niya, napatingin ulit ako sa direksyon ni Saint at nakita kong napa-iling iling siya habang naglalakad palalayo.

Ano bang ginagawa ni Saint dito?

----

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now