Chapter 43

21.5K 440 20
                                    

BUMABA ako ng cab nang makarating ako kung nasaan ang club. Ang daming tao sa labas. Hindi ako party person kaya di ko alam kung ano meron dito. May kumaway sa'kin at tinanaw ko yon. Kasama niya si Ceejay na halos di na makalakad sa sobrang kalasingan.

"You're Ma'am Graycie?" Tanong ng bartender.

"Yes. What happened to him?" May cut kasi sa may labi at malapit sa mata si Ceejay.

"Nakipag-bugbugan sa loob kanina. I'm glad that you're here to pick him up. Ka-ano ano niyo po siya?" Tanong nito.

"Brother in law. Ikaw mag-buhat sa kanya habang isinasakay sa cab." Tumango ito at pumunta kami sa cab na sinakyan ko.

"Salamat po ma'am." Tumango lang ako don sa bartender. Nasa back seat si Ceejay at ako nasa passenger seat.

"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng driver.

"Ituturo ko ho ang daan." Sagot ko.

Paano siya nakarating sa bar na yon? Ang layo nito sa bahay. Ako pa naabala. Biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Zach. Ito na nga ang sinasabi ko. Ano sasabihin ko dito. Pahamak kasi tong Ceejay na to!

"Z-Zach! Napatawag ka."

"Where are you?"

"May binili lang ako sa convenient store. Babalik din ako. Di na ko nakapag paalam at ang sarap ng tulog mo kanina."

"Really? Convenient store?"

"Yes. Wala naman akong ibang pupuntahan. Don't worry. Pauwi na rin ako."

"Alright. Call me if you home already."

Hindi na ko nakasagot dahil binabaan niya ako agad. Ang seryoso niya. I think he's upset. Babawi nalang ako sa kanya bukas. Almost isang oras ang byahe. Mga 9 pm na kami nakarating sa village ng bahay. Ipinatigil ko ang cab sa tapat ng bahay. Sarado ang pinto at sigurado akong tulog na ang mga tao dito. Bumaba ako sa cab at binuksan ang car door ng backseat.

"Ceejay. Gumising ka dyan at nasa bahay ka na." Bahagya ko siyang tinapik sa balikat. Minulat niya ang mga mata at tumingin sakin.

"G-Graycie? I-Ikaw ba 'yan?" I rolled my eyes. Nabu-bwiset ako tuwing nakikita ko siya.

"Yeah. Ayusin mo na nag sarili mo at pumasok sa loob! Inistorbo mo ko, dalian mo dyan!" Inis na sabi ko.

"S-Sabi ko na d-dadating ka. I- I missed you Graycie." Nagulat ako ng yumakap siya sakin. Gross. Agad ko siyang tinulak.

"What the fuck?! Come to your senses Ceejay! Don't fucking touch me if you don't want to get hurt!" Galit na sabi ko.

"I know na mali ako G-Graycie, nagsisisi ako na niloko kita. N-Nitong m-mga n-nakaraang araw. N-Na-realized ko na i-ikaw pa din ang mahal ko. Mahal k--" Malakas ko siyang sinampal. Well, he deserved it.

"Mahal?! Gago ka ba?! Pagkatapos mong buntisin ang kapatid ko ganyan ang sasabihin mo?! Fuck you! Hindi pagmamahal yan Ceejay, konsensya mo lang yan! Kung ako sayo, umayos ka! Don't fucking bothered me again!" Tatalikod na sana ako ng hilahin niya ko at halikan sa labi. Shit!

Malakas ko siyang itinulak at sinapak sa mukha. Pinunasan ko ang labi ko na hinalikan niya. This fucking bastard!

"A-Ate?" Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Gabi na nasa gate. Andoon din si nanay.

"Walanghiya ka! Inaakit mo ba si Ceejay?! Wala ka na talagang ginawang matino sa buhay namin!" Agad akong naka-tanggap kay nanay ng malakas na sampal at sabunot. Sakit.

"Ako pa talaga?! Bakit hindi niyo tanungin yang lalaking 'yan kung sino ang na-una?! Alamin niyo muna ang dahilan. Wala akong pakialam kay Ceejay! Hindi ko siya nilalandi dahil hindi ko gagawin ang ginawa ni Gabi sa'kin!" Nalasahan ko ang dugo sa labi ko.

"Sinasabi mo ba na malandi ang kapatid mo?! Wala ka talagang kwenta!" Inambahan na naman ako ni nanay ng kamay. Pinigilan yon ni Gabi at pumagitna sa'min.

"T-Tama n-na nay.. tama s-si ate, ako naman talaga ang may kasalanan. N-Nag away k-kami n-ni Ceejay. Labas si ate doon nay, wag ka na magalit." Pigil niya kay nanay.

"Sinabihan ka niyang malandi! Wala talagang modo yang ate mo!" Sigaw ni nanay.

"Ikaw nga sinabihan mo din akong malandi 'nay! Nag reklamo ba ko?! Hindi di'ba?! Napaka unfair niyo! Huwag na huwag niyo nang palalapitin sa'kin si Ceejay! Kung hindi ko 'yan dinala dito. Nasa kulungan na 'yan ngayon! Ayusin niyo buhay niyo!" Tinalikuran ko sila at umalis.

Isinuot ko ang hoodie ng jacket ko ng may pumatak na tubig mula sa langit. Uulan pa nga. Great! Maling desisyon talaga na sinundo ko yung hayop na 'yon. Gago niya, mag-toothbrush ako ng sampung beses mamaya. Need ko ng bumalik sa mansion. Alam kong badtrip si Zach ngayon. Di ko din alam kung paano ko ipapaliwanag pag nakita niya na may sugat ako sa labi. Biglang may humila sa'kin na ikinagulat ko.

"You're lying again Graycie." Nagulat ako ng makita ko si Zach. Did he saw what happened? I'm dead.

"Z-Zach, I-I can explain.. please.. listen to me." Sa ekspresyon ng mukha niya, alam kong may nakita siya kanina. Don't misunderstood it.

"Why are you lying again?! Pwede mo naman sabihin sakin ang totoo! Am I nothing to you?!" Basang basa na kami ng ulan.

"No! Ayoko lang na sabihin dahil alam kong magagalit ka." Sabi ko.

"But I'm already mad! I hate it when you're hiding something from me! Gusto ko maging transparent ka between us. I feel that you're not trusting me enough! I saw him hugging and kissing you!" Napa-kagat ako ng labi. Ang bigat ng loob ko, ang sakit ng dibdib ko. My heart keeps beating so fast.

"I'm sorry Zach, wag mo sana ma misunderstood yon! Siya yung yumakap at humalik sa'kin kanina! Hindi ko 'yon gusto! Ayoko non!" Nagsimulang tumulo ng mga luha ko. Ngayon ko nararamdaman yung hapdi ng labi ko at sakit ng pisngi ko. Dagdag pa yung sakit ng dibdib ko dahil sa argument between us.

Naramdaman kong niyakap niya ko. Tinapik niya ang likod ko. Yumakap ako pabalik at nagpatuloy lang sa pag iyak. Ngayon ko nararamdamn lahat ng sakit. It's killing me. Ayoko ng ganitong feeling.

"I'm mad dahil kapag bumabalik ka sa inyo, you're always getting hurt. I don't want you to feel that way Graycie. Don't lie to me again, I love you always." Lalo akong naiyak sa mga sinabi niya.

Hindi na ko magtatago ng mga sekreto. Mas gusto ko maging honest na sa kanya. Kahit mahirap, I can do that for our relationship.













Cut! End of chapter 42. Kindly leave a comment and vote. Happy reading!

Babysitting The Ceo Son (On-going)Where stories live. Discover now