chapter 18

101 8 1
                                    


Nang uwian na ay dumiretso ako sa parking lot at laking gulat ko ng mapansing wala na ang kotse ni Saint sa parking lot. Agad akong nakaramdam ng kaba, paano naman ako uuwi nito?

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Saint, nakakainis talaga siya. Kanina ang weird niya tapos iiwan niya na ako? Nakalimutan niya bang may kasama pa siya?

To: Saint
Saint! Asan ka? Nakalimutan mo ata na may kasama ka?

Ilang minuto rin ang lumipas ay agad siyang nag-reply at agad namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

From: Saint
Pasundo ka kay Ate Mary may date ako.

What the actual fuck, Saint Angelous?! Uunahin mo ang date mong yan kesa ihatid ako pauwi? Eh kung hinintay mo nalang ako? Madali lang naman akong i-drop sa bahay nyo!

Ugh! Nababaliw na ata siya! Nasa trabaho si Ate Mary at sigurado ako na busy siya! Doctor siya ano sa tingin ni Saint ang trabaho ni Ate Mary? Pa chill chill lang? Nakakainis. Nas-stress ako isipin to.

Agad kong di-nial ang number ni Ate Mary and luckily she answered.

"Yes, Baby Sab?" Napatingin ako sa paligid at nakita kong nagdidilim na at halos wala ng tao sa parking lot ng school.

"Ate Mary, sunduin mo naman ako sa school. Iniwan ako ni Saint eh kasi may date pa daw siya..." I said. Napansin kong konti nalang ang mga estudyante na dumadaan. Takte naman oh, parang maaabutan pa ako ng gabi dito.

"Sorry, Baby Sab. May schedule akong operation ngayong 7PM. Hindi ko kakayin makaabot diyan in just 20 minutes." Sabi niya, napatingin ako sa wristwatch ko, six-forty na pala.

"Ah, sige magc-commute nalang ako." Sabi ko.

"Okay, Baby Sab. Take care." Ate Mary said and ended the call. Napatingin ako sa paligid, napangiti ako ng makita ko si Pierce na naglalakad palabas ng school.

Lumapit ako sakanya at sinundot ang balikat niya. Napatingin siya saakin kaya agad niyang inalis sa tenga niya ang earphones niya.

"What?" Wew. Mas cold pa pala ang taong ito kesa kay Saint!

"Pwede pakuha ng cab? Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng cab." Napahinga siya ng malalim at tumango.

"Thankyou." I said at tumango lang siya, agad naman siyang naglakad kaya agad ko naman siyang sinundan.

Huminto siya sa isang canopy kaya napahinto narin ako. May kinausap siyang isang lalake at nakita kong napatingin ito saakin ng sandali at bumalik naman ang atensyon niya kay Pierce.

Pierce pressed some buttons on his phone at maya-maya ay may humintong cab sa harap namin. He then looked at me at napangiti ako. Mabait naman pala siya, akala ko masungit.

"Thankyou ulit." He just nodded at naglakad na palayo.

Pumasok na ako sa loob ng cab, first time kong mag commute kaya medyo kinakabahan ako. But I trust the driver naman, alam ko namang safe ako. Tsaka don't he dare na saktan ako, I know self defense kaya siya ang kawawa saming dalawa kapag may ginawa siyang mali.

"San tayo, Maam?" The driver asked.

"Ahm, sa Luxury Village kuya." Napatango ang druver sa sinabi ko at agad nag maneho.

Habang nag mamaneho ay pansin ko ang pabalik balik na tingin ng driver saakin sa rear view mirror niya. I know this kind of look, at dahil alerted ako sa nangyayari ay agad kong tinext si Saint.

To: Saint
Track my location if 7:30PM ay wala pa ako sa bahay.

Pagkatapos kong masent yun ay nilagay ko na ang cellphone ko sa bag at kinapa ang medyas ko kung andun ba ang tracking device na nilagay ni Saint. Napahinga ako ng maluwag.

I looked around the cab at napangiti ako ng makita ko ang ID ng driver. I memorized it's ID number at ang contact number agency kung saan ito nagt-trabaho.

Pero bago pa ako makatingin sa labas ng taxi ay napansin ko ang unti-unti kong pagkahilo. Napatingin ako sa driver at bago ako mawalan ng malay ay ang malapad niyang ngiti ang nakita ko.

Saint, please be quick.

---
A/N:

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now