🌘Moon 73:Badmood Day

365 23 2
                                    

Devon Solaire

Sa bawat paglipas ng oras at araw,mas lalong nagiging tensyon at kabado ako.

Ilang araw na lang,at hindi pa rin ako sigurado kung pumayag talaga si Leader Lunox sa plano ko. Anytime,he can changed his mind and sticked to his own plan. The War.

I sighed as I sat one of the bench. Maraming nakakalat na nilalang tulad ko. Kaniya-kaniya silang lakad,takbo o kung saan pa man sila patutunguhan.

Hindi man nila sabihin,nakikita ko sa mga kilos at mata nila na kinakabahan din sila.

Napabuntong hininga ulit ako at sumandal sa bench. Nasaan kaya si Crush? Kahapon ko pa siya hindi mahagilap. Nakakamiss ang presensiya niya.

I remembered when we first met. Our first encounter. Napangiti ako. Hindi ko makakalimutan ang alaalang iyon.

On how he spoke with me using his baritone voice. Ang kulot niyang buhok. Ang mga ngiti niya,his corny lines and sweet gestures. I missed him,already.

Napasibangot na lang ako bigla nang maalala ang nasa leeg ko. Nakakainis kasi hindi na matanggal tanggal. Ilang beses ko nang kinuskos,sinabon at kung anu-ano pa,hindi pa rin matanggal. Parang sumpa ba,parang.....marka.

Bigla na lang namilog ang mata ko sa napagtanto. Geez! First,he's my mate. Pero hindi ko alam kung anong klaseng mate–then,he left me with kissmarks. Sabi sa librong nabasa ko,ang mga gumagawa lang nito ay ang mga bampira....

Kung ganun.....what the...No way!

Vampires had many mates at malibog! Idagdag mo pa na may pagka possessive daw sila if they loose their patience. I cannot!

"What's with the grumpy face?"

"I cannot....." halos pabulong ko at dumukdok sa binti ko.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Ano na naman kayang problema ng gumiho na ito?

"Hey. You okay? Para kang binagsakan ng langit." agad ko siyang hinarap at sinamaan ng tingin. Tumawa lang ito.

Buti na lang at nakaturtle neck ako na may mahabang manggas ang suot ko ngayon na pinarisan ng pantalon at boots. Hindi na masyadong malamig pero wala pa ring araw.

"What are you doing here,Stan? Kung manggugulo ka lang at walang kwenta ang mga lalabas sa bibig mo,better leave." pangongompronta ko rito at inirapan siya.

"Harsh mo naman! Hindi kayo magka ugali ni Ara—."

"Dahil hindi ako si Ara! Magtigil ka nga diyan,Stan?! Go find your living Ara!" mataray na pagtataboy ko rito na ikinanguso niya. Imbes na umalis,sumandal pa ito sa bench at nagdekwatro. Hayst!

"Ang sungit mo sa'kin! Pero sa mate mo hindi!" tila nagtatampo nitong angal kaya binatukan ko siya.

"Aray!" daing niya.

"Itikom mo yang bibig mo,Nine tailed gumiho! Baka di ako makapag pigil at gawin kitang yelo!" inis na sambit ko rito. Inirapan niya lang ako at padabog na tumayo.

"Attitude ka,ghorl?! Magbreak sana kayo ng bukambibig mong boyfriend mo! Hmmmpp!" mataray na aniya nito at iniwan na akong nanlalaki ang mata. Bw*sit na iyon!

Malalim akong bumuntong hininga at kinalma ang sarili. Nasaan na ba kasi yung apat? Ang sabi may kukunin lang pero di na bumalik at iniwan na ako dito. Psh!

"Devy,devy,devy!" napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang sumisigaw sa pangalan ko. Ang lakas pa naman ng sigaw nito tapos agaw pansin sa mga estudyante.

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now