chapter 52

63 5 0
                                    

Pagkatapos ng eksena sa opisina ni Deus ay umuwi na sina Peirce at Savienna, ang sabi ni Savienna ay para lang naman daw akong nasa normal na boarding school pero kakaiba ang pagtuturo. Hinatid narin ako ng School President sa dorm ko.

Medyo namangha pa nga ako sa laki ng dorm dito, mas malaki pato sa kwarto ko sa mansyon nila Saint. At sa bahay ni Manzo, kasi may sariling comfort room, kitchen, bedroom at sala ito. Parang apartment na.

Napatingin ako sa pader at nakita ko ang uniform ma nakasabit dun. Tatlong uniform ang nandun, isang school uniform na may black na blazer, puting long sleeves na blouse, red neck tie at isang skirt na black at may white na linya sa dulo. Ang isa naman ay parang gym uniform na kakaiba, at ang isa ay parang combat uniform.

Inexplain na ng School President saakin kung para saan yon.

Dahil bored ako ay naisipan kong magikot-ikot nalang sa buong paligid ng school. Nag suot ako ng hoodie at nilock ang dorm ko at nagsimula ng maglakad. Medyo madilim narin at lumalamig na.

Hindi ko mapagilang mapa nganga sa lawak ng skwelahan na to, saan nila kinuha ang pondo para ipagawa to? Na hindi naman ito under sa gobyerno ng Pilipinas.

Siguro napakayaman ng mga taong may shares sa skwelahan nato. They made it perfectly for students na aspiring maging mafias.

"Tulong!!!!" Napatingin ako sa direksyon kung saan may biglang sumigaw. Nagulat ako dahil sa sigaw nayun.

Dahil sa taranta ay agad akong napapunta sa kinaroroonan ng ingay. Didiretso na sana ako ng makakita ako ng isang babaeng, pinaliligiran ng parang mga bitchy squad. Agad akong nagtago sa gilid ng pader at pinakinggan sila.

"Listen Maureen, wala lang lugar sa school nato. Maybe you bribed the headmaster para lang makapasok dito!" Mataray na saad ng isa. Oh, god. Are we really getting this?

"Stacey mali ang sinasabi mo! My Dad is a mafia at gusto niyang mapag-aralan ko rin ang pagiging mafia!" Pag laban ng babaeng tinatawag nilang Maureen.

"Oh right? You a weakling? Being a mafia! Come on! You are making me laugh!" Matinis parin ang boses ng babaeng tinawag naman ni Mauren na Stacey. Napahinga nalang ako ng malalim, wala naman akong magagawa. Problema na nila yan, ayokong makigulo.

Aalis na sana ako sa pinagtataguan ko ng may biglang magsalita.

"Aalis ka? Hindi mo sila tutulungan?" Agad nanindig ang mga balahibo ko ng makilala ko ang boses nayun.

Agad akong napalingon sa nagsalita at agad akong kinabahan. No...why is he here?

"Hi, Sabrina...you can't just leave me like that. Hindi ako papayag."

"P-Psalm?" He smiled. He brushed his curly haur using his fingers at ngumiti ulit saakin.

"Akalain mo yun? Dito pa tayo magkikita?" He joked.

"Bakit ka anditoㅡI mean, paano ka nakapasok dito?" He raised his one brow at me.

"Is that question really for me Sab? Diba dapat ako ang magtanong sayo nyan? Bakit ka andito? Anong pakay mo?"

No. I can't tell him, I can't just tell him my plan of getting rid of his father. Ama niya ang pumatay kay Saint, at ayokong malaman niya yun at masira lang ang plano ko.

"My sister works here." Agad kong sabi.

"Really? you mean your twin?" He asked, at agad akong tumango sakanya.

"Sab. As fas as I know, Savienna is one of the best student here. She is an assassin and a serial killer, so hindi siya pwedeng magtrabaho dito as a faculty member." Seryoso niyang saad. Agad akong kinabahan, I really can't trust him.

I opened my mouth and about to say something ng biglang sumigaw si Maureen, napalingon ako sa kinaroroonan nila at nakita kong sinasabunutan na ni Stacey si Maureen. Agad naman akong naalerto at susugod na sana ng pinigilan ako ni Psalm.

Tahimik lang siyang naglakad papunta sakanila habang ako ay nakatayo lang kung saan niya ako pinigilan.

Napatingin sila kay Psalm at nakita ko ang takot at pangamba sa mga mukha nila. Hindi pa nagsasalita si Psalm ay agad na silang kumaripas ng takbo.

Psalm, who are you?

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now