Chapter 44

22.1K 435 14
                                    

TAHIMIK lang ako sa loob ng sasakyan ni Zach. I know he's upset pero hindi niya lang pinapakita. Mali naman talaga ko sa part pumayag ako sunduin si Ceejay. Sana pala di ko na ginawa. Sampal at sabunot pa ang natamo ko galing kay nanay. Feel ko hanggang bukas maga yung mata ko.

Sa bintana lang ako naka-tingin. Ang lakas ng ulan sa labas. Tumawag din si Zach sa mansion. Sa condo unit daw muna kami magpapa-lipas ng gabi. Ako may kasalanan nito e, kung di ako umalis sarap na sana ng tulog namin sa mansion. Kainis.

Nag park sa may parking lot ng building si Zach. Hindi malakas ang aircon ng kotse pero nilalamig pa din ako. Hindi ako nagsasalita. Kahit nag usap na kami kanina, I feel guilty pa rin. Kahit sabihin kong di ko gusto yung ginawa ni Ceejay. Kiss is a kiss. I know na masasaktan si Zach kahit alam niyang hindi ko 'yon gusto.

"You need to take a shower before you sleep." Sabi niya habang nasa elevator na kami. Tumango ako bilang pag sagot. Hindi ko siya matingnan sa mata.

Nang makarating na kami sa floor ng unit niya, nauna siyang lumabas ng elevator. Sumunod ako sa likuran niya. Nag enter siya ng passcode sa pinto ng unit. I feel his coldness towards me though. I really hates it.

"You can use my room. I will sleep here." Walang emosyon na sabi niya.

"But--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pumasok siya sa bathroom.

I think he needs space for now. I will not bothered him nalang para di siya lalong mainis. Knowing him, he has a long patience. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Mag take ako ng hot shower dahil giniginaw ako. We're both soaked in rain. Pag pasok ko sa loob ng bathroom hinubad ko ang suot ko mga damit.

Pinalitan ko  ang temperature ng shower into hot. It feels so nice when the water touch my body. I feel relieved. Medyo humapdi ang sugat ko sa labi. Hindi ko pa naman dala yung gamot ko. Bukas nalang siguro ko iinom ng gamot. After ko mag shower nag suot ako ng bathrobe. Tinuyo ko din ng towel ang buhok ko. Umupo ako sa kama.

"I want you by my side but you're still upset of me. I'm sorry Zach." Bulong ko.

Nang matuyo ang buhok ko, agad akong nahiga sa bed. Yeah naka bathrobe lang ako. Tinatamad na ko mag bihis ng damit ang lalaki pa ng damit ni Zach. I feel sleepy na din. Unti unti ng sumara ang mga mata ko.

I suddenly woke up because of uneasy feeling. My head hurts and i have stuffy nose. Naulanan nga pala ako kaya paniguradong magkaka-lagnat ako nito. Tumayo ako, I'm thirsty. I need to drink water. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kitchen. Buti nalang at may hindi malamig na tubig dito. Naku, baka mahawaan ko si Zamiel kapag tumuloy 'to. Need ko uminom ng gamot kaso wala akong dalang cold medicine.

Napa-tigil ako ng paglalakad sa my living room. Zach is sleeping on the couch. Hindi ko siya nilapitan. Baka mahawa din siya sa'kin. Bumalik ako ng kwarto para matulog ulit. The rain has stopped. Makaka-uwi na rin kami bukas. Itutulog ko muna to para gumaan gaan ang pakiramdam ko.

Nagising ako ng medyo maliwanag na sa labas. Masama pa din pakiramdam ko. Pumunta ako sa bathroom para mag hilamos. Medyo nahihilo din ako. Ganito ko kapag may lagnat, sobrang lanta. After ko mag hilamos kinuha ko yung damit ko na nilabahan ko kagabi. May mini dryer dito kaya tuyo na siya agad. Naglakad ako palabas ng kwarto.

"Your up. Kumain ka muna bago tayo umalis." Bungad sa'kin ni Zach. Mukhang good mood siya ngayon. Sana hindi na siya badtrip sakin.

"I don't have my appetite. Let's just go home." Oh my! Paos pa ko.

"What's wrong with your voice? Are you sick?" Lalapit sana siya sakin pero umatras ako. Mahirap na baka mahawa siya sa'kin.

"Don't. May lagnat ako at sipon. I don't want it to transfer to you. Huwag ka munang lalaput sakin." Tumigil siya sa pag lapit.

"Do you take medicine?" Umiling ako.

"Meron naman akong gamot sa mansion. I need to take a rest for today. Bukas nalang ako babalik sa pag babantay ko kay Zamiel. Isang araw lang 'to tumatagal kapag na-ipahinga ko ng maayos." Umupo ako sa sofa. Hindi naman malakas ang aircon pero nilalamig ako ng sobra. Kasalanan to ng ulan kagabi!

"Yeah. Don't work for one whole week." Napatingin ako sa kanya.

"No, isang araw lang. Masyadong matagal ang isang linggo." Pag kontra ko sa sinabi niya. Ang tagal 'non.

"Don't push yourself too much. Need mo magpahinga para bumalik ang lakas mo. Makinig ka nalang sa'kin." No choice ako. Talo ko sa kanya.

"Okay." Maikling sagot ko. Sumandal ako sa sofa. Nahihilo talaga ko.

"Let's head back to the mansion." Tumayo ako at sumunod sa kanya palabas ng unit. May 1 meter kaming agwat. Nasa likod niya lang ako.

Nagtungo kami sa elevator at nasa likod pa din ako. Di ako kumikibo at masama talaga pakiramdam ko. Nang makarating kami sa parking lot. Binuksan ko ang car door sa backseat mg kotse.

"What the! Sit beside me Graycie!" Saway niya sa'kin.

"Ang kulit mo Zach, sabi ko need ko ng space para di ka mahawa diba? Dito muna ko sa backseat." Pumasok ako sa backseat ng kotse. Narinig ko pa siyang inis na pumalatak.

"You need be better. I'm worried about you. Take care of yourself more often. Don't be sick again." Sabi niya bago paandarin ang kotse.

"I will. Don't worry, lagnat lang 'to. Bukas wala na din 'to. Magiging ayos din ang lahat." Naka ngiti kong sabi. Tumango lang siya at nag drive na.

Sana nga mawala na to bukas. I will take my cold medicine later. Need ko din i-take yung para sa depression ko. Hindi pwedeng mapalyahan 'yon. I closed my eyes to relax my body. Ayoko talagang nagkaka-sakit. Tsk!

Cut! End of chapter 44. Kindly leave a comment and vote. Happy reading!

Babysitting The Ceo Son (On-going)Where stories live. Discover now