chapter 57

51 3 0
                                    

"Physical Status is very important when it comes to battles. Hindi ka pwedeng lampa lampa sa isang labanan." Seryosong saad ni Savienna, seryoso ang lahat na nakikinig kay Savienna. Habang ako ay hindi ko mapigilang mailang dahil sa mga titig ni Psalm saakin.

He is really different this time, parang hindi na siya yung goody boy na nakita ko sa Akademi High. Nag iba ang personality niya, lahat nag iba. Even his style. Parang hindi na siya ang nakilala kong inosenteng Psalm. He's like a devil here.

I can't even feel any nervousness in Psalm. Eh dati lagi siyang kinakabahan, and I don't get it. Why does he have to be undercover in that school too? Eh sa pagkaka-alam ko matagal na siyang nag-aaral doon.

"Okay, we will start our physical training now. For this morning we will do, warm ups first. So yeah, everyone stand up!" Masiglang sabi ni Savienna. Rinig ko ang ilang reklamo ng ibang studyante dahil ayaw pa nilang mag simula ng training ngayon dahil masakit pa ang mga katawan nila.

"We will start sa ayaw at gusto nyo." Malalim na boses na sabi ni Savienna kaya agad napaigtad ang lahat at agad napatayo.

Tumayo narin ako. At naghintay sa ituturo ni Savienna.

We did some serious warm up, like push ups. Medyo nagulat nga ako na kayang mag push up ni Brenda at Maureen. At medyo nakakahiya rin dahil ako lang ang hindi marunong mag push ups.

Pero laking pasalamat ko na si Savienna ang nagtuturo saamin at hindi ako napahiya sa buong klase. Seryoso si Savienna na nagtuturo saamin habang si Psalm ay tahimik lang na nanonood saamin, more specifically saakin.

Hindi ko nga magawa ng maayos ang warm up dahil sa mga titig ni Psalm eh.

Nang matapos ang nakakapagod na warm up ay lahat kami ay pinagpapawisan na at hinihingal.

"Okay, we're done doing warm ups. Now let's train your weak bodies! Go to the grounds!" Commanded by Savienna, agad kaming napatakbo palabas ng gym at nagpunta sa grounds.

Napanganga ako. May roong napakalaking obstacle course na nakabalandara sa ground. Like we're on a training for military! Nang makapunta kaming lahat sa ground ay kaming lahat ay napatitig nalang sa obstacle course na andoon.

"Listen you weaklings. Choose a pair. And that pair will be your partner para malampasan ang obstacle course na yan. Ang dalawang paree na pinakamabilis na makarating sa tuktok ay pwede ng pumunta sa arena para sa level 2 training." Saad ni Savienna. Oh, so tama nga sila na may possibility na mas mauna kapang makaproceed sa next stage kapag magaling ka.

So that's how Savienna and Saint passed this school without a sweat. Because they're strong already.

"Reian! Tayo nalang partners, since partner na ni Brenda si Tom." Tumango ako kay Maureen at lumapit sakanya, I need to pass this stage ASAP.

Kung bilis lang ang pag-uusapan ay alam kong malalampasan ko ang obstacle course nato ng mas maaga pa sa inaasahan nila. But I need to be quick and accurate. Bawal akong magkamali. This obstacle course is not just simple obstacle course.

"Listen, this obstacle course contains traps that might injure you. So, analyze everything before you proceed." Pagsasalita ni Psalm.

"Let's start now." Napatango kaming lahat sa sinabi ni Savienna. Siya ang pumili ng pair na papasok at akala ko ay kami mauuna pero hindi pala.

Habang nanonood sa dalawang kaklase ko ay all i hear is there voices na parang nag aaway sila. Oh no, they need cooperation or both of them will be injured!

Ang obstscle course ay parang isang tower. Umiikot ito at may mga bagay na biglang lumalabas sa tower. (Try nyo panoorin yung percy jackson: sea of monsters, dun nyo mage gets kung anong klaseng obstacle course to)

And just one wrong step ay mahuhulog ka at lahat ng pinaghirapan mo ay masasayang.

"Aaaahhh!" We all gasped ng nakita namin kung paano nahulog ang isa sa mga kaklase ko mula sa tower. Oh my god. This is deadly!

Agad akong napalapit kay Savienna at napatingin naman siya saakin, at tinaas niya ang kilay niya.

"SavㅡReina this is dangerous. Baka mabagok ang ulo nila kapag nahulog sila." I said habang kinakabahang nakatingin sa unang pares.

"Well? I don't care. If they die, they will. Wala na tayong magagawa." She said. W-what?

"Anong ibig mong sabihin na you don't care? Buhay nila ang nakataya!" Pinigilan kong tumaas ang boses ko habang sinasabi yon kay Savienna.

"Listen sis, this organization is your worst nightmare. Kahit na kamag-anak kita wala akong karapatan na tulungan ka. Dahil, kapag andito ka you need to work on your own. You need to act like you don't care about everybody, just care about yourself." She tried to explain, but I still don't get it.

"Pero hindi ko magagawa yan! Kilala mo ako, hindi ako pwedeng pumikit lang habang may namamatay sa harap ko!" sabi ko sakanya.

"Then how did you sleep last night knowing that you killed four people yesterday?" Hindi ako nakasagot. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Savienna. She's right. How did I sleep last night?

Pano ako pinatulog ng konsensya ko? That's very unlikely of me!

"See? All you need to do is not to care of everything. At wala kang magiging problema dito. Huwag mo silang alalahanin, Deus will take care of everything." Kibit balikat niyang sabi at binalik ang tingin sa mga kaklase kong nahihirapan na sa obstacle course na iyon.

"And one last thing, friends here don't exist. Those ladies beside you right now? Iiwan karin nila dahil mas iniisip nila ang kalagayan nila kesa sa iba. So you should think the same too." She paused and looked at Maureen and Brenda.

"Sa tingin mo bakit pinili ni Brenda makipag pares kay Tom?" Tanong niya saakin.

"Hindi ko alam."

"Because she knows na kapag makikipag pares siya sa magaling mas malaki ang posibilidad na matapos niya to ng mas maaga at mas mabilis. Tom is on the top ranking right?" Tanong ulit saakin ni Savienna, at napatango ako.

Tama siya, si Tom ang nasa Unang rank dahil magaling siya. And Brenda chose to be with the person she don't really trust rather than us.

I get it now...
---

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now