Umiling siya at naglakad sa study table niya. Maingat niyang hinawakan iyon. “Makukuryente ka. Malikot pa naman mga kamay mo. Parang mga langgam.”

Umismid ako sa kanya. “Hindi ako tang a. I know how that works, Rhy. Hindi naman naka-on…”

“Naka-on, Aria.” Matigas niyang sagot bago itinuro ang pulang ilaw sa gitna ng mga wires. Hindi na ako nakasagot pa ang ngumiti nalang sa kanya. Who would’ve put that there anyway?

“Mata kasi gamitin sa pagtingin. Look lang, no touch.” He started to unwire some of those gently. I noticed how his mood immediately changed.

Maliit akong napangiti. Tumahimik nalang ako at sumandal nalang sa headboard ng kama niya. I know him too well to continue negotiating. Once Rhysand changes the topic, it means he’s done with the situation. He confronts me without restraining himself. Pero mabuti nalang din at sa pagitan naming dalawa, siya ang mas marunong makiramdam. Kapag sinabi kong ayaw ko ng pag-usapan pa, hindi na siya nagpupumilit pa. Unless he loses his control.

“Oh, akala ko ba mag-aaral ka?” he asked after few minutes.

Umiling-iling ako. “I’m tired. Bahala na bukas…”

“A consistent honor just said ‘bahala na’.” Napalingon siya sakin. His lips pursed before eyeing his work. Kumunot ang noo ko nang patayin niya ang laptop niya at itiniklop ang mga notebook.

“Tapos kana?” nagtaas ako ng kilay. “Hindi pa tapos yung mga solving mo diyan ah?”

He chuckled. “Chill. Review lang ‘to. I’m done for the night.” He keep his books on the side table. Iniwan niya lang ang ilan sa lamesa at tinago na rin ang laptop. My jaw dropped when he took something out from one of his drawers.

His brother’s keys?

“Rhysand! Kinuha mo na naman?!” I hissed and get up from the bed. “You’ll crash his car again!”

Mabilis akong umiling sa kanya dulot ng pag-aalala. Definitely, no. I know what he’s up to. Hindi ito ang unang beses niyang kunin ang susi ng kapatid dahil nagawa na niya ito noon para dalhin ang sasakyan sa eskwelahan at ipagmayabang lang! Him and his friends got in trouble that time. “Rhysand.” I warningly called him.

The last time I checked, hindi pa siya pwedeng mag-drive dahil hindi pa tapos ang driving lessons niya.

He only gave me a playful smirk. “Sasama ka o isusumbong kita na niyaya akong maglayas?”

“What the heck?” I folded my arms in front of him. “Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Ibalik mo’yan!”

His smile faded. “Just in case you haven’t notice, you’re missing a lot in life, Aria. Sigurado naman akong nabanggit rin ‘yan ng mga kaklase mo sayo?”

Dismayado ko siyang pinukulan ng tingin. “Missing a lot in life is not such a bad thing. Hindi niyo pa rin akong mapipilit na mag-party. Mas lalong hindi ako sasama sa inyo mag-hiking ng mga kaibigan mo! You know I’m not into fun and games, Rhy…”

“Hindi nga ba? O pinagbabawalan ka lang?”

Napaiwas ako ng tingin. The truth is, I haven’t thought of that too much yet. Hindi ko naman ginagawang big deal ang lahat ng mga bagay na hindi ko pa nararanasan. I would have a luxury of doing those after my studies. Right?

“Hindi na ‘yun mahalaga. Ang kailangan mong gawin ngayon ay ibalik iyan.” Tukoy ko sa susi ng sasakyan.

Seryoso niya akong tinitigan. “Kuya gave me the permission to use his car. Huwag ko lang daw dumihan.” He justified.

Platonic Hearts (Compass Series #1)Where stories live. Discover now