chapter 8

129 8 0
                                    

Nagising nalang ako dahil sa lamig na nararamdaman ko, I'm sure this isn't my room. Hindi ganito kalamig ang kwarto ko. Napatingin ako sa paligid. It's Saint's room. Bakit ako nandito?

Nawalan ba ako ng malay kanina? Ganun kalala ang ginawa ni Allison? Sampal lang naman yun. Babangon na sana ako ng maramdaman ko ang sakit ng balikat ko. Right. Saint's grip.

Napahinga ako ng malalim at pinilit ang sarili ko na bumangon, I can't stay at Saint's room. Aalis na sana ako sa kama ng biglang pumasok si Saint na may dala-dalang tray. He looked at me with his cold stare and sighed.

Inilapag niya ang tray sa bed side at inayos ang eyepatch niya. Tumingin siya saakin at umupo sa dulo ng kama.

"What happened to you?" He asked. Napayuko ako. He's right. Humans are never good, wala silang ginawa kundi saktan ang kapwa nila.

"W-wala, natamaan kasi ako ng bola..." i lied. He looked at me and stared at me for a minute.

"I hate liars, Klea and you know that." I gulped. This guy's instinct is too good. Muntik ko ng makalimutan na halos perpekto na ang taong ito, except sa ugali.

"Your cheeks and arms are swollen, hindi yan isang tama lang ng bola." He said calmly, ito ang unang beses na naka-usap ko si Saint ng mahinahon at walang takot akong nararamdaman.

"Si Allison kasi, yung kaklase ko. Hindi ko sinunod yung gusto niyang gawin ko kaya sinampal niya ako ng ilang beses sa girl's washroom kanina..." i explained. Tumayo siya and grabbed a chair and sit infornt of me.

Nagulat ako sa ginawa niya dahil sobrang lapit namin. I can almost hear him breathing. At ngayon ko lang napagtanto na gwapo pala talaga si Saint sa malapitan. Now I wonder kung bakit may suot siyang eyepatch.

"And your arm?" He asked. Sasabihin ko ba sakanya? "Who the heck just did that to your arm, drop the name and I'll destroy his face."

I smiled a bit. "Ikaw may gawa neto eh." I laughed a little. "Can you destroy your own face?"

Nagulat siya sa sinabi ko. He sighed at may kinuha siyang cold compress sa tray na dala niya. He gave it to me.

"Just rest. Umabsent ka muna bukas, your arm is so swollen Klea. Why you didn't tell me?" Tanong niya habang tinutulungan akong humiga sa kama niya.

Maingat niyang inilapat ang cold compress sa magkabilang pisngi ko. May kinuha siyang ointment at nilagyan ang magkabilang braso ko.

This is new. Saint was never like this to me, hindi siya caring. Kung may nangyaring masama sakin ay sila yaya lang ang nag-aalaga sakin. Ngayon, siya na. What's new?

I closed my eyes dahil ayokong makita ang mata ni Saint na nakatitig saakin. I pretend to be asleep, akala ko aalis na siya pero wala akong narinig na kahit anong ingay.

And then he spoke. "Klea...I'm sorry."

"I didn't meant to do it. I was just furious. I'm sorry for being overprotective to you, alam ko namang kaya mo ipagtanggol ang sarili mo. But..." he paused. I kept my eyes close. "I'm afraid. Natatakot ako na balang araw makakakita ka ng ibang magp-protekta sa'yo. Nasanay na ako na ako ang uuwian mo kapag may nangyari sayo."

"I can't accept the fact na unti-unti ng lumalayo ang loob mo saakin. I'm sorry. I know you won't hear this but, please...stay with me. Kayo nalang ni Ate Mary ang natitira sakin."

In a blink of an eye natagpuan ko nalang ang sarili ko na niyayakap si Saint. Nagulat siya sa ginawa ko at lalo na akong nagulat sa ginawa ko. I snuggled myself in his chest.

And whispered "I won't leave you, Saint. Trust me. Even the world will tell me, even if everyone will hate me. I will never leave your side."

And later on I felt his arms snaked into my waist and hugged me back. We stayed like that until our limbs felt numb.

---
a/n:
feedbacks?

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Kde žijí příběhy. Začni objevovat