Tagumpay niyang iniwan ang sikretong tindahan na 'yon na wala man lang pasabi. Mas binilisan pa niya ang kaniyang lakad upang marating na niya ang lugar kung saan siya dapat bumalik pagkatapos niya dito.

Wala pang isang oras ay nakabalik na siya Palasyo ng Azmar. Tahimik pa rin siya naglalakad mula bulwagan hanggang sa marating niya ang isang silid. Kahit na may dalawang kawal na naroon at nagbabantay ay hindi nag-abala ang mga ito na harangin siya. Tila kilala nila kung sino ang paparating.

Tumigil ang babae sa tapat mismo ng pinto. Inangat niya ang isang kamay niya at kumatok ng tatlong beses. Nanatili siyang nakatayo doon. Ilang saglit pa ay rinig niya ang malakas na boses mula sa loob ng salid. Binigyan siya ng pahintulot na tumuloy. Lumapat ang isang kamay niya sa bukasan ng pinto at pinihit ito. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto hanggang sa tumambad sa kaniya ang isang babae na mahaba at kulay itim na buhok. May nakikitaan ang magandang kurba ng katawan nito dahil sa manipis nitong suot na pampatulog. Walang pakialam ito kung halos lumuwa na ang kaluluwa nito sa harap niya. Nakatalikod ito sa kaniya at nakadungaw sa bintana ng silid na ito. Nang maramdaman ang kaniyang presensya ay doon na nagkaroon ng pagkakataon na humarap ito sa kaniya.

Ang kaharap niya ngayon ay ang asawa ni Prinsipe Arsalan.

Sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Lumapit ito sa kaniya. "Nakuha mo na ang mga inuutos ko?" tanong nito sa kaniiya sa malanding boses.

Tumango siya saka dinukot niya ang mga bagay na nakuha niya sa lihim na lugar na 'yon. Tahimik niyang ipinasa ang mga bote at ang papel na nakarolyo.

Masaya at halos nagsasayaw sa ang prinsesa nang napasakamay na niya ang mga ipinababawal na bagay na na hawak nito ngayon. Sa hitsura niya ngayon ay parang sigurado na ang pagkapanalo nito sa isang laban kung sakali. "Tiyak matutuwa ang pinakamamahal kong asawa sa oras na malaman niya ang bagay na 'to!" tumigil ito saglit at inilipat nito ang tingin sa kaniya. Humakbang ito palapit sa kaniya. Ito mismo ng humawi ang suot niyang hood. Mas namangha ang mukha nito nang makita siya. Nakita ng prinsesa ang kaniyang anyo.

Isang maputi, kulay ginto na buhok, at kulay lila ang mga mata pero hindi maitanggi na kasumpa-sumpa ang kaniyang mukha kung kaya todo ang iwas at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya upang hindi masilayan ang kaniyang mukha. Tanging prinsesa ng Azmar lang ang tanging may karapatan na makita ang kaniyang mukha. "Mukhang magaling ang pagkapili ko sa iyo nang gabi ng subastahan na 'yon."

"Ano pong binabalak ninyo?" sa wakas ay nagawa na niyang magtanong. Hindi niya maitanggi na nabubuhayan ang kuryusidad niya sa sinabi nito. Pero totoo din na isa siyang alipin at isang biyaya nalang din dahil ang prinsesa ng Azmar ang bumili sa kaniya sa kabila ng kaniyang anyo. Kahit na alam niya na wala siyang maitutulong sa pamilya na ito.

Masuyong dumapo ang isang palad nito sa kaniyang pisngi. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Magiging parte ka ng gagawin kong plano. Alam kong nabubuhay ka sa kalungkutan ngunit sa pamamagitan nito, magbabago ang 'yong buhay. Kung kaya... Ihanda mo ang 'yong sarili. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang pagsilbihan mo nang maayos ang Azmar, maliwanag ba...?" hindi pa rin nawawala ang tono ng boses nito ang kagalakan.

Pero bakit pakiramdam niya ay ginapangan siya ng kaba at takot sa sinabi nito? Alam niya na ganoon talaga magsalita ang prinsesa pero alam din niya kung papaano ito magalit sa oras na hindi sundin kung anuman ang gugustuhin nito. Maliban lang sa pinakamamahal nitong asawa. Saksi niya kung gaano kabaliw ang prinsesa ng Azmar kay Prinsipe Arsalan. Lahat ay gagawin nito upang mapasaya ang kaniyang asawa. Pero hindi na niya masundan kung ano ang binabalak ng mag-asawa na ito at pati siya ay madadamay!

"Maliwanag ba?" mas matigas nitong ulit.

Tila nagising ang kaniyang ulirat sa tanong na 'yon. Napalunok siya't kusang tumango. "M-Masusunod po, Kamahalan..."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now