Wait, ano bang nangyayari? Bakit pakiramdam ko ay malaking paglilitis na magaganap dito? Masyado bang malaking kasalanan ang ginawa ko ?

Kusa kaming tumigil ni Otis sa harap ng mga Cairon na seryosong nakaupo sa kani-kanilamg trono. Lumunok ako pero pilit ko pa rin itinatago ang kaba sa aking sistema.

Bumitaw ako mula sa pagkahawak at sabay kaming yumuko ni Otis upang magbigay-pugay sa Pamilyang Imperyal ng Thilawiel. "Binabati po namin ang mga kamahalan." sabay naming bati sa harap nila. "Hinihiling ninyo daw po ako makita, kamahalan." ako na ang nagsalita ng pangungusap na 'yon.

"Tama, Prinsesa Styriniana. Hinihiling ko nga ang 'yong presensya." seryoso niyang sagot. "Siguro naman ay may palagay ka na kung bakit kita ipinapatawag ngayon dito?"

Tumayo ako ng tuwid. Marahan kong idinapo ang aking mga palad sa aking sikmura. Isang seryosong tingin ang iginuhit ko sa aking mukha, para hindi nila malaman na hindi ako natatakot sa kanila kung anuman ang ibabato nila sa akin, masasama man 'yon o masakit. "Ang totoo po, ay wala po akong ideya kung bakit po ninyo ako ipinatawag, kamahalan." pag-amin ko.

Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa aking paligid na mas lalo ako naguguluhan pero nanatili akong nakatingin sa mga Cairon. Ano ba talagang problema nila?

Kumawala ng malalim na buntong-hininga si Emperador Audrick. "Nalaman namin na pumunta ka sa Prerradith nang nag-iisa, maliban sa dalawang Diyos ng Cyan at sinalakay mo ang Imperyo na 'yon nang hindi namin nalalaman." seryoso niyang sambit. "Kasalukuyan kang nagdadalang-tao, Prinsesa Styriniana. Dala mo ang magiging prinsipe na tagapagmana sa mga susunod na henerasyon."

Natigilan ako. I knew it. Ito ang dahilan kung bakit niya ako ipinatawag. Parang huminto sa pagtibok ng aking puso. Muli ako napalunok. Unti-unti ko na nararamdaman ang mamumuo ng aking pawis sa aking noo. I secretly gritted my teeth. Humigpit ang pagkahawak ng mga daliri ko sa tela ng aking palda. Pumikit ako ng mariin. Marahan akong yumuko at lumuhod sa harap nila. Muli ako nakarinig ng ingay sa aking paligid. Rinig ko din ang nag-aalalang tawag sa akin ni Otis. Lumuhod siya saka hinawakan niya ako upang aluhin.

"Patawad kung ipinag-alala ko po kayo, kamahalan." pilit kong maging kalmado sa harap nila. "Patawad kung hindi po ako nag-iingat lalo na't dala ko po sa aking sinapupunan ang magiging prinsipe na tagapagmana... Ang anak po namin ng kamahalan, ang Prinsipe Otis." unti-unti ko na rin nararamdaman ang panginginig ng aking mga kamay. "Patawad din po sa pamilyang Albelin, sa mag-amang Levanadel... Lalo na po sa aking pamilya... Ang mga E-Eryndor." oh no, Rini... Huwag kang bumigay. You need to manage your hormones no matter what!

"Rini..."

"Kaya ko lang po ginawa ang bagay na 'to ay dahil sa desperasyon na mailigtas ko po ang aking kaibigan, ang kaibigan ng aking pamilya at kaibigan ninyo din..." dagdag ko pa.. Oh, dmn these tears, huwag muna ngayon! "Dahil sa ginawa ko pong kasalanan, tatanggapin ko po ang magiging papatawin ninyong parusa para sa akin. Malugod ko po itong tatanggapin..."

Mas umingay ang mga tao sa paligid. Bakas sa mga boses nila na hindi makapaniwala na masasabi ko ang mga bagay na ito. Pero totoo... Kung hindi katanggap-tanggap sa kanila ang ginawa kong hakbang, at kasalanan ko din naman, tatanggapin ko kung anong kaparusahan na ibibigay sa akin.

"Ama!" malakas na tawag ni Otis kay Emperador Audrick. May bahid na pinaghalong saklolo at pagkabigla. Na para bang hndi ito ang inaasahan niyang mangyari. "Kung paparusahan ninyo ang prinsesa na tagapagmana, idamay ninyo na po ako! Bukal sa loob kong tatanggapin at makibahagi ng magiging kapalaran niya!"

"P-Prinsipe Otis..." hindi makapaniwalang bigkas ni Emperador Audrick sa kaniyang unang anak.

Natigilan kaming dalawa nang may humarang sa harap namin. Si Vencel! Hindi lang siya, kahit ang Emperador ng Oloisean at Emperador ng Severassi. Nasa harap din namin ang mga kapatid ko, sina Caldwell, Ceola at Houstin. Seryoso ang kanilang tingin. Ganoon din sina Dilston at Calevi.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now