🌗Moon 57.2: Reflection's Riddles

403 22 0
                                    

Devon Solaire




That crazy w-tch is controlling me!

Ilusyon ko pa rin ba ito? Nag mumukha nang hindi eh! Kung ilusyon ko ito,anong klase naman kaya?

Una,sinubok ang emosyon ko which is Emotionally,hindi kaya, Mentally naman ngayon? Napabuntong hininga nalang ako sa tamang hinala.

Mukhang mababaliw ako rito?!

Nanuod na lang ako sa salamin since kontrolado ako ng baliw na yan,naglaban silang dalawa. Nag gagatungan sila ng usap ngunit wala akong naririnig.

Perks that w-tch! Geez.

Ilang sandali pa ay nahawakan nito ang noo ni Tita Desseri na parang nahipnotismo din.

Biglang bumalik sa dati ang salamin at nakita ko dun ang repleksiyon ko. Ang repleksiyon kong baliw.

"So how is it,Devon? Akala ko ba wala akong pamana sa bisita natin? Ang taas pa namang ng ekspektasyon ko sakaniya" tila nalulungkot pang aniya. Seeing myself with her, not in my dreams to be like her,crazy.

"Uh. I just underestimate a crazy witch eh?" bagot na sambit ko. Biglang bumalik sa dati ang katawan ko at nakokontrol ko na rin ang sarili ko.

"I told you,before. I'm going to do anything to have you play with me. I guess,you're not satisfied." nanghihinayang na aniya at kalauna'y ngumisi na parang may naisip na naman.

"Aha! I know now how you deal with me! I'm really sure you can't reject my game" sabi nito na tila nagbabanta at nawala na lang salamin. I balled my fist.

Umiba muli ang salamin. At dun,nakita ko ang nakagapos na sina Tita Desseri at Copycat sa isang upuan. Wala silang malay.

Parang nasa maluwag na bahagi sila ng parte sa lugar na ito. Wala akong nakikitang mga salamin sa paligid kung nasan sila.

Mas napasinghap ako ng magpakita ang repleksiyon ko dun hawak si Mama na nakagapos na rin sa upuan at walang malay. Nanlumo ako ng makitang ang dami niyang sugat at punung puno ng dugo ang unipormeng damit nito.

Mas napakuyom ko ang kamao ko. What did they do to you,Mama?

"Papayag ka na,hindi ba?" aniya at tumawa ng malakas. Hindi ko marinig ang tawa nito sa kinalalagyan ko,geez. Nasa malayong parte sila!


"Bring it on,Witch!" galit na sambit ko rito at sinamaan siya ng tingin mula sa salamin. Hinaplos haplos nito ang buhok ni Mama at tumawa muli.

"Yun oh! Akala ko magmamatigas ka pa rin at hindi na mapapayag pang makipaglaro sa akin?! Huling pagsubok mo na ito kaya dapat magsurvive ka sa sarili mong Ilusyon,okay?" aniya at may hinagis sa direksiyon ko. Tumagos iyon sa salamin at nahulog sa paanan ko.

Agad kong pinulot ang wrist watch na tinapon niya sa akin at sinuot. Kailangan ko ito upang matantiya kung kailan ako matatapos.

Napatingin ako sa orasan at 1:50 P.M. na pala.

May 6 hours and 10 minutes pa akong natitira.

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now