Chapter 46

22.4K 419 14
                                    

3 DAYS has passed. I feel a lot better now. Kakatapos ko nga lang mag shower. Maganda na ang pakiramdam ko, buti nalang umalis si Zach kasama yung kapatid niya. I think tuturuan niya 'yon sa company. In the passed few days siya nag dadala sa'kin ng pagkain dito. She's kind naman. Maarte nga lang dahil laki sa ibang bansa pero okay naman kami. Alam ko na nabu-bwiset na si Zach dahil siya hindi ko pinapapasok dito. Safety first, sakitin sila ni Zamiel.

Nag-bihis na ako. Balik trabaho na ko ngayon. Sinabihan nga ko ni Zach na tumigil na ko sa work. He will sustain nalang daw yung mga needs ng family ko. But I refuse, wala pa kaming isang buwan. Saka, hindi niya obligasyon yung sa pamilya ko. Mahirap din kasi di ko alam yung takbo ng utak ng nanay ko. Sigurado ako, malandi na naman ang tingin non sakin lalo na naging boyfriend ko yung boss ko.

After ko magbihis, inayos ko ang buhok ko. I messy bun it. Pumunta na ko sa pinto at binuksan 'yon.

"You're finally out, Ugly Graycie." Zamiel said while standing there.

"Hey there! Dala dala mo pa talaga yung teddy bear na bigay ko a, you really missed me huh?" Sumama ang tingin nito sa'kin.

"Did I say that? No! I'm mad at you! Ang unfair mo dahil di mo ko pinapasok sa room mo." Tumawa ako. Miss niya nga ko.

"Oo na, miss din kita! Come here! Ugly Graycie will give you a power hug!" Lumuhod ako para maging kapantay ko siya at yumakap.

"L-Let me g-go! D-Don't ruin m-my hair! Tsk!" Naka-ngiti akong kumalas sa pagkakayakap. He's too cute.

"Tara sa kitchen. I will make you a breakfast." Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa kitchen.

Nang makarating kami sa kitchen, umupo siya sa may tapat ng counter. Kumuha ko ng mga ingredients sa ref ng lulutuin ko. I decided to cook fried rice with tocino nalang. You know Zamiel, he's okay with it basta luto ko. Pinainit ko ang pan sa electric stove.

"Graycie! Magaling ka na ba?" Tanong ni Chelsea nang makarating siya sa gawi ko.

"Oo naman. Maayos na pakiramdam ko." Naka-ngiting sabi ko.

"Ay, andito pala si young master. Good morning." Tiningnan ko si Zamiel. Wala siyang pakialam sa sinabi ni Chelsea.

"Get lost." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Naku, may sumpong? Aalis na nga ako. Mamaya nalang ulit Graycie, masaya ko na magaling ka na." Naka-ngiti nitong sabi.

"Salamat." Nag wave ako sa kanya.

"That's rude young master. She's older than you." Sabi ko.

"I don't care." Walang ganang sagot nito.

"I know you're nice to me. Sana sa iba ay ganoon ka din young master. Be nice to everyone here." Ngumuso ito.

"Tsk! Fine, I will do that because you told me!" Ngumiti ako.

"Good boy." Nakangiti kong sabi.

Nang maluto ang pagkain ay hinainan ko na siya. Ako? Coffee lang. Nakaka tamad kumain sa umaga. Hinintay ko lang si Zamiel matapos kumain. Nang matapos siya hinugasan ko ang pinag kainan niya.

"Ugly Graycie, gusto ko mag mall." Sabi niya sakin.

"Need ko pang magpa alam sa dad mo. Alam mo naman delikado sa labas." Tumango siya.

Pinunasan ko ang kamay ko para matuyo. I dialed Zach's number but the line is busy. I think nasa meeting siya or pinapagalitan na naman niya si Sammirah.

"He's not answering?" Tanong ni Zamiel.

"Busy yung line. Don't worry, text ko nalang. Wala naman siyang magagawa kapag nasa mall na tayo. But we need to face the consequences after. Sure akong magagalit yon." Sabi ko.

"It's okay. I will get ready." Tumango ako. Umalis siya sa kinau-upuan at tumungo sa second floor.

Nag text nalang ako kay Zach. Para alam niya na aalis kami. Lalong magagalit 'yon kapag 'di ako nag paalam. Dala ko pa anak niya. Mag papa-hatid nalang kami kay Mang Bert. Alam kong sobrang bored na ni Zamiel dahil since the accident hindi na siya naka-labas.

Nag ready na ako, nag hanap ako ng pwede kong masuot. Kinuha ko ang black over size hoodie ko. May three fourths din ako na cycling. Uso tong porma ngayon. Nag bihis na ko sa bathroom. After kumuha ako ng white socks na medyo mahaba at white shoes. Nag apply din ako ng light make up para di naman ako mukhang zombie. Kinuha ko din ang maliit kong purse para lalagyan ng cellphone at wallet.

"Aba! May lakad ka?" Bungad ni Chelsea na may dalang basket ng labahan.

"Nag aaya si young master lumabas. Saglit lang kami, ikaw muna bahala dito." Tumango naman ito.

"Hays, gusto ko di'ng mag gala. Next time sama mo ko." Sabi nito.

"Oo naman! Ikaw pa, I will treat you next time." Ngumiti ito.

"Sige na, ang dami kong lalabahan ngayon. Pakasaya kayo ng future step son mo." Tumawa lang ako at tumungo na sa labas ng mansion.

"Andito ka na pala young master. Let's go?" Tumango siya.

"Mang Bert, pahatid ho kami sa mall." Sabi ko at sumakay kami sa backseat ng kotse.

"Anong gusto mo gawin sa mall young master?" Tanong ko.

"Nothing. Ang boring na kasi dito  Lalo na kapag andyan si Aunt Sammirah. She's too loud and I hate that!" Napatawa ako.

"Akala ko close na kayo?" Tumingin siya sakin.

"Close? No! Even she's my dad sister, I don't like her. She's so noisy!" Inis na sabi nito.

"She's kind naman. Try mo kasi siyang kilalanin, she's your aunt after all." Naka-ngiting sabi ko.

"Tsk!" Palatak niya.

Tumahimik nalang ako. Baka mainis pa siya at sumpungin. Mag mall pa naman kami. After mga 30 minutes nakarating na kami sa mall. Bumaba kami ng kotse.

"Mag text nalang ho ako kapag mag papa sundo na kami, Mang Bert." Paalala ko. Ang hirap naman if mag aantay pa siya sa'min.

"O sige hija, mag iingat kayo ni young master." Tumango ako at nag paalam na siya.

"Let's get inside." Inalok ko ang kamay ko sa kanya. Agad naman niya yon tinanggap.

Sana lang di siya maiinip. Aba, siya nag aya pumunta dito. Lagot talaga kami kay Zach nito mamaya. Wala pa din akong natatanggap na reply sa kanya. Busy siguro. Bahala na mamaya pag uwi.




Cut! End of chapter 46. Kindly leave a comment and vote. Happy reading!

Babysitting The Ceo Son (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang