chapter 13

109 8 1
                                    

Hindi ako mapigil sa kakatawa dahil pagkatapos namin sumakay sa roller coaster ay nakita ko kung pano nag-iba ang kulay ng mukha ni Psalm. Hindi ko alam na matatakutin pala siya sa rides. Edi, hindi ko nalang sana siya inaya mag rides.

"Okay kana ba?" Tanong ko kay Psalm at nag thumbs up naman siya saakin habang umiinom ng tubig.

He smiled at me. Medyo kumalma na ang paghinga niya kaya napangiti narin ako. He's willing to face his fears just to be with me. How can I unlike Psalm?

"May gusto kapang sakyan?" Tanong niya, agad naman akong umiling.

"Wala na, baka mahilo ka naman." I said and laughed. "Inaasar mo talaga ako ha?" Natatawa niya ring sabi.

"Your reaction was so epic, Psalm!" Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin saakin, this is the same shine I saw with Saint's eyes, but Psalm's never fades.

I roamed my eyes around and saw a claw machine. "There! Kunan mo ako ng teddy bear diyan!" Nakangiti kong sabi.

Naglakad kami papunta roon, Psalm brought many tokens at nahulog ng isa. "San diyan gusto mo?" Tanong niya.

"Yun! Yung pink na baboy." Nakangiti kong sabi, he nodded.

He aimed for the pink pig pero hindi niya nakuha. Napatawa nalang ako kay Psalm, he tried again and failed. Nakita kong desidido talaga siyang kunin ang pink na baboy nayon.

So we spend the whole morning in that claw machine hanggang sa tumunog na ang tiyan ko. Napatingin siya saakin na nakataas ang dalawang kilay, halatang nagulat siya.

"I'm sorry, hindi ko namalayan ang oras. Sorry, but hindi ko makuha eh. Mahirap." I tapped his back and nodded.

"Okay lang, kain nalang tayo gutom na kasi ako." I said and rubbed my tummy. He laughed at me and nodded.

"San tayo kakain?" He asked me.

"Hmm, sa mall nalang tayo kumain tapos nood tayo sine!" Nae-excite kong sabi, kahit once hindi pa talaga ako nakapasok sa isang cinema. Ayaw kasi ni Saint doon kasi marami daw makakakilala samin.

Kaya lulubos-lubusin ko na ang araw na to kung saan malaya akong gawin ang gusto ko. Today, I'll spend my whole day with Psalm.

"Alright." Psalm agreed at naglakad na kami palabas ng amusement park. I looked back at the amusement park.

I sighed. Kung hindi lang sana matatakutin si Psalm baka sinakyan ko na lahat ng rides diyan. Tsaka, gusto ko talaga mag-try ng ferris wheel. Next time nalang siguro babalik ako dito, kapag wala na akong problema kay Saint.

We arrived at the mall at napanganga ako sa rami ng tao. Noon kasi kapag pumupunta kami sa mall ni Saint, he will rent the whole place para walang maka-gambala samin. This is really my first time na lumabas ng bahay na walang kahit anong bawal.

Nagulat naman ako ng bigla akong hinawakan ni Psalm sa balikat ko, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kamay niya na nasa balikat ko.

"Kain na tayo, gutom narin ako." He said at sabay kaming naglakad patungo sa isang Italian Fastfood.

He ordered a lot. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa mga inorder niya. Mauubos ba namin to? Ang rami naman...

"Bakit ang rami?" Naguguluhan kong tanong, he chuckled and pinched my cheeks.

"Gutom naman tayo diba? Kaya 'yan." Nakangisi niyang sabi, dahil sa positivity niya ay tumango ako sakanya at sinimulan na ng kain.

I saw him sometimes stealing glance at me from time to time kaya napangiti nalang din ako at hindi ko maiwasang maisip na baka may gusto rin siya sakin. Nababasa ko 'to sa ibang nobela na binabasa ko...pero baka masyado lang akong assuming.

"Psalm, natapos ko na nga pala yung librong binigay mo." I said, at agad siyang nag angat ng tingin sakin.

"And? Any feedbacks?" He asked.

"It made me cry!" Malungkot kong sabi, naibaba niya ang hawak niyang kubyertos at napatingin saakin ng diretso.

"Is the book, good?" Tanong niya and I nodded.

"That's nice to hear, pero bakit ka umiyak?" He asked. "Hindi ko naman kasi alam na mamamatay si Gus.."

He just laughed at me and continued eating. Kumain nalang rin ako, I stared at Psalm in a while and realized gwapo rin pala siya. But not as attractive as Saint, pero gwapo rin naman si Psalm.

And why am i comparing Saint and Psalm's features? Bakit napadpad si Saint dito? I rolled my eyes again, bahala siya nagpapakasaya rin naman siya kasama ang girlfriend niya eh.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Nang matapos kami ay napahinga ako ng maluwag, busog na busog ako. I looked at Psalm at nakita ko rin sa mukha niya na busog na busog narin siya.

"Cinema na tayo?" He asked and I nodded.

We left the fastfood at nakangiti lang ako habang nakatitig kay Psalm. He's an ideal and I know it.

Nakatitig lang ako sa mga showing habang si Psalm ay naghihintay sa desisyon ko. Ano ba magandang panoorin? Hindi naman siguro magagalit si Psalm kung pipiilin ko yung cartoons diba?

"Psalm, How To Train Your Dragon 3 nalang." Psalm looked at me for a bit and nodded. He paid for the tickets at sabay na kaming pumasok sa loob.

Napanood ko na ang 1 tsaka 2 neto, dahil binilhan ako ni Ate Mary ng DVD's noon. And this is my first time on cinema, at manghang-mangha ako sa laki ng screen sa harapan namin.

I hope, sa susunod si Ate Mary na kasama ko.

---

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Место, где живут истории. Откройте их для себя