chapter 36

58 2 0
                                    

Nagmamadali akong pumunta kay Savienna at nakita ko siyang nakatayo sa may kusina at may hawak na kutsilyo. It's the kitchen knife! Napatingin ako sa sahig at nakita ko ang ilan sa mga katulong namin na sugatan at ang iba naman ay walang malay at dumudugo ang noo. Ano nanaman ba to?

"Savienna? Anong ginawa mo?" Galit na tanong ko sakanya, she smiled at me. A creepy smile na palagi niyang pinapakita sa lahat.

"Sorry sis, I got bored. Tsaka naiirita ako sa mga kasambahay dito, ayaw nilang sundin ang gusto ko!" Naiirita niyang sabi.

"Ano ba pinagawa mo sakanila?" I asked. Masunurin naman ang mga kasambahay dito at sinusunod nito lahat ng pinapagawa sakanila.

"Gusto kong magpatayan sila harap ko, kaso ayaw nila kaya ako nalang ang gumawa." Simple niyang saad agad akong napatingin kay Saint and I can see that he is already dialing 911.

"Papunta na ang ambulansya dito may kasama silang pulis." Sabi naman ni Saint napatingin ulit ako kay Savienna at hindi man lang siya napaigtad sa sinabi ni Saint. Halos lahat naman ay matatakot kapag nakarinig ng pulis pero bakit siya? Parang sanay na sanay na siya.

"I suggest huwag niyong tawagin ang ambulansya. Si Ate Mary nalang pagamutin niyo, dahil hindi niyo magugustuhan ang mangyayari kapag nagdala sila ng pulis." Ha? Anong ibig niyang sabihin?

"Shut it down Hellion and tell them it's a joke, gusto mo bang mas mabaliw ako at pati kayo ay saktan ko?" Nakangisi niyang sabi habang nilaro-laro ang kutsilyo na nasa kamay niya. Nakita ko ang takot sa mga mata ng aming mga kasambahay.

I heard Saint cancelled the call. Napahinga ako ng malalim at tumingin ng masama kay Savienna, and I saw how her eyes change. That bloodlust again. I see, parang nagiging active ang kagustuhan niya sa pagpatay kapag may nakatingin ng masama sakanya.

She tossed the knife in the air kaya napatingin ako dun. "I don't like the stare that you have in there, sis."

"I told you to behave Savienna right? Bakit hindi mo sinunod?" Mariin kong sabi. She laughed a very creepy laugh.

"Hindi ako susunod sa isang katulad mo, you're just a normal citizen of this country. Just like what you wanted." Natatawa niyang sabi.

"Alam mo kasi Sabrina, sa panahon ngayon tanging matatalino at malalakas ang makakaligtas sa mundong to. Eh ikaw? Ano ganap mo? Umaasa ka lang kay Hellion." Natatawa niyang sabi. Nakaramdam ako ng mariing sakit sa sinabi niya, tama naman siya umaasa lang ako kay Saint.

Kung hindi dumadating si Saint tuwing nasa panganib ako ay sigurado akong wala na ako sa mundong to.

"Wala kang lugar sa mundong ito, ang katulad mong mahihina walang silbiㅡ" Hindi ko na narinig ang susunod na sasabihin ni Savienna ng maramdaman ko ang paglapat ng mga palad ni Saint sa magkabilang tenga ko.

He is covering my ears para hindi ko marinig ang mga sinasabi ni Savienna. Napatingin ako kay Savienna at nakita ko ang ngisi sa mukha niya, na parang sinasabi na tama siya sa lahat ng sinabi niya.

Umalis si Savienna at iniwan kaming dalawa ni Saint kasama ng mga sugatan naming kasambahay. Napatingin ako kay Saint at bahagyang ngumiti.

"Huwag kang maniwala sa sinasabi niya." He said,  and cupped my face with his hands. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis iyon sa mukha ko.

Napailing-iling nalang ako. "Totoo naman, Saint. Nagsasabi naman siya ng totoo."

"Just don't mind what she just said okay? She is just being crazy." Saad naman ni Saint.

Napatango nalang ako sakanya, at pinuntahan ang mga kasambahay na sugatan at tinulungan ko sila sa pagtayo. Kung pwede lang sanang burahin ko ang mga sinabi ni Savienna pero hindi ko magawa.

Lahat ng iyon ay totoo. Lagi nalang akong umaasa kay Saint, at ayokong dumating ang panahon na dun pa ako kikilos kapag wala na si Saint. I need to learn too. I need to protect myself dahil hindi sa lahat ng oras andyan si Saint.

I've been thinking a lot of this. Alam kong hindi papayag si Saint pero para rin naman to sa makakabuti ko. And I need to learn, gusto kong nalaman kung hanggang saan ang kaya ko.

I want to join the underground school.

---
a/n:
balakajan sabrina.

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now