chapter 38

60 1 0
                                    

Buong araw ay lutang ako sa school. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, magpapaalam naba ako kay Saint tungkol sa underground school? O uunahin ko ang pagpapa-alam para sa school work ng Journalism Club sa upcoming contest ni Psalm?

Lunch ngayon at nakita ko sina Odette kasama ang iba naming ka members na nakaupo sa usual seat nila. Lumapit ako sakanila at agad naman silang napatingin saakin, nawala ang ngiti sa labi ni Odette at pati narin ng iba. Pierce is not here, dahil nasa bahay siya at sinasamahan si Savienna.

Walang ingay akong umupo at wala man lang ni isa sakanila ang nagsalita. Anong meron?

"Hi guys! Anong meron??" I asked. Napaaiwas ng tingin saakin si Odette. Anong nangyayari? Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa mga inaakto nila.

"Cassidy? Rence? Eren? Anong problema?" Hindi ko maiwasang tanungin sila ng isa-isa, napahinga ng malalim si Eren at napatingin saakin.

"Hindi mo sinabi saamin..." Panimula niya.

"Sinabi ang alin?" Naguguluhan kong sabi, hindi ko sila maintindihan. Ano ba ang ibig nila sabihin?

"Pumunta ka saamin kagabi. You even said na you're not Danica, kasi ikaw si Sabrina.." Ha? Ako? Pumunta kina Eren kagabi? Ni hindi ko nga alam kung asan sila nakatira!

"Hindi ako pumunta sa bahay nyo! I don't even know where your house is." I denied. I stayed in Saint's mansion the whole night. Wala akong matandaan na lumabas ako ng mansyon at pumunta sa bahay nila.

"Eh sigurado ako. Ikaw yun, you even changed your hairstyle a bit." Eren said.

"You came into our house too. Sinabi mo saakin na you're a mafia. Which is really weird dahil wala naman akong nalalaman na may nage-exist na ganun." Rence said. Shit...shit...shit! I don't know what they are talking about! Wala akong matandaan na pumunta ako sa mga bahay nila dahil hindi naman ako lumabas ng mansyon kagabi!

"Pumunta karin samin, tsaka sinabi mo na may namamagitan na sainyo ni Rozen kaya huwag na akong umasa pa. Hindi ko alam na kaya mong sabihin ang mga bagay na 'yon, Danica." Sabi naman ni Odette. At kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"You even blackmailed me, Danica. Ang sabi mo ay dapat ikaw na ang bagong president ng journalism club at kung hindi ko susundin ay sabi mo ipagkakalat mo na may gusto ako kay Rozen." Dagdag pa niya.

"You gave me a letter last night too, Danica. Ang sabi mo dapat huwag na akong sumali pa sa journalism club kasi hindi naman ako magaling at dahil mahirap lang kami." Nagulat naman ako sa sinabi ni Cassidy, I never underestimated someone! Kahit kailan hindi ako naging matapobre kahit kanino!

"Guys stop saying nonsense to me! Hindi ako pumunta sa bahay nyo kagabi, I don't even know where your houses are. Tsaka, bakit ko naman maiisipan na gawin yun?" I panicked. Who the he did this? Or am I sleep walking? May ginagawa ba akong hindi ko alam?

"Totoo yun Danica, hindi namin maintindihan kung bakit mo ginawa yun. Pero sa ngayon ayaw muna naming makihalubiho ka..." Maingat na sabi ni Cassidy habang nag iiwas ng tingin saakin.

"Oh please, paniwalaan nyo naman ako. Hindi talaga ako ang pumunta roon, wala naman akong rason para gawin yun." I can't lose them. Sila nalang ang tanging kaibigan na meron ako. Ano nalang mangayayari kapag aalis pa sila sa tabi ko?

"Ewan ko, Danica o Sabrina. Pero ikaw mismo ang pumunta sa mga bahay namin, kaya paano namin paniniwalaan na hindi ikaw yun?" Galit na tanong saakin ni Odette.

"Danica hindi mo alam kung paano mo ako nasaktan dahil lang sa mga sinabi mo. You know how I adore Rozen so much, tapos kayo na pala? Eh sinabi mo saakin noon na kahit kailan ay hindi mo siya magugustuhan!" Hindi niya mapigilan ang mapatayo na at padabog na hinampas ang table namin. Ilan sa mga schoolmates namin ay napatingin na sa direksyon kung saan kami nakaupo.

"Kung alam lang sana namin na ganyan ka, sana hindi ka nalang namin naging kaibigan." Sabi naman ni Cassidy habang pinapakalma si Odette.

"Believe me guys, come on! Kahit kailan ay hindi ako tumingin ng mababa sainyo...believe in me please." Halos lumuhod na ako sa harap nila habang sinasabi yun, nakatingin ako sakanila ng mata sa mata.

"Then explain to us bakit mo sinabi yun!" Sabi naman ni Cassidy, napatingin ako kina Rence at Eren pati sila ay naghihintay na sa sagot ko.

"I don't know what happened, ang alam ko ay nasa bahay lang ako buong gabi. Wala akong maintindihan sa sinasabi nyo, at wala akong matandaan na pumunta ako sainyo." I tried to explain. Nakita ko ang pagiling-iling ni Odette at mahina pa siyang napatawa sa sagot ko.

"Seriously? Yun lang ang masasabi mo?! Sa dami ng ginawa mo kagabi?!" Pasigaw na tanong ni Cassidy, hindi ko mapigilang mapapikit ng mariin dahil sa sinabi niya.

"I'm so sorry guys, but I swear that wasn't me. I didn't do anything..."

"Whatever Danica! Lumayo ka samin ayaw na namin magkaroon ng kaibigan na katulad mo. You are still in the club but we will treat you as a co-member not a friend." Cassidy said at naglakad paalis sa table namin.

Eren looked at me with disappointment in his eyes. Rence didn't bother to look at me and just walked away, also Odette. Iniwan nila ako na nakaupo lang sa table namin.

What did I just do?
---
a/n:
nags-sleep walk si sab? haha

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Место, где живут истории. Откройте их для себя