I activate my enhance hearing skills.

"Walang hiyang Cairon. Anong pinakain niya kay Rini at ganoon ang ipinapakita niya? Hindi karaniwang ikinikilos niya!" inis na inis na tanong ni Raegan.

"Hindi kaya ginayuman ang bunso natin, kuya?" matigas na wika ni Cederic. "Hindi ganito ang ating kapatid!"

"Wala na tayong magagawa, baka malay ninyo... Nahulog na talaga ang kamahalan sa prinsipe na tagapagmana?" kaswal na opinyon ni Caldwell. "Tutal naman ay mag-asawa na sila. Hindi na maiwasan 'yon."

"Huminahon po kayo, mga kamahalan." natatawang awat ni Houstin.

"Audrick!" rinig kong boses ni Vencel. Agad ko 'yon binalingan. Nakasimangot siyang papalapit sa amin. Napasinghap ako nang bigla niyang kinuwelyuhan si Emperador Audrick. "Anong ginawa ninyo sa bunso ko?!"

"H-Ha?"

"Huwag kang painosente, Audrick! Sabihin mo, ginayuuma ba ng anak mo ang anak ko?!" angil pa niya. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Vencel, tama na." awat pa ni Emperador Nerius. "Wala tayo sa mga teritoryo ninyo upang magsagupaan kayo."

"Wala akong ginagawa! Sadyang nagmamahalan silang dalawa." kalmado niyang tugon.

"Papa!" malakas kong tawag kay Vencel. Bigla kong niyakap ang kaniyang braso. "Tama na po 'yan, saka tama po si Emperador Audrick." ako na talaga ang umaawat sa kanila. "At saka, ginagawa ko po ang tungkulin bilang asawa ng prinsipe na tagapagmana. Kailangan ko din siya suportahan."

"Rini..." nanghihinang tawag sa akin ni Vencel. Humarap siya sa akin saka hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Sigurado ka ba?" madamdamin niyang wika, kahit ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Okay, he looks like a puppy now.

Ngumiwi ako. "Oo naman po, papa. Wala po akong ininom na gayuma o anuman po."

Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga saka bumitaw na siya. "Hindi pa rin ako sanay na ibang tao na ang nakakapagpapasaya sa iyo at nagiging ganito ka." lumaylay ang magkabilang balikat niya. "Oh siya, kung susuportahan ng aking bunso ang kaniyang asawa, bukod sa mga prinsipe ng Cyan, siguro ay kinakailangan ko din suportahan ang aking manugang."

Sa huli ay naging kalmado na siya. Ang pinagkaiba lang ngayon ay tumabi siya sa amin kahit na nagtaka at nasopresa pa ang ibang manonood. Dahil hindi lang ang emperador ng Cyan ang tumabi sa amin. Kungdi pati na rin ang mga Emperador ng Oloisean at Severassi. Daig mong binabantay-sarado ako ni Vencel sa lagay na ito. Seryoso siyang nakaupo sa isa pang gilid ko. Nakahalukipkip at tamad ang tingin ang nakaukit sa kaniyang mukha.

Ilang saglit pa ay mag-uumpisa na ang laban. Syempre may prelimanary round. Nakahanda na ang sinasabi natin na the list---that's the barrier that the horse is charged down. Ang unang magkalaban ay mga taga-ibang Imperyo pero nagawa pa rin namin panoorin ang mga ito. Ang iba sa mga manonood na naririto ay naghiyawan, as if they're placing their bets or what. Pero ako, tahimik lang din na nanonood dahil wala pa ang mga manlalaro na hinihintay ko. Ang tanging chinicheer namin ay ang apat na Imperyo. Nalaman ko na hindi pala kasali sina Calevi at Dilston sa jousting, sa halip ay kasali laman sila sa dalawang palaro. Ang mga kabalyero nila ang kasali sa laro ngayon. Until they reached the final round.

Nang marinig namin ang abiso na ang sunod na magkakalaban sa jousting ay ang Thilawiel at Azmar, doon na kami naexcite. Hindi man si Otis ang lalaban kungdi si Ginoong Arundel ay hindi namin pinaglagpas. Muli akong tumayo ba hawak pa rin namin ang tela bilang pagpapaabot ng aming suporta. Hindi lang ako, maski si Eglantine ay napatayo na din na nakadikit mga palad niya. Mataimtim siyang nakatingin sa kakalabas lang ni Ginoong Arundel, kasama ang kaniyang squire na tutulong sa pag-ayos ng susuotin niyang kalasag pati na rin ang pag-abot ng mahabang sibat na gagamitin niya. Meron din isang lalaki na hatak-hatak ang sasakyan niyang kabayo.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now