Chapter 31

23.4K 475 22
                                    

NASA backseat ako ng kotse ni Sir Zach. Hindi pa din ako masanay na walang *Sir* e. Papunta na kami sa bahay. Katabi ko si Zamiel dito sa backseat. Sinabi ko na din kay tatay na pupunta ako at kasama ko ang boss ko. Hindi ko din alam kung bakit ko inaya si Sir Zach. Nababaliw na siguro talaga ko.

"Saan ba tayo pupunta, ugly Graycie?" Rinig kong tanong ni Zamiel.

"To my house. Favor lang young master, shut mo lang yung mouth mo, Okay?" Pinan-liitan niya ko ng mata. Badtrip to simula kahapon dahil di kami naka-uwi. Hirap suyuin ng batang may saltik.

"Tsk! Are you going to introduce us to your family?" Napa kagat ako ng labi. Paano ko ba i-explain? Dami naman niyang tanong.

"Son, don't ask too many questions. Just do the favor she ask you, okay?" Tumingin ako sa gawi ni Sir Zach sa driver seat. Sa daan lang siya naka-tingin.

"Yeah yeah whatever. Do whatever you want!" Sana nga wag siya sumpungin doon. Wala akong balak sabihin na babysitter ako ni Zamiel.

Ang alam ng pamilya ko isa akong assistant secretary sa kompanya. Friday ngayon, sinabi ko din na saglit lang ako dahil may trabaho ako after. Okay lang naman magsinungaling paminsan minsan. Basta ayaw ko malaman nila ang totoo.

Itinuturo ko ang daan kay Sir Zach. Nung medyo malapit na kami, nag text na ko kay tatay para ma-abangan kami sa labas ng bahay. Hindi naman ako kinakabahan or something. Nababahala lang ako, what if mabuking nila ko? Haysss bahala na. Pumasok na kami sa may village namin.

"This is your place ugly Graycie?" Naka-dungaw si Zamiel sa bintana ng kotse.

"Yeah." Tipid na sagot ko.

Natanaw ko si tatay sa may tapat ng bahay. Tumigil ang sasakyan at agad akong bumaba. Pumunta ako sa gawi ni tatay. Yumakap ako at nagmano.

"It's nice to see you again tay. Na-miss ho kita." Naka-ngiting sabi ko.

"Me too anak. Siya ba ang iyong boss." Sabi niya habang naka tingin kay Sir Zach na pinagbubuksan si Zamiel ng pinto ng kotse.

"Oho gaya ng nga ho ng sabi ko. Saglit lang ho ako at may trabaho pa ko after. Ihahatid din niya yung anak niya sa parents house niya." Sorry talaga tay. Feeling ko ang laki na ng kasalanan ko sa kanya.

"Good morning Sir, I'm Zachary Del Fuerto. This is my son, Zamiel." Kinamayan niya si tatay. Ang pormal naman nito masyado.

"Naku, don't call me sir. Boss ka ng anak ko at nagpapasalamat ako sayo dahil binigyan mo siya ng opportunity para sa trabaho niya ngayon. Thank you, Mr. Del Fuerto." Minus points na naman.

"Masipag at maasahan siya sa trabaho." Hinawakan niya ko sa balikat and ngumiti la sakin. Huwag ka ngayon mang ganyan. Nasa harap ako ng tatay ko! Baka mahalata na ma-mula ang mukha ko.

"Halina't pumasok na kayo sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Gavin anak." Na-una pumasok si tatay at sumunod kami.

"So, he's my father in law in future? He's nice." Siniko ko siya.

"Manahimik ka." Bulong ko.

"You two, huwag niyo dalhin dito yung ginagawa niyo sa mansion." Sabay kaming napatingin kay Zamiel. Parang matanda talaga mag salita.

Pag-pasok namin sa loob agad sumalubong si Gavin sa'kin. Yumakap siya sa'kin.

"Ate! Na-miss kita ng sobra!" Ngumiti ako at yumakap din. Sa gilid ng mata ko nakikita ko ang ekspresyon ng dalawang kasama ko. They're not look happy. Ano na namang problema nila?

"Miss din kita. Congrats sayo. Here, keep it. Reward ko yan sayo dahil top 1 ka." Inabot ko ang white envelope na maliit. Hindi na ko naka-bili ng gift ko for him kaya cash nalang.

"Hala! Thank you. Okay lang naman if wala kang gift sa'kin. Maka-uwi ka lang happy na ko." Ngumiti ako. Mababaw lang naman kaligayan ng bunso kong kapatid.

"Deserve mo yan." Nakangiti kong sabi.

"Umuwi ka pala." Napalingon ako kay nanay na kalalabas palang ng kusina. Lumapit ako sa kanya para mag-mano. "May hawak ako." Dagdag niya. Still the same.

"Sinaglit ko lang ho ang pag uwi dito. Moving up celebration ni Gavin to, I don't want to miss it." Sagot ko.

"Sana nag padala ka nalang ng pera. Mas ayos 'yon. Nag dala ka pa ng bisita. Sino yan? Bagong lalaki mo? Ikaw Graycie baka ibang trabaho na yang ginagawa mo? Sinasabi ko sayo, ayusin mo buhay mo." Nag pantig ako tainga ko sa mga naring ko.

"Teka lang naman ho nay! Why are you accusing me?! Nagta-trabaho ako ng maayos para may ipang-tustos sa inyo dito. Okay lang sakin kahit magkano kasi pinag-hihirapan ko 'yon." Tumaas ang tono ng pananalita ko. Alam kong lahat ng mata nila nasa amin.

"Aba! Malay ko sayo! Saka 'wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan! Wala kang galang! Pagkatapos kitang bihisan at pag aralin, gaganyanin mo ko!" Sigaw niya.

"So, this is about me?! Totoo naman binihisan at pinag aral niyo ko! Hanggang high school, so thank you for that! The rest ako na nagtustos sa sarili ko! Kase ano?! Si Gabi nalang lagi yung inaalala mo! Wala kang kwentang ina!" Naka-tanggap ako ng malakas na sampal mula sa kanya.

"Bastos ka! Umuwi ka lang ba para bastusin ako?! Umalis ka na dito at wag kang babalik pa! Walang kinalaman ang kapatid mo dahil isa kang walang kwentang anak! Itatak mo yan sa utak mong babae ka!" Sa sobrang galit ko tumulo na ang mga luha ko. Ayoko na! Napakahirap na niyang intindihin.

"Aalis ako kahit hindi niyo sabihin! Sorry Gavin nasira ang celebration mo. Congrats again." Pinahid ko ang luha na nasa pisngi ko. Narinig ko din na tinawag ako ni Sir Zach.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Ang sakit lang kasi ganon yung tingin niya sa'kin. Siguro nga kapag nabuntis ako ng maaga itatakwil niya ko. Ayokong magalit sa kanya pero sobra na to! Parang hindi ko siya nanay kung magsalita siya sa'kin. Pumara ako ng cab. I want to be alone. Mamaya ko nalang iisipin kung anong sasabihin ko kay Sir Zach.

Pinatay ko din ang cellphone ko para hindi nila ko ma-contact. I hate myself so bad! Sana ako nalang si Gabi para mahalin nila ko! Sunod sunod na namang pumatak ang mga luha ko. Nakaka-inis! I just want to disappear. Ang sakit sakit sa pakiramdam yung ginawa mo na ang lahat pero walang pa din! Hindi ka pa din enough for her. Anong gagawin ko?! Saan ako lulugar sa kanila? Fuck this life!





Cut! End of chapter 31. Kindly leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (On-going)Where stories live. Discover now