Moon 1: First Encounter

1.6K 54 0
                                    

Devon Solaire

"Nana,aalis na po ako." paalam ko at dali daling lumabas ng mansion.Saktong tumigil ang bus na sasakyan namin patungong daungan ng mga barko.


"Mag-iingat ka,'nak."

Patakbo akong pumunta dun at pumasok,mukhang ako nalang ang kulang.Okupado na ang lahat ng upuan pwera sa isang lalake sa pinakasulok na naka hoodie na nasa gilid ng bintana.

Sa tabi niya na lang ang bakante kaya dun na ako umupo.

Inilabas ko ang libro ko at nagbasa tungkol sa mga gamot.Muling umandar ang bus at umingay naman ang mga katulad kong teenager sa bus na ito.

Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.Inayos ko muna ang salamin ko at mahinang tumikhim saka inilipat ang page nito.

Ako si Devon Solaire.Labin pitong taong gulang. Ang mga magulang ko ay nagtatrabaho sa Moon Academy bilang propesiyonal na manggagamot at gusto ko ring maging kagaya nila.

Hindi kami-ako,pangkaraniwang mortal lamang.Meron kaming mahika at may sariling mundo na ang tawag ay 'Luna' mga katulad kong may mahika.

"Ey,Crush? Nandito ka din?!" napasulyap ako saglit sa matinis na boses ng babae na tinitingnan pala ang katabi ko.

Maganda siya pero ang creepy ng pananamit niya at make up. Black. Pero bumagay naman ang kutis nito sa suot niya.

But the weird is,she's calling Crush on this weird guy na katabi ko na nakasulyap lang sa bintana na parang walang pakialam.

Ipinokus ko na lang ulit ang pagbabasa.

"Ay,ang famous mo naman Crush......hmmmp!" muling sambit ng babae at humalukipkip,on what I saw in my pheripheral vision.

Itinago ko na ang librong binabasa ko ng mapansing bumabagal na ang takbo ng bus,senyales na nandito na kami.

Nagsihanda na kaming lahat at bumaba ng bus.

Muntikan pa akong natisod nang may tumulak sa akin, mabuti na lamang at nahawakan ako sa kamay nung lalakeng katabi ko kanina.

We looked at each other.

Eyes to Eyes....

Kahit nakahoodie ito ay pansin ko pa rin ang magaganda nitong mata.Pero agad itong naputol nang nauna na siyang lumabas ng bus.

What was that?! Weird.

Mahigpit kong hinawakan ang travel bag ko at sinundan ang mga kapwa ko teenager papunta sa napakalaking barko na kulay ginto.

"Excited na ako! Ano kayang itsura ng Moon Academy?" rinig kong sambit ng babae sa kapwa niya babae na halatang excited din.

"Siyempre,maganda at magical 'no. Akalain mong napili tayong dalawa kahit taga Seleno tayo."
answered the girl and giggled.

[Seleno - tawag sa lugar ng mahihirap na angkan.]

"At maraming mga pogi!" kinikilig na aniya pa ng kaibigan nito.Napailing nalang ako at nakarating na din sa taas ng barko.

Marami kaming pupunta sa Moon Academy para mag aral. A different lunaphiles from different places.

Ang Moon Academy ay iskwelahan ng mga piling estudyante.Kumbaga mix. Pinipili nila ang malalakas,mautak,at may kakayahang protektahan ang aming Luna.Ngunit nandun ako upang matutong gumamot,hindi lumaban.

Tumunog ang barko senyales na aalis na kami.Pumunta ako sa harap ng barko na ikinasunod ng iba.

Hinawakan ko ang bakal nitong hawakan at pumikit ng mariin saka bumuntong hininga.

Atat na akong malaman kung sino,kanino at bakit ako binabagabag ng isang tinig gabi-gabi.

"Look! A mermaid!" napalingon kaming lahat sa dinuro nung lalake na mukhang taga Seleno base sa pananamit at boses nito.

"Duh! We already know Seleno people. Ngayon ka lang ba nakakita ng sirena?!" mataray na sambit nung babaeng katabi ko at nag flip hair.Napayuko yung lalake at umalis dahil sa kahihiyan.

"Hey,Novel! Why did you do that?!" awat nung matinis na boses ng babae.Yung tumawag ng Crush sa katabi ko. Ang weird dahil naka black din itong si Novel. Anong angkan ba sila at puro naka itim ang trip nila?

"Serves him right! Nakakainis kasi ang mga Seleno Groups! They're a useless hunters and huntresses!" parinig niya pa sa iba.Mukhang scandalous si Novel.

Humigpit ang hawak ko sa bakal at pumikit ng mariin.

'Oh oh oh oh'

Napadilat ako ng mata ng marinig ang tinig na yon.Mas malapit.

"Gosh!"

"Ay,ano ba yan?!"

"Ang lamig!"

"Who's magic is this?! D*mn!"

Nakunot ang noo ko ng marinig ang samu't saring reaksyon ng mga kasama ko.At dun ko lang napagtanto na nabalutan na ng yelo ang bakal.Geez.

Agad akong bumitaw at di gumawa ng aksiyon.Kaya itong si Novel nagpakitang gilas at naglabas ng apoy sa kamay na ikinamangha ko.

A fire user? Great.But My ice can't melt easily.Lumayo kaming lahat sakanya upang walang madamay.

She hold the metal tightly and gave forced to her fire para matunaw ang yelo.

I snapped my fingers secretly at biglang nawala ang yelong nakakapit sa bakal. Nagulat naman si Novel so I grinned sneakily.

"Novel." napalingon naman kaming lahat sa taas at yung nakahoodie na lalake pala.

"Crush!" Bulalas nito at kumaway saka ngumiti ng malawak.Nakunot muli ang noo ko.

What's his name again? Ah, Crush. Yung tumulong sa akin sa muntikan nang pagkakatisod kanina.

"You're stupid." matapos niyang sabihin iyon ay bumungisngis ang lahat.Imbes kasi na ice ang natunaw niya,yung bakal ang kawawa.

Pagkatapos ng walang ka-kwentang pangyayari ay napagpasyahan ko munang pumunta sa cabin na naka destinuhan ko.

Inilapag ko muna ang gamit ko at umupo sa kama.Inilibot ko ang paningin ko dito.

Isang kabinet na gawa sa kahoy at nakakabit ang salamin doon,isang kamang malambot at sa tabi nito ay study table at may lampshade sa ibabaw. Merong bookshelf at flower vase sa itaas noon. Merong isang pintuan na sa tingin ko'y banyo. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang salamin ko saka inilagay sa study table at humiga bago pumikit.

So many things happened today. My body is tired and yet I didn't done anything.

I'll rest for now. Malayo pa Ang Moon Academy.

-binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now