Chapter 12

30.4K 628 8
                                    

PA-ULIT ULIT nag e-echo yung sinabi ni Sir Zach sa'kin. Night time na. Nasa kwarto na ko. Bukas isasama niya ko sa company to do my report. Bakit 'di ko kasi binasa yung contract? Tsk!

I just talked to my tatay kanina. That kid is getting on my nerves! Bakit niya sinabi 'yon sa daddy niya?! Mygosh! I'm so embarrassed. Nagpapa-gulong gulong na ko sa kama. Hindi ako makatulog. Anong mukha 'yung ihaharap ko kay Sir Zach bukas? Graycie, you're dead! Pero type naman daw niya ko di'ba? Shit! Ano pinag iisip ko?!

"Nababaliw ka na, Graycie! Aminin mo nalang kasi na may crush ka sa boss mo!" Sabi ko habang nagpapa gulong gulong sa kama.

"Eh, higit palang isang buwan ng mag break kami ni Ceejay! Ang bilis ko naman yatang maka move on?! Ugh! Bwiset! Bakit kasi ang bilis kong ma-attached sa isang tao?! Pero ayoko na! Wala silang mapapala sa'kin. Patapon na ko!" Bigla ko'ng naalala yung sabi ng OB ko. Walang sasaya sa isang katulad ko na hindi kayang magka-anak. Kaya nga ko pinag-palit ni Ceejay e.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Bakit bigla bumalik yung sakit? Sa loob ng isang buwan hindi ko to naramdaman. Parang bumalik 'yung sakit at galit ko. Tears are falling to my cheeks. Agad ko 'yon pinunasan. Hindi pwedeng mag-mugto ang mga mata ko. May report ako bukas. Itutulog ko nalang 'to.

Nagising ako mga bandang 4:00 am. I know, 8 pa alis namin. I'm not excited, okay? I just woke up early. Tumayo na ko at nag-hanap ng damit para mamaya. Pag-bubutihin ko na hindi ako ma-ilang kay Sir Zach. Sana. Wish me luck. Mag jeans nalang ako at stripes t-shirt. Nag suklay muna ko bago pumasok sa bathroom.

After ko maligo, nagbihis muna ko ng pang-bahay. Lumabas ako ng kwarto dahil nagugutom ako. Like I said, minsan lang ako kumain ng breakfast. Nag-bukas ako ng ref. Kinuha ko ang butter. Binuksan ko ang cabinet sa ibabaw at kinuha ko ang loaf bread. Kumuha din ako ng bread knife. I heated a pan. I cut the loaf bread and put the butter on it. Nang mainit na ang pan, inilagay ko na 'yung slice ng loaf bread na may butter. Quick breakfast lang 'to. Sana 'di rin ako mahuli.

"Ang aga mo naman nagising." Nakita ko si Chelsea na nagkukusot pa ng mata.

"Aalis ako e. Mag re-report ako sa company ni Sir Zach. Ikaw muna bahala kay Zamiel. Babalik din ako agad." Sabi ko habang hinahango ang mga gawa ko na loaf bread with butter.

"Ah, sige. Pahingi ako." Kumuha siya ng isa at kinain. "Ang sarap ah! Cook ka ba dati? Ang dami mong alam lutuin." Dagdag pa niya.

"Nah, matotuto ka naman kapag namuhay ka mag isa. Being independent lang 'yan." Natatawang sabi ko.

Tinapos ko lang ang pagkain at nag-paalam na kay Chelsea. Sisilipin ko lang si Zamiel. Alam ko naman na tulog pa 'yon. I used my spare keys to his room para mabuksan ko. The lights are off. Tanging lamp shade lang 'yung bukas. He peacefully sleeping. I'm happy because okay na sila ng daddy niya. No more fight na sana between them. Inayos ko lang 'yung blanket niya. Dahan dahan akong umalis ng kwarto niya.

"You're early today." Muntik na kong mapa-mura sa gulat.

"S-Sir Zach! I almost cursing you." Naka-hawak pa ko sa dibdib ko. Para naman kasing mushroom e! Bigla bigla nalang susulpot.

"Oh! My bad. You're checking him?" Tumango ako. Puso, kalma. Piste ka!

"Yes sir. Ano po palang ginagawa niyo dito?" Ngumiti ito. Tigilan mo 'yang ngiti na 'yan! Nakaka-tunaw. Bwiset!

"Crop that *po* I'm not that too old. I'm just passing by here." Sabi niya.

"A-Ah, okay. Alis na po ako. See you later sir." Dali dali akong umalis sa harap niya. Ang hirap ng ganito pero lalo kong mahahalata kapag umiiwas ako. Ano bang gagawin ko?

Nag palipas lang ako ng oras sa kwarto ko. Tinawag ako ni Chelsea mga bandang 7:45 am. Aalis na daw si Sir Zach. Huminga muna ko ng malalim bago lumabas sa kwarto. Ipagda-drive naman siguro kami ni Mang Bert. Sa likod ako sasakay. Hindi ko makaka-tabi si Sir Zach. Yes!

"Let's go?" Bungad niya ng makalabas ako ng main door.

"Nasaan si Mang Bert? Siya ang magda-drive di'ba sir?" Ngumiti ito.

"No, day off niya ngayon. Hop in." Pinag-buksan niya ko ng pinto ng passenger seat. No choice ako. Doon ako uupo. Ang malas ko talaga!

Tahimik lang kami buong byahe. Ang awkward ng feeling. Naka-tingin lang ako sa may bintana. Nakaka-boring, mahaba haba ang byahe na ito.

"Can I ask you a question?" Basag niya sa katahimikan.

"Go on." Sa bintana pa rin ang tingin ko.

"Bakit ka pumayag sa job na inalok ko sayo? Alam ko need mo ng pera. Some other reason?" I knew it. He's going to ask this.

"Honestly, I don't want to stay at my own house. Andoon 'yung mga nang- traydor sa'kin while I'm away. You want to know why?" Sa mga oras na 'yon tumingin ako sa gawi niya. He nodded.

"Yes. Makikinig ako." Binalik ko ang tingin ko sa may bintana.

"My long-term boyfriend cheating on me. Worst pa, yung younger sister ko 'yung nabuntis niya." I smiled bitterly.  "Pero tinanggap ko nalang. Wala din naman ako magagawa. Mas maganda takasan ko nalang sila. Kaya tuwing day off ko di ako umuuwi sa'min. Di ko pa kaya, pero magagawa ko din yon soon." Dagdag ko pa.

"You will forget it someday. Let's not talk about the rest of it." Tumango ako.

Mukhang hindi siya nagulat sa mga sinabi ko. Sabagay, iba iba naman ang ugali ng tao. At least nasabi ko na yung real reason ko. Naka masid nalang ako sa labas ng kotse. Isang mahabang araw na naman ito para sakin.




Cut! Good Evening mga bebelabs! Don't forget to leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (On-going)Where stories live. Discover now