🌘Moon 69:That Feeling.....

369 19 3
                                    

Devon Solaire


7 DAYS LEFT before the war. Wala nang bumabagsak na snow pero malamig pa rin ang tyempo.

Pwede nang mag ensayo ang mga estudyante muli upang mapalakas pa at maprotektahan ang akademya.

May invisible barrier ang Moon Academy na gawa ng isang malakas na spirit kaya hindi makakalusot ang anumang halimaw na dadagsa pataas rito.

As usual,wala na naman kaming ginagawa at tumatambay lang din sa training ground. Katatapos lang namin gumawa kanina ng napakaraming potions na magagamit kaya tinanghali.

Tapos na rin kaming  mananghalian at oras na ng pahinga. Sayang na naman at hindi ko natyempuhan si Papa o kaya nama'y si Mama  o kahit mga kaibigan lang nila.

I sighed as I  leaned on the wall. Nasa isang room kami at nag eensayo naman ang apat. Sparring daw.

I looked at my ring. Agad ko itong hinawakan at napangiti. That night was unforgettable for me. Finally,officially kami na talaga,for real.

Napahawak naman ako sa suot kong couple blue necklace na suot ko at ang couple t-shirt din na kulay itim. May tatak ito na Forever. Yung naka'y Crush ay Mine naman ang tatak at itim din.

Imagined how sweet of Crush. Hayss....

"Devon! May deliver ka!" sigaw ni Heaven kaya agad akong napalingon sakaniya na kinikilig na.

Kumunot ang noo ko ng makitang hawak niya ang isang pulang di kalakihang kahon. May laso pa ito.

"San galing?" kunwaring tanong ko kahit alam ko na kung kanino galing.

"Secret admirer. May letter C sa note eh,tapos may I love you pa" basa ni Savannah na nakiusisa pati ang dalawa.

"Awieet!! Sana may magbigay din sa'kin." naiinggit na kinikilig na aniya Emerald.

"Ang sabihin mo,sana may secret admirer din tayo." gatong ni Courtney at sabay na nagtilian.

Agad ko namang kinuha ang nagmumukhang regalo na binigay ni Heaven.

I love you,love❣️.
-C


Tama nga ang sinaad nila.

"Buksan mo na,Devon!" excited na sambit ni Courtney. Agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang nakahilerang tsokolate.

May note pa sa ibabaw nito kaya agad kong binasa.

'My love for you are like chocolates. Full and sweet.'

I smiled. Ang corny niya. Kaso nga lang......hindi ko type ang tsokolate.

"Kyaaaahhhh!!! Sino ba yan,Devon! Kinikilig ako!!" napalingon ako kay Heaven na nangingisay na sa kilig at hinampas hampas pa ang braso ni Emerald na napangiwi.

"Aray ko,Heaven! Mapanaket ka na eh!" awat ni Emerald at lumayo.Napanguso naman si Heaven.

"Pahingi ng tsokolate,hindi mo naman mauubos yan eh!" aniya Savannah at inagaw ang kahon na naglalaman ng tsokolate.

"Hoy,pahingi naman!" angil ni Courtney. Naki agaw naman sina Heaven at Emerald. Nilantakan na nila yung tsokolate. Napangiti ako ng makita ang mga itsura nila.

"Para kayong mga bata." biro ko. Nagsipunasan naman sila ng mga bibig.

"Hehe,lagot kayo inubos niyo yung tsokolate ni Devon." aniya Heaven

"Anong kayo? G*ga! Tayong apat ang nakaubos!" asik ni Savannah

"Enough guys. Ayos lang,ayoko rin naman ng tsokolate." awat ko sakanila at tumayo na saka binulsa ang note sa pantalon at pinagpagan ang pang upo ko saka lumapit sakanila.

"Awts! Sayang naman yung effort ng secret admirer eh ayaw mo naman pala ng tsokolate." napakunot noo ako sa sinabi ni Emerald na nanghihinayang pa ang tono.

"Paanong sayang? Eh kinain niyo naman na." tugon ko.

"O siya. Mauuna na ako." paalam ko pa at nilagpasan sila.

Lumabas na ako ng training ground at nagpasyang pumunta muna sa rooftop kung saan ang spot namin ni Crush tuwing magkikita.



Ilang minuto ay nakarating na agad ako sa 5th floor ng HB,kung saan ang dormitories at patungong rooftop.

May lilikuan ka pa patungo dun at may hagdan pataas kaya medyo nakakapagod.

Lumiko ako at napatigil nang may makitang naghahalikan. Napangiwi ako at napaiwas nang tingin dahil grabe yung couple na maghalikan. Nakaharang pa sila sa daanan ng rooftop kaya tumalikod na lang ako.

Though,parang pamilyar yung lalake dahil puti ang buhok niya at may katangkaran.

I was about to take a step dahil baka maabala ko sila ng hindi ko inaasahan ang marinig tungkol sa isang boses ng babae.

"Sino ngayon ang mahal mo,Baby? Ako o yung mate mong healer?"

Lumingon muli ako. Mukhang hindi nila napapansin ang presensya ko.

HEALER? MATE?

"Of course,it's you,Baby." I gasped when this,second time,I heard his baritone and cold voice.

Parang may naramdaman akong bigat sa dibdib ko,biglang bumibilis yung tibok ng puso ko sa di malamang kadahilanan.

Yan yung boses na nag usap kami nung mate ko sa parking lot. Pero ang difference ngayon,I can clearly see him.

Kahit nakatalikod,ang puti nitong buhok,resembles me that white haired guy,same height.....Hindi ko makita kung sino yung babae dahil naharangan nitong lalake.

"Good to know. My lips are better than her." nakaramdam ako ng inis. Why am I feeling this? Hindi naman ako ang tinu—

"Yes. You're lips are better than my mate,Devon."

...................

I'm speechless

A-ako? A-A-Ako ang..........

Siya.....a-a-ang.....m-m-mate k-ko?

I felt a fang on my chest. And it really hurts. Para akong tinusok ng kutsilyo na paulit ulit sa nararamdaman ko. Ang bigat sa dibdib...

B-bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?

"Then,loose your bond to her and claim me as yours." saaad nung babae at hinalikan muli ang so-called-mate kuno ko.

Malandi siya. Malandi sila nang lalakeng yan!

I balled my fist in anger and pain,as my traitor tears escaped from my cheeks.

Umatras ako ng tahimik at tumalikod saka naglakad ng mabagal nang makaliko ay agad akong tumakbo patungo sa dorm namin habang umiiyak.

Bakit nasasaktan ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko?!

D*mn! Wake up,Devon! May Crush ka na!

Napahinto ako ng marating ang dorm namin. Humihingal akong napaupo sa sahig at napasandal sa pintuan at napayuko. Muli na namang lumabas ang panibagong luha ko.

Napahagulgol ako ng wala sa oras. It hurts....a lot...

Gumaganti na ba ang mate ko?

Pinaparamdam niya ba kung gaano kasakit masaktan?

Siya ang Mate ko. Ramdam ko yun. Kahit nakatalikod ito ay alam kong siya na nga yun. Sa boses nito,sa buhok,and everything.

Pero ang hindi ako sigurado kung ang mate ko at ang white haired guy na nakilala ko ay iisa. Pero napaka imposible....

A pair of black shoes appeared infront of me. I slowly looked up and saw his worriedly face. Pinantayan ako nito ng upo at pinunasan ang mga luha ko.

"Crush." I cried out and hugged him immediately. He was surprised,pero niyakap na lang din ako at hinaplos ang buhok ko.

Mas sumubsob pa ako sa dibdib niya at humagulgol. Napakabigat talaga sa pakiramdam.

"I....shouldn't.....be crying....."

"Shhh...." he hushed and hugged me more.

"But....it.....it really......really....hurts.......so much......."

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz