"Pero teka, bakit kaya puro lalaki kilala ni ma'am?"

"Oo nga no? Tapos parang pamilyar pa sa'kin si ma'am."

Naka itim na fitted shirt? Si Joaquin 'yon eh!

"Kailangan n'yo eh salamin, hindi lalaki, mga gago 'yang mga 'yan, para lang informed kayo, masyado kasi kayong naglalaway eh." Asik ko bago nilingon ang tatawa-tawang mga sira. "Hoy kayo, magsi-order na kayo. Alam ko namang nag-aantay lang kayo ng libre eh. Ang papanget ng taste n'yo, jusko!" Sabi ko bago dinukot ang telepono ko ng maramdaman ko 'yong nag vibrate. Sino naman kaya 'tong letcheng 'to.

Text.

'An eye, for an eye. I hope you are ready to die Bella Iverson AKA Majesty!'
                          +6394******06

Wow.

Lame. Psh.

"Ma'am, m-may pangbayad po ba kayo? H-halos inorder po kasi n-nila lahat--"

Inilabas ko ang wallet ko at tsaka dinukot doon ang gold card ko bago 'yon ibinaba sa lamesa. Napakadami pang kuda juskuday!

"G-gold card?!"

"Do you love your job?" I asked her.

Itinukod ko ang dalawa kong siko sa lamesa bago s'ya tinignan ng deretso at tsaka s'ya nginitian.

"Yes naman ma'am! Kahit hindi ko pa nami-meet yung may-ari ng store ang sabi mabait daw s'ya eh. Ate, baka pwede mo naman akong ilakad do'n kay poging naka black shirt oh." Sabi n'ya bago kinuha ang card ko sa lamesa tsaka s'ya lumingon kay Joaquin na nasa amin din ang tingin.

Umakto pa 'tong impaktang na 'to na kinikilig kaya naman nag-init ang dugo ko sa hindi malamang dahilan.

"Do you love your life?" Sabi ko bago sumandal.

"Bella that's enough." Rinig kong sabi ni Von. Umirap nalang ako bago humarap sa laptop ko pero--

"Ate sige na oh. Mukha namang ako ang type ni kuya eh. Kanina pa tingin ng tingin sa'kin oh--"

"You're fired, you may leave." I said before closing my laptop and crossing my arms in front of my chest.

"Oof."

"Girl, tama na 'yan!"

"Shit, yari s'ya!"

"Syet, kaya pala pamilyar si ma'am!"

"Ouch."

Maging sina Von ay nag react dahil sa sinabi ko. Etong si Blake at Mr. Dawson naman na 'to ay ngingisi-ngisi lang na pinapanood ang pag sa-sagutan namin nitong babae na 'to.

"P-po? Ma'am patawa po kayo hehe. Hindi naman po kayo ang may-ari--"

"Anong description ng mga nakakakilala kuno sa may-ari ng shop na tayo?" Tanong ko sakan'ya at tsaka s'ya binigyan ng mapanubok na tingin.

"'Yon nga po ma'am kaya po hindi nga po kayo yung may-ari kasi sabi po sa'kin, mabait daw at maunawain." Sabi n'ya na parang nakakatawa ang sinasabi ko sakan'ya.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito katibay na mukha ng isang staff na nakikipagchikahan sa oras ng trabaho n'ya at mas lalo pa na nagpapalakad sa isang kostumer lang. Yawa talaga oh.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now