chapter 20

109 7 1
                                    

Nanatili akong nakatitig kay Saint, akala ko ay tatakbo sa takot ang mga lalakeng kumuha sakin pero nagulat ako ng bigla silang napaluhod at napaiyak.

"Hellion, pasensya kana. Pakawalan mo na kami, hindi naman namin alam na pagmamay-ari mo ang babae na iyan.." ang kaninang nakangiting si Pancho ay nanginginig na ang mga tuhod dahil sa takot kay Saint.

Sino ang hindi matatakot sa anyo niya ngayon? Akala ko kaya niya tinatago ang kaliwang mata niya dahil may scar siya dun oh kahit ano pero mali ako. Mas hindi ko inaasahan ang nakita ko. Saint has different eye colors in each eye.

Ang right eye niya ay brown habang ang sa left eye niya ay kulay pula. Hindi ko mapaliwanag kung bakit pula ang nasa kabila niyang mata.

"Oh? I thought you are Hellion?" Nakangising tanong ni Saint at agad akong kinilabutan, hindi ako sanay na makita ang mukha niyang walang kahit anong takip. Pero kahit ganun...mas naging gwapo siya.

Mas nagustuhan ko ang mukha niyang walang takip, kesa meron. Hindi ako makapaniwala na nagtatago ang isa pang katauhan ni Saint sa likod ng eyepatch nayun.

"Hellion hindi namin sinasadya, pakawalan mo na kami..." umiiyak na sambit ng isa sa apat na nakaluhod sa sahig. Kahit ang taong binalian ko ng leeg ay napaluhod narin sa harap ni Saint.

By the looks of it, kitang-kita ko ang takot sa mga mata ng limang lalakeng kanina ay sobrang tapang pa. Saint looked at them with no mercy.

"Who touched Klea?" Tanong ni Saint. Nanginginig na itinaas ng lalakeng binalian ko ang leeg ang kanyang kamay.

Nag-igting ang panga ni Saint at nagulat ako ng biglang nagsilabasan ang mga taong nakaitim. Men in black? Napatingin sila kay Saint at isang tango lang ni Saint ay agad silang tumakbo lahat sa mga lalake and injected something in their neck na nakapag-patulog sakanila.

Naglakad si Saint papalapit saakin at hindi ko maiwasang mamangha sa mga mata niya. They look so beautiful, kahit kailan hindi ako nakakita ng ganyang klaseng mga mata sa buong buhay ko.

Bigla niya akong niyakap at nagulat ako sa ginawa niya. Narinig ko ang pagkasira ng posas na nasa mga kamay ko. Holy shit, nagawa niyang sirain ang posas nayun with his bare hands? He is freaking strong!

"I'm sorry baby, I failed to protect you this time." Mahina niyang bulong sa tenga ko habang nakayakap parin saakin.

Nakaramdam ako ng panghihina ng buong katawan ko ng yakapin ako ni Saint. Doon ko naramdaman na kanina pa pala mahapdi ang sugat ko sa labi, at ang sakit na pala ng paa ko.

Humiwalay siya ng yakap saakin at nakita kong hinubad niya ang suot niyang long sleeves at sinuot iyon sakin, laking pasalamat ko ng may suot pa siyang t-shirt.sa loob. Napangiti ako sa ginawa niya. Pagkatapos niyang isuot iyon sakin ay bigla biya akong binuhat.

"Saint! Ibaba mo ako!" Sabi ko sakanya at nagpupumiglas, nakakahiya andito pa naman ang mga kasama niya.

"Nope, baby. You should rest, tsaka napakalayo natin sa mansyon, mahigit isang oras pa ang byahe." Isang oras? Kung ganun malayo pala talaga ang lugar na pinagdalhan ako ng mga hayop nayun.

May kinuha si Saint sa bulsa niya at nakita kong susi iyon ng sasakyan, hinagis niya ito papunta sa isang tao at biglang nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino yun.

"Pierce?!" Pierce just frowned at me.

"I suggest you should not call him that weird name, he is Ignatius but we call him Midnight." Napatango ako sa sinabi ni Saint.

Pumasok kaming pareho sa isang van at si PierceㅡI mean Ignatius naman ay pumasok sa driver's seat. Napatingin ako kay Saint at diretso lang ang tingin niya sa harap na parang ang lalim ng iniisip niya.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang nagsalita si Saint.

"Baby?" He called.

"Hmm?" He smiled because of my response.

"Are you not afraid of me? Now you know kung sino talaga ako...ngayon alam mo na kung ano ang tinatago ko. I can be ruthless when it's needed, are you not afraid?" Tanong niya. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niyang magkaibang kulay.

"Listen Saint, kahit ano pa ang mga tinatago mo. Even your darkest ones, i trust you Saint. Alam kong hindi mo ako sasaktan." Napangiti siya sa sinabi ko.

"Baby?" Tawag niya ulit.

"What?" Naiirita kong sagot tawag ng tawag eh kung sabihin niya nalang ng diretsahan?

"Do you like me now?" Agad nanuyo ang lalamunan ko dahil sa tanong ni Saint. Hindi ako sigurado kung gusto ko si Saint.

Dahil alam ko sa sarili ko na si Psalm ang nagugustuhan ko ngayon. Psalm is really a nice guy at hindi siya mahirap magustuhan. Halos nasakanya na ang lahat. He is near to be perfect. At mahirap siyang alisin sa sistema ko dahil siya ang unang taong nagparamdam sakin na espesyal ako.

Siya rin ang naglakas loob na kausapin ako kahit hindi naman kami close. And for Saint? It's very difficult when it comes to Saint. Mahirap siyang magustuhan kasi napakarami niya pang dapat gawin. He has many flaws but some of them are already revealed. But Saint was never been good to me, except for now.

Naging iba na ang kinikilos niya. Ni hindi niya ako kinakausap noong mga bata pa kami hanggang naginf teenagers kami. Pero ngayong almost adult na kami ay halos lahat ng atensyon niya ay nakatuon na saakin. Hindi siya ganito noon.

I looked at his eyes again, and I saw the sadness that is creeping inside them. "Hindi pa ba? I guess I have to work harder." Mahina niyang sabi at isinandal ang ulo niya sa back rest.

"Saint?" Tawag ko sakanya.

"Yes, baby?"

Inipon ko ang lahat ng lakas ko at nagsalita. "Do you like me?" He was stunned because of my question pero agad rin naman siyang nabalik sa normal. Tumagilid siya at tumingin sakin ng diretso.

"What do you think? Gusto ba kita?" He fired the question back at me.

"Ewan ko sa'yo. Nagiging weird kana these past few days saakin, eh hindi ka naman ganito sakin noon. Nangyayakap kana, nanghahalik tapos kinakausap mo na ako halos araw-araw..." i paused. "Na hindi mo naman karaniwang ginagawa noon, dahil nagagalit ka palagi sakin noon."

"And base on my actions, what can you tell Klea? Do I like you?" He asked again. This man! Alam na alam niya talaga kung pano magpa-ikot ng usapan!

"Yes?" Hindi sigurado kong sabi. Napangiti siya sa sinabi ko.

"Bakit parang hindi ka sigurado?" Pang-iinis niya pa sakin. I rolled my eyes at him.

"Hindi ko naman damdamin ang damdamin mo kaya pano ako makakasiguro na gusto mo ako?" Naiinis kong sabi. Napakagulo talaga kausap ng lalakeng to.

"It's a yes, Klea. Yes, I like you more than much."

---
A/N:

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now