Biglang natawa si Aravana. "Mahal ko, hindi mangyayari ang kinakatakutan mo. Bago ako umalis sa aming mundo ay nakiusap ako kay Cotton na gawin akong mortal. May ipinainom siya sa akin na isang uri ng gamot at noong tumapak ako sa mundo mo, simula na rin na nawala ang katangian ko na maging bata habang buhay. Kaya nga sinabi ko na sabay tayong tatanda at mamamatay dahil isa na rin akong mortal, isang tao na tulad mo."

Nanlalaki ang mga mata na napatitig sa kanya si Third. "Totoo ba 'yan? Hindi mo ba ako binibiro?"

"Bakit naman kita bibiruin? Totoo ang sinasabi ko kaya alisin mo na ang takot d'yan sa puso mo dahil hinding-hindi na ako mawawala sa piling mo."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin 'yan? Alam mo ba na alalang-alala ako sa bagay na iyon?"

Natawa si Aravana. "Hindi ka naman nagtatanong. Pero huwag ka nang mag-alala. Kung sakali man na isa pa rin akong diwata at ikaw ay mortal, hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa 'yo. Ikaw lang ang una at huling lalaki sa buhay ko. Mahal na mahal kita."

Napangiti na si Third. "Mahal na mahal din kita. Ikaw ang buhay ko, Aravana."

Napangiti si Aravana pagkuway nagkatinginan sila, parehas may kislap sa mga mata.

"Mag-iisang taon na pala si Darius, baka puwede na natin siyang sundan?" sabi ni Third.

"Hmm, bakit hindi?"

Napangiti si Third pagkuway bumangon na at binuhat ang kanilang anak para mailagay sa crib nito na nasa di kalayuan ng kama nila. Matapos niyon ay inilatag ni Third ang puting kurtina sa bawat poste ng kama para maging harang nila.

"Dito tayo? Saka paano si Darius? Baka magising siya."

"Hindi 'yan, saka huwag lang tayong maingay." Kumindat pa ito sa kanya. Kinilig naman siya.

Mayamaya lang ay ibinangon siya ng kanyang asawa at hinalikan ang mga labi. Sabay na rin nitong hinuhubad ang suot niyang manipis na pantulog habang siya ay tinutulungan na rin itong maghubad. Nang mawala na ang sagabal na saplot ay pilya niyang hinawakan ang pagkakalaki nito. Nilaro iyon ng kanyang kamay at pinagpala ng kanyang bibig.
Hindi na siya nahihiya na ipakita ang pagiging pilya niya, gusto niya na masiyahan din ito sa kanilang pagtatalik. Unti-unti ay natuto rin siya dahil tinuturuan siya ng kanyang asawa. Ilang saglit pa ay narinig niyang umungol ito. Nang matapos ay nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang ngiti ng tagumpay sa labi nito.

"Lagi mo talaga akong pinapasaya, ano?" sabi nito saka siya hinila at ngayon ay nasa ilalim na siya nito. Saglit siyang tiningnan ng asawa pagkuway sinakop ng dalawang kamay nito ang dibdib niya na kahit nagpapa-suso pa rin kay Darius ay tayong-tayo pa rin at mabilog pa. "Simula nang magkaanak tayo ay mas lalong gumanda ang dibdib mo."

"'Yan lang talaga ang napansin mo, ha? Ang naughty mo talaga."

"O, bakit?"

"Hindi mo ba napansin na nagkaroon na ako ng nunal sa gitna ng dibdib ko? Ikaw, ha? Sa sobrang pagkasabik mo para magtalik tayo ay hindi mo na napansin ito. Ito ang isa sa patunay na tuluyan na akong naging tao dahil nagkaroon na ako ng ganitong mga tanda na tulad lamang sa inyo. Kaming mga diwata ay walang anumang marka katulad nito. At alam mo ba kanina ay nakita ko ito," itinaas niya ang kaliwang kamay para ipakita rito ang birth mark niya, kasinglaki iyon ng piso. "May birthmark na rin ako sa kili-kili ko."

"Oo nga, ano?" Napatingin din ito sa buhay na nunal niya sa gitna ng dibdib. Kasinglaki naman iyon ng black peppercorn. Hinaplos nito iyon pero saglit lang pagkuway ngumisi ito. "But anyway, masisisi mo ba ako? Napakaganda mo kaya palagi akong nasasabik sa 'yo."

"Pilyo!" Natatawang pinisil niya ang ilong ni Third. "So, wala ka na dapat na alalahanin. Hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan at habang buhay tayong magsasama." Napangiti na lang si Aravana. "Siyanga pala, ang gusto ko pala na maging anak natin sa susunod ay babae, tapos ay papangalanan natin siyang Verdana. Isunod natin ang tunay na pangalan ni Cotton sa ating anak, ha?"

"Why not? Pero mas maganda kung kambal na babae ang magiging anak natin. Gusto ko na pangalanan din siya na Antonette. Alam mo na, dahil binantayan niya ako noong wala ka sa tabi ko."

"Si Verdana at Antonette. Maganda ang naisip mo pero paano natin masisiguro na kambal na babae ang magiging anak natin?"

Ngumiti ang kanyang asawa. "May alam akong position, gusto mo ba?"

"Gusto ko! Maaari na ba nating gawin?" May kislap ng tuwa ang mga mata na sabi ni Aravana.

Napangiti si Third pagkuway hinawakan ang kanyang baywang ay inikot siya. Ngayon ay siya na ang nasa ibabaw nito.

Napaungol na lang si Aravana nang maramdaman niya nang buong-buo ang pagkalalaki nito sa loob niya.

"Heto ba ang sinasabi mong position para magkaroon tayo ng anak na kambal?"

"Yes, ito nga."

Napangiti si Aravana pagkuway nagsimula nang gumalaw sa ibabaw ng asawa. "Kung gano'n ay sabayan mo ako, ha?"

"Masusunod,  Mahal kong Prinsesa Aravana."

At sa mga sumunod na oras ay tanging mga halakhak, ungol at daing ang tanging maririnig sa loob ng kanilang silid.

The end...

SERENITY ZULLEGA

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon