chapter 45

60 3 1
                                    

Nang umalis na ang chopper na sinasakyan ni Saint ay agad kong pinahid ang luha sa mata ko at bumalik na sa loob ng mansyon ni Saint. Ng makababa ako ay nakita ko si Ate Mary na seryosong nakatitig sa kawalan sa may sala. Walang ingay ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya.

Napatingin siya saakin at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. She is also worried for Saint, alam kong kahit saang banda tingnan ay nanganganib talaga ang buhay ni Saint.

"Sab..I'm worried for Saint. I know he is capable of what he's doing but...napakarami niyang kalaban.." malumanay na sabi ni Ate Mary.

"I am worried for Saint too, Ate. Alam ko namang malakas siya, pero...sa rami ng kalaban niya?" Kinakabahan kong sabi, narinig ko ang paghikbi ni Ate Mary kaya agad ko siyang niyakap.

This is the first time I saw Ate Mary broke down. She is usually so cheerful at palaging nagpapangiti sa mga taong nakapaligid sakanya.

"Ayokong magalit sayo Sabrina, pero hindi ko mapigilang isipin na dahil sayo ay mapapahamak si Saint...just to save you..." Hindi ako nakagalaw sa sinabi ni Ate Mary, kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at tumingin ng diretso saakin.

"You are like a family to me, pero hindi ko kayang mawala si Saint, Sabrina. Siya. nalang ang natitira sakin.." She said while continued crying. Hindi ako nakasagot, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

A big part of her words are telling the truth, pero hindi naman ata tama na ako ang sisihin niya sa ginawa ni Saint. I didn't forced him to go in that battle. I even suggested to come with him, pero hindi siya pumayag. That's his choice. Not mine.

"Trust me Ate Mary, Saint will be safe. Sinabi niya saaking babalik pa siya, and Saint never broke any promises that he ever made to me. Not even once." I said. Ngumiti ng tipid si Ate Mary saakin at napatango.

Tumayo si Ate Mary at nagpaalam na at pumasok na sa loob ng kwarto niya. Nanatili muna ako sa sala at huminga ng malalim. Hindi ko namalayan na inaantok na pala ako at napag-desisyunan ko nalang na sa sala na matulog..
--
Kinabukasan ay nagising nalang ako ng nasa kwarto ko na ako nakahiga. Kwarto ko? Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Savienna na nakatitig lang saakin.

"Savienna? Bakit ka andito?" Tanong ko sakanya.

"Sab, please don't go outside. Just pretend you're still asleep." Agad nangunot ang noo ko sa sinabi ni Savienna.

"Ha? Bakit?"

"Just don't please." Nakaramdam ako ng unti-unting kaba sa dibdib ko. Bakit ayaw niya akong palabasin? Humakbang ako papalapit sa pintuan at agad naman akong pinigilan ni Savienna.

What is happening? "Palabasin mo ako, Savienna." Malumanay kong sabi.

"No, Sab. Huwag ka ng umangal please, ayokong masaktan ka..." Masaktan? Bakit? Ano bang meron sa labas? Are we being ambushed?

"Palabasin mo ako Savienna!" Sigaw ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa balikat ko at ilang beses pang umiling saakin.

"Ano ba! Bakit mo ba ginagawa to?!" Hindi ko na natiis at napagtaasan ko na siya ng boses. Huminga siya ng malalim at napatingin saakin.

"Para rin to sayo, hindi mo gugustuhin ang nasa labas." Mahina sabi, alam kong pwede akong ihambalos ni Savienna kahit anong oras pero hindi na ako nag dalawang isip at agad ko siyang tinulak paalis sa dinaraanan ko.

Nang nawalan siya ng balanse ay agad akong tumakbo palabas at nakarinig naman ako ng iilang boses mula sa baba.

"I swear Sudalga wala dito si Miss Lacsamana, sa pagkakaalam ko ay dinala na siya ni Hellion kung saan." I heard Pierce. Sudalga? Andito siya? Bakit?

"I will not believe your words Ignatius. Give me the heiress, I won remember?" He won? Kung ganon...oh my god. Saint!

Hindi ko namalayan na nakababa na pala ako at kitang-kita ko si Pierce at isang matandang lalake na nag-uusap sa sala. Napatingin sila sa gawi ko at nakita ko ang panlalaki ng mata ni Pierce.

"Asan si Saint?" Bungad kong tanong sakanila. Wala ni isang sumagot sakanila kaya agad na nangilid ang luha sa gilid ng mata ko.

"Pierce? Asan si Saint? Pauwi naba siya?" I asked him while tears flowing from my eyes. Huminga malalim si Pierce at napatingin kay Sudalga at may binulong dito. Napatango naman ang matanda at napatingin rin saakin.

Naglakad palapit si Pierce saakin. "I'm sorry Sabrina..." Agad na nanghina ang mga tuhod ko. No...No...It can't be.

"Hindi na nakaya ni Hellion ang rami ng kalaban kagabi, they are armored at may mga baril silang dala. I want to help him, I badly want to help him but he said he can do it. For you." Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Pierce, napahikbi nalang ako sa sinabi ni Pierce.

"Hindi niya inakala na may armas silang dala. Pero malakas parin ang loob ni Hellion at lumaban siya, he got shot. Ten times." Nanlumo ako sa narinig ko, panaginip ba to? Let me wake up please. Please...wake me up... Saint is strong he can't be gone.

"His body cannot take the damage, so he collapsed. Ginamot naman siya sa mga doctor na naroon sa underground. But..." No! NO! Saint why did you do this? Akala ko ba tuturuan ko pa ako? You promised me you'll come back! You promised me!

"Saint is gone, Sabrina...his body will come after an hour." Napailing-iling ako at naglakad paatras. No. I won't ever believe it, he said he will comeback he promised me! Hindi niya ako iiwan ng ganito lang.

"Hindi Pierce, ang sabi niya babalik siya. Lilipat pa nga kami sa Antique diba? We will do a lot of beautiful things in the future, he can't be gone this early. Please, Pierce tell me this is just a prank..." Pagmamakaawa ko kay Pierce. Napaiwas nalang siya ng tingin saakin.

"I'm sorry, Sabrina. But, Saint is really gone."
--
😢💔

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Kde žijí příběhy. Začni objevovat