Moon 11:Kia

777 35 0
                                    

Devon Solaire




"'Wag tatanga-tanga!"

"Gamitin mo kapangyarihan mo,bobo!"


"Nawawala ka sa linya mo!"


"Anong silbi yang ganda mo kung slow ka?!"

Such harsh words.

Napabuntong hininga na lamang ako sa nakikita. Nasa second floor kami ng kaklase kong babae. Tapos na ang klase namin kanina pa. Ang hinihintay na lamang ay pananghalian.


Pinapanuod namin ang mga nag-eevaluate ng kanilang mahika ngayon. Mga nature user,nakikita ko nga si Jales sa likuran ng linya nila.


"How about Moon Academy? Can you tell me a story about that?" suhestiyon ko sa kaklase kong babae na feeling close sa'kin at kanina pa daldal ng daldal.

Rason na rin ito para magkaroon ng impormasiyon.


"Okieeee. Ang Moon Acade—."



"What's your name again?" malumanay kong tanong sa kaniya. Napakamot naman ito sa ulo. Ang pinakaayaw ko sa isang Lunaphile ay nagkakamot sila ulo,hindi kaaya-ayang tingnan.

"Ano ka ba,Devony. Nakalimutan mo agad ang pangalan ko eh tatlong letra lang naman iyon. Ako si Kia. Khiel Indigo Atlanta."


Kia. I'll remember that.


"Una,sasabihin ko na hindi ito ang Main ng Moon Academy. Nasa ikalawang pangkat lang tayo."
napakunot ang noo ko sa sinabi niya.


"What do you mean?"

"Ang Moon Academy ay kinikilala bilang misteryoso at magical. You see, may dalawang parte ang akademya.  Nasa ikalawang pangkat lang tayo at tinatawag ang akademyang ito na "Moon Academy: Newborns". Kung saan sinasanay ang lakas at talino natin upang magkaranggo tayo at makapunta sa "Moon Academy: Main" ang unang pangkat at tinatawag ang mga estudyante dun bilang Elite Royals." paliwanag niya.





"Tinatawag na Elite Royals ang mga estudyante dun dahil nagiging prinsipe/prinsesa, hari/reyna sila kapag malakas ka na at matalino. Doon,namumuhay sila ng elegante. Merong mga maaarte at masusungit–palaban kumbaga. Iba din ang kanilang pananamit,imbes na uniporme ay gowns at tuxedos na para talagang maharlika. Parang mga dugong bughaw. Hayst,nakakainggit." tiningnan ko lang siya ng taimtim at bumuntong hininga.

"Eh saan pakakatingnan ang Moon Academy:Main na sinasabi mo?"
tanong ko.


"Sa langit."


"Huh?"

"Oo nga,sa langit. Lumulutang ang napakalawak na isla sa taas. Nandun ang Main."  sabi niya at tumingin sa baba.Tumingin ako sa taas. "Invisible?" Tanong ko at tumingin sakaniya. Tumango siya at tumingala sa taas.

"Yeah,invisible. Pang protekta mula sa  masasama at isa pa,'pag tumapak ka sa Main,parang wala ka sa taas dahil sa lawak nito. The Main of Moon Academy is very beautiful." nanliit ang mata ko sa sinabi niya.


Let's see,

"Kung ganoon, talagang malawak ang M.A." tumango-tango ito.


"Of course! Alam ko nga ang pasikot-sikot doon eh—! I mean, o-oo! Oo siguro. H-hehe."


She just slipped.



"You're one of them," tugon ko na ikinalingon nito at nakunot ang noo. Ramdam ko din ang pagkaba nito.




"A-anong s-sinasabi mo?"




"I said you're one of them." ulit ko at pinakita sa kaniya ang I.D. Niya. Ngumisi siya at pinakita din ang I.D. Ko.


"What the–." hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa gulat dahil hawak ko rin ang isang I.D. niya. Royals I.D.


"Princess Khianna Iraq Atlantis,labinsiyam na taong gulang. Rank 36,a nature user,estudyante ng Main. One of the Elite Royals."  basa ko sa I.D. niya. Laglag pa ang panga nito at di makapaniwala sa ginawa ko.





"Pwede na ba akong makapasok sa Main?"  tanong ko at nginitian siya ng mapang asar. Hindi pa rin siya makapaniwala.




"Sa mga sinabi mo,dun ko nakumpirma na isa kang Elite Royal. Marami ka kasing nalalaman. Masyado kang napaghahalataan." sabi ko.


"Paano mo nakuha iyan?!" Nanlilisik ang mga mata nito.


Umatras ako ng akmang aagawin niya ang I.D. niyang hawak ko.


"Not so fast,my dear Khianna. Don't worry, wala naman akong balak na ipaalam sa lahat na bumaba ka dito." sambit ko na ikinabuntong hininga niya. "Pero...ano nga bang ginagawa ng isang Elite Royal dito?" tanong ko pa.





Tinitigan niya ako at inirapan. I knew it, mga Elite nga naman.



"Ganiyan ba talaga ang ugali ng mga Elite?" Sarkastikong aniya.




"Nakakainis ka! Tapos ang talino mo pa at mabilis! Nandito ako para  kumuha ng sampung karapat-dapat na  estudyante upang mapasali sa Elite Royals. Yun ang mission ko na ipinagawa ng headmaster."
paliwanag niya. "Give me now my I.D." sambit niya at inilahad ang kamay. Binigay ko naman yung isang I.D. niya.



"Yung isa! Hindi ako makakapasok sa Main ng wala ang royal I.D. ko!"
inis na atungal nito.


"Then, gawan mo ng paraan. Elite ka hindi ba? I wonder kung paano nakalusot at nakapasok si Prince Sockey sa Main."  sambit ko na ikinasinghap nito, I sighed at ipinakita ang ID ni Sockey Evergreen

"Clever you!" anas niya na ikinasinghal ko lang.


"I am." sagot ko at itinago sa bulsa ng uniporme ko na parang nurse ang ID. Nilang dalawa at ang I.D. Ko. Masyado siyang naging busy ng hindi napapansing nakuha ko na din ang ID ko.

"Thanks for the info. You're very useful. Bye." sambit ko at tinalikuran siya. Lunch time na kaya kailangan kong pumunta ng dining hall.



"DEVONN!" sigaw niya sa galit pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin pa.




I wonder who will she choose.




Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now