Chapter 26

26.1K 520 21
                                    

SINCE that day, napaka clingy na sakin ni sir Zach. Sinabihan ko din siya na 'wag masyadong clingy lalo na sa oras ng trabaho. But he never listened to me. Para siyang old version ng anak niya. Sarap nilang pag-umpugin na dalawa. Zamiel have a class for today. At ako? Ito nasa tabi ni Sir Zach! Nakaka-inis kaya!

"Working hours ko ngayon sir. Baka naman pwede akong gumawa ng ibang gawain bahay?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Alam na alam niya talaga kahinaan ko.

"No. Hindi ka nila kailangan sa loob. May klase pa si Zamiel, sa kanya ka lang mag focus. Stay here with me." See? I hate my life!

"Why are you doing this?" Inis na bulong ko.

"I'm courting you, right? Dapat hindi ka din mapapagod." Napa-iling ako. Ayoko na!

"W-Wala kong maalala na pumayag ako. You're wasting your time sir." Naka-tingin lang ako sa damo sa sahig ng garden.

"I'm not. Mahalaga ka sakin. Huwag mong babaan ang tingin mo sa sarili mo." Tumingin ako sa kanya. Nasa Ipad pa din ang mga mata niya. Busy pa yan sa lagay na 'yan?

"But the world is unfair. Paano mo naman na sabi na may worth ako? Lahat nga iniiwan ako e." Napa-tigil siya sa pag scroll sa Ipad at tumingin sa'kin.

"I'm here. You are not alone. Andito ako." Napailing nalang ako.

"Don't mind my words sir. Bored lang ako dito." Nakita ko si Chelsea na dumaan.

"GraZa! Omo! Ship ko talaga kayong dalawa!" Sumigaw ba naman sa harap namin. Haysss! Mga abnormal talaga!

"Did you hear that?" Nakita ko si Sir Zach na tumatawa.

"Everyday siyang ganyan." Nag salong baba ako.

"Really? Should I increase her salary?"  Tanong niya.

"What the! Sir Zach, nababaliw ka na!" Sigaw ko. Naku wala na kong pakialam If boss ko pa siya.

"Sayo? Yes, I am." Napatakip nalang ako ng mukha. Bwiset! Bumabanat pa nga!

Nag hintay lang ako maubos ang oras. Ang tagal matapos ng klase ni Zamiel ngayon. Doon lang ako makaka-wala sa tatay niya. Pati yata pag gamit ko ng restroom gusto pang sumama. May sira talaga ulo nito.  Nakita ko lumabas ng main door si Zamiel. My savior. Yes, tapos na klase niya. Kami na dalawa magkakasama buong araw.

"Dad! Ugly Graycie! Anong ginagawa niyo ditong dalawa? Dating na ba kayo?" Minsan ang sarap i-tape ng bibig ni Zamiel. Harap harapan? Walang filter!

"Not yet. How's your school?" Tahimik lang ako sa isang tabi. Bahala kayo mag usap mag ama. Ang sarap niyo ka bonding!

"It's fine. Boring as usual." I secretly rolled my eyes.

"Punta tayo sa Park. You want to go there son, right?" Aalis sila? Oh yes! Mag sama kayong dalawa para makapag pahinga ako sa mga saltik niyo. 

"Yeah. I love that! Gusto kong i try yung bicycle doon." Sige lang. Umalis na kayo ngayon. Mag papahinga ako sa kwarto hahahaha!

"Okay. Magbihis ka na, son." Tumango si Zamiel at pumasok sa loob. Tatayo na sana ko para sumunod ng hawakan ni Sir Zach yung kamay ko.

"Ano naman ba sir?" Tumingin siya sa'kin.

"You're coming with us, Graycie. Magbihis ka na, kaya na ni Zamiel mag isa." Napa-ngiwi ako.

"Bakit kasama na naman ako?! Kayo nalang sir, 'di ko feel mag Park ngayon." Pagtanggi ko.

"Kailangan ka niya doon." Sagot niya.

"Kakasabi mo lang. Malaki na si Zamiel, kaya mo na siya mag isa! Paano kayo mag-bonding niyan kung lagi akong kasama!" Inis na sabi ko. Nakaka-badtrip naman kasi.

"I just want to spend time with you guys. Minsan lang ako may free time, hang in there Graycie." Napa-buntong hininga ako.

"Fine. Uupo lang ako doon wala kong sa mood mag gala ngayon. Let go of my hand." Binitiwan niya ang kamay ko. Para akong nakukuryente kapag hawak niya ang kamay ko.

Nag hanap ako ng matinong damit. Yung mga binili ko last time nalabahan ko na pala. Kinuha ko doon yung loose shirt na army green. Nag suot din ako ng three fourths na black leggings. White yung shoes ko at army green yung socks. Naligo naman na ko kanina kaya inayos ko nalang ang buhok ko. Naka messy bun lang ito. Kinuha ko din ang maliit na pouch lalagyanan ng cellphone at wallet ko. Nag apply lang din ako ng light make up dahil di ako mahilig mag ganon.

Lumabas na ko sa kwarto ko at dumeretso sa labas ng mansion. I saw Zamiel sitting in the bench sa garden. He's wearing a dark blue shirt at three fourths na maong. Naka white rubber shoes siya. He looks so cute. Nasaan na kaya ang tatay nito?

"Nasaan daddy mo?" Walang ganang tanong ko. Badtrip ako.

"Magbibihis lang daw siya. Bad mood ka, Ugly Graycie?" He asked.

"Yeah. Let's change a seat. Doon ka na tumabi sa daddy mo. Ako sa backseat." Sabi ko.

"Eh? No, ikaw sa passenger seat. That's my seat not yours." I rolled my eyes. Tigas ng ulo talaga. Magsama talaga kayo ng tatay mo! 

"Let's go?" Tiningnan ko si Sir Zach. Bakit naka army green din siyang t-shirt? Bwiset!

"Daliian niyo ng dalawa!" Agad akong sumakay sa passenger seat ng kotse.

I plugged my earphone and play some music. Itinodo ko din yung volume para di ko sila marinig. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ayoko muna silang kausapin. Sila mag usap dalawa! Lagi nalang akong sinasama. Naramdaman kong may umupo ng sa driver seat.

"Hey! Ano ba?" Nagulat ako ng tanggalin ni Sir Zach yung earphone ko.

"Wear a seatbelt if you don't want to die." Sinamaan ko siya ng tingin. Dali dali ko isinuot ang seatbelt ko.

"Happy?" Tumango ito.

Pumikit ako at inilagay ulit ang earphone sa tenga ko. Deep inside, I'm embarrassed. Mag susungit na nga lang napahiya pa. Tapos ang lapit pa ng mukha niya sakin! Argh! Yung puso ko ang bilis na naman ng tibok.



Cut! End of Chapter 26. Kindly leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (On-going)Where stories live. Discover now