Chapter 27

25.1K 502 22
                                    

PAGDATING namin sa Park agad akong bumaba sa kotse. Badtrip talaga ko ngayon. Ikaw ba naman, may clingy na boss at may saltik na alaga. Nakaka-stress silang dalawa! Umupo ako sa pinaka-malapit na bench dito. Ano bang gagawin ko sa Park? Hindi naman ako mag e-enjoy dito. Kung hindi ko lang boss yan si Sir Zach, di ako sasama.

"You're not in the mood right?" Naramdam ko siyang tumabi sa'kin. Ito na naman yung puso ko, nagwawala. 

"Just have fun and don't mind me. Zamiel is waiting for you, gusto niya mag bicycle." Hindi ko siya tiningnan. Lumayas ka na sa tabi ko, mukha tayong naka couple shirt. Jusko!

"Fine. I'm sorry to bringing you here." Pinag masdan ko ang bulto niya na palayo sa'kin. Bakit parang ako pa masama? Bonding kasi nila 'yan! Ayoko naman sumama in the first place!

Tumingin ako sa buong paligid ng Park. Tahimik siya tapos kada corner may mga lovers ako nakikita. Wala namang forever. Maghihiwalay din kayo. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sina Ceejay at Gabi. Shit! Wrong timing! Ang layo ng bahay dito a! Bakit dito pa sila nag gagala?! Saka maselan mag buntis si Gabi di'ba?

Kailangan kong magtago. Hindi nila ko pwedeng makita dito. Hinagilap ng mga mata ko sina Sir Zach. Hala! Nasaan na sila?! Oo nga pala, nag bicycle 'yon. Malamang nag iikot sila sa Park. Anong gagawin ko?! Napaka-malas ko talaga!

Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makalayo doon. Hinahanap ko din sina Sir Zach. Pag nagkataon talagang malaman nila ang trabaho ko, sermon na naman ako nito kay nanay. Umupo muna ko sa bench sa may gilid. Hindi ko pa makita sina Sir Zach. Malas!

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nabuhayan ako ng loob, Sir Zach is calling me.

"Hello, Sir?"

"Where are you?"

"Nasa bench naka-upo."

"You're not here. Nasaan ka ba talaga?"

"Malapit sa may nagtitinda ng cotton candy. Lumipat ako ng pwesto."

The call ended without him responding to me. Is he mad? Halata naman. Lagot! Baka mawalan pa ko trabaho. Nag iinarte na nga ko kanina. Tapos ngayon galit na si Sir Zach. Naka-tingin lang ako sa mga damo sa sahig ng Park. Malapit na yung kulay ng damo sa damit ko.

"Lupa at damo, kainin niyo nalang ako." Para akong baliw na nag sasalita mag isa dito.

"Found you." Tumingala ako ng marinig ko si Sir Zach. Kahit pawisan pogi pa din niya. Ang seryoso niya kapag galit.

"S-Sir Zach! I'm sorry umalis ako sa spot ko. N-Nag libot libot lang ako dito sa Park." Palusot ko. Maniwala ka please.

"Tsk! Don--" Hindi ko siya pinatapos at agad ko siyang hinala paalis. Nakita ko sina Ceejay andon sa cotton candy stall. Naiwan yung bike doon sa bench.

"L-Let's go back! I-I think Zamiel is waiting for u-us! Hahahaha!" Buti nalang at hindi siya nagpapa-bigat. Nakukuryente talaga ako kapag hawak ko ang kamay niya.

"Bakit tayo nag mamadali? Sino ba--" Lilingon sana siya sa likod pero pinigilan ko siya. Nasa likod na namin sina Ceejay. Shit! No choice ako. Itinulak ko siya sa may puno dahilan para mapasandal siya doon. I kissed him.

"Oh my, ang sweet nila oh." Rinig kong sabi ni Gabi ng mapadaan sila sa tapat namin.

"Gusto mo din ba, babe?" Hindi ko na narinig yung sagot ni Gabi.

He bit my lips dahilan para mapa-dilat ako. Ngumisi siya.

"W-Why did you do t-that?!" Ang sakit ah! Walanghiya talaga!

"You are the one who kissed me, tatanggi pa ba ko?" Nag iwas ako ng tingin.

"L-Let's go.. N-Naghihintay si Z-Zamiel satin." Na-una ko maglakad. Nakaka hiya! Bakit ko naman kasi siya hinalikan bigla?!

"Hey! Yun lang yon?! First sinabi mo na gusto mo ko then you rejected me and now you kissed me?! May pag asa ba ko sayo? Hey, Graycie! Wait for me!" Manahimik ka nalang muna! Nakakahiya!

Nakita ko si Zamiel na naka-upo sa bench. Tumingin naman siya sa gawi ko.

"Bakit may sugat ka sa lips?" Napahawak ko sa labi. Tatay mo may gawa niyan!

"Nakagat ko lang. May gusto ka bang kainin?" Tanong ko.

"Hey, Graycie!" Narinig ko si Sir Zach at nilingon ko siya.

"Don't say anything to Zamiel. Are we clear, Mr. Del Fuerto?" I stepped in his shoe at diniinan ko 'yon.

"I'm not. Masakit, tanggalin mo na yang paa mo." Naka-ngiti akong humarap kay Zamiel.

"I want to go home. Lutuan mo nalang ako ng foods." Tumango ako at sinundan siya papunta sa kotse.

"So kailan natin i-continue yung kiss kanina?" Siniko ko siya.

"Sir, shut up!" Ngumiti lang ito.

"You're the one who insist it. Nabitin ako." Inambahan ko siya.

"T-That's an accident. I'm not insist it." Tanga! Accident? Eh halata namang force 'yon!

"Nah! Tinulak mo ko sabay halik. Gusto mo pala ng walang label, bakit hindi mo agad sinabi?" Bakit ganito si Sir Zach ngayon? Piste!

"Fine! Ako na yung na-una! Manahimik ka na Sir, ayokong manapak ngayon. Lalong ayokong mawalan ng trabaho kapag nasapak kita." Inunahan ko siyang maglakad. Bwiset talaga! Napaka malas ko!

"What are you doing here, ugly Graycie?!" Gulat na bungad ni Zamiel ng pumasok ako sa backseat.

"Move. I want to sit here." Seryosong sabi ko.

"Dad, did you two fight?" Rinig kong tanong ni Zamiel kay Sir Zach.

"No son, masama daw pakiramdam ni Ms. Graycie. Just let her be. Gusto mo ba dito?" Tanong niya kay Zamiel.

"No. Dito nalang ako. Let's go home then." Naramdaman ko na umandar na yung sasakyan.

Tahimik lang ako buong byahe. Napansin ko din na tulog na si Zamiel sa tabi ko. Inihiga ko siya sa lap ko. Parang di kasi komportable kung naka-upo siya matulog. Medyo malayo pa ang lalakbayin namin pa-uwi. Napagod din siguro to kanina nung nag bicycle sila ng daddy niya. Matatapos na rin ang embarrassing day ko. Malas talaga!

Cut! End of chapter 27. They're already kissed! Kinikilig ako habang ni-susulat ko yan hahaha! Kindly leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (On-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora