Chapter 3

36.8K 795 33
                                    

ONE week na ang naka-lilipas simula ng magtrabaho ako dito. Ibang experience talaga ang mag alaga ng may saltik na bata. Humanga nga sa'kin ang mga maids dito dahil nakatagal daw ako ng isang linggo. Mahirap talaga siyang pakisamahan dahil may bad temper. Laging naka busangot kapag nakikita niya ko. Ewan ko ba dyan, basta ginagawa ko lang ang trabaho ko.

"Uuwi daw si Sir Zach mamayang dinner. Kaya need kong magluto ng maaga. Asikasuhin mo na din si Young Master." Sabi ni Chelsea.

"Sige, puntahan ko na sa kwarto niya." Miski pag akyat ng hagdan hinihingal ako. Ang taas ba naman. Sabagay, malapit na din akong mag 30 kaya ganito. Kumatok muna ko bago pumasok sa loob ng kwarto niya. Tulog yata.

"Young master, need mo ng maligo at dadating ang daddy mo." Hindi ako naka-tanggap ng sagot mula sa kanya.

Naglakad ako papuntang kama niya at dumulas ang paa ko sa sahig. Sakto paluhod at tumama yung ilong sa mini table. Nakita ko ang baby powder na naka kalat sa sahig.

"Masakit ba Ugly Graycie?! Hahahahaha! I-ready mo yung damit ko, maliligo na ko." Pumutok yata yung labi ko. Ang sakit pa ng ilong ko. Bwiset na batang 'to!

Pumunta ko sa closet niya para kumuha ng damit. Inilagay ko ang damit niya sa ibabaw ng kama. Nilinis ko ang nagkalat na baby powder sa sahig. Baka may madulas pang iba. Naramdaman ko ang pag buhos sa'kin ng malamig na tubig. Tiningnan ko siya na tumatawa.

"You look like a mess Ugly Graycie! Hahahaha!" Bwiset! Tsk!

After ko siyang bihisan at ayusan agad kaming lumabas ng kwarto. Nagka-tinginan kami ni Chelsea. Nag okay sign lang ako. Bumaba kami sa may dining room. Pina-upo ko muna siya. I need to clean my myself too. Sinabi ko kay Chelsea na siya muna bahala habang wala ako. Padating na daw kasi si Sir Zach.

Suminga ako sa tissue. Tsk! May dugo! Kainis! Baka nabasag buto ko sa ilong! Nilagayan ko ng ointment yung putok ng labi ko. Nagbihis lang ako ng damit bago lumabas sa kwarto ko. Tumabi ako kay Chelsea.

Bumukas ang main door ng mansion. Sa isang linggo ko dito, ngayon ko lang ulit nakita si Sir Del Fuerto. Busy person talaga. Now I know, kung bakit ganoon ugali ng anak niya.

"Good evening po, Sir Zach." Bati ni Manang Cynthia.

"You can leave all. Except you, Ms. Santos." Bakit maiiwan ako? Tsk!

Lahat sila ay umalis ng dining area hangga't ako nalang ang natirang naka tayo sa gilid.

"How's your work here Ms. Santos?" Umupo siya sa tapat ng pilyo niyang anak. Kita ko din na masama ang tingin sa'kin ng bata. Problema na naman nito?

"It's good Sir. I will be honest, ang sama po ng ugali ng anak niyo." Prangkang sagot ko.

"I see. Siya ba ang may gawa ng sugat mo sa labi?" Lalong sumama ang tingin sa'kin ng bata.

"Yes, pero ayos lang po. Kaya ko naman siyang i-handle." Sagot ko.

"Liar! Ugly Graycie!" Nagulat ako ng sumigaw siya.

"Zamiel! Stop. Don't be rude. We're infront of the food!" Ma-awtoridad na saway niya sa anak.

"Pare pareho kayong lahat! My lola's right, you're not a good father! Go to hell!" Ang intense 'nun! Nag walk out pa nga ang pilyong bata. Tatayo na sana si Sir Zach para sundan siya pero pinigilan ko siya.

"Ako na po." Sinundan ko siya. Nag lock pa ng kwarto.

"Open the door, Young Master. Don't be like that sa harap ng daddy mo." Nakita ko si Chelsea na sumunod sa'kin.

"Ito ang susi ng pinto." Umalis na siya pagka abot sa'kin ng susi.

"Leave me alone!" Sinusian ko ang pinto. Naka ilag ako sa lumilipad na tsinelas pagbukas ko. "Sabi ko, leave me alone! You are so stupid Ugly Graycie! Go to hell! All of you!" Lumapit ako sa kanya at pinigilan i-hagis ang isang pares ng tsinelas.

"That's enough! Don't be like that Young Master. Hindi na magandang asal 'yan!" Winasiwas niya ang kamay niya para matanggal ang pagkaka hawak ko.

"Huwag kang makialam! You don't know anything! You're just a stupid babysitter!" Sigaw niya.

"Yeah, you're right! Pero mas matanda pa din ako sayo! Kaya huwag mo kong babastusin! Kung sa tatay mo nagagawa mo yan, pwes sakin hindi! Show some respect kid! You had everything pero wala kang magandang asal!" Galit na talaga ako. Alam kong bata 'to. I'm on my limit.

"Huwag mo kong diktahan! Hindi kita nanay! If she's here, i will not suffer a lot! Hindi sana ko nasa puder ng walang kwentang ama ko! Kaya lahat kayo ay hindi deserve ang respeto ko! Get out of here!" Napa-pikit nalang ako. Need ko ng mahabang pasensya.

"Is he mad again?" Nagulat ako dahil andoon pala si Sir Zach paglabas ko ng kwarto ng anak niya.

"Ang laki po ng galit ng anak niyo sa mundo. Huwag po muna kayo papasok. He needs time for himself. Baka kung ano ano pa sabihin niya sa inyo Sir." Sumandal siya sa gilid ng pintuan.

"He's mad at me. So for you, don't give up on him. Ikaw lang ang tumagal sa kanya ng one week. As your boss, keep it a good work." Tumalikod na siya at umalis. He's handsome. Ay wait! Ano ba 'tong iniisip ko?!

"Pinuri ka lang ng konti kinilig ka na? Higit isang linggo ka palang na hiwalay. Erase. Erase. Boss mo 'yon, Graycie." Bulong ko.

Dumeretso na ko sa kwarto ko. It's a long tiring day. Daming nangyari. Tama din hinala ko. May hinanakit ang batang 'yon sa tatay niya. Feel ko nag seek siya ng atensyon. Feel ko need niya yon, sobrang busy person kasi ng tatay niya e. Hindi niya siguro ramdam. Naka-tanggap ako kay tatay ng message.

Nanganga-musta lang naman siya. Ang sabi pa niya huwag ko daw sila masyadong alalahanin doon. They're doing great. Sa loob ng isang linggo ko dito. Nababawasan yung bigat ng pakiramdam ko. Minsan nga di ko na naiisip na niloko ako ng boyfriend ko. Nakatulong din yung mga stress dito para di ko sila isipin. Sana bumalik na lahat sa normal. No more pain. I want to heal myself.






Cut! Sorry di ako naka update kahapon. Medyo busy at tinatamad lang ako hahahaha.. Enjoy sa mga nag babasa. Salamat sa support niyo.

Babysitting The Ceo Son (On-going)Where stories live. Discover now